Lumipas ang ilang buwan ay naging maayos na ang kumpanya nila Mommy. Napahagulgol ako noong nalaman ko na sinugod sa hospital sina Lola at Mommy dahil sa biglaang pagkawala ko. Nalaman din nila na may nagsabotahe at aalamin nila kung sino yun pero ako na ang lulusot sa problema na yun dahil sa tulong ng kaibigan ni Xia na si Queenie. “Kamusta yung pagbubuntis mo?” hinimas ko ang tiyan ko. “Eto medyo nagcrave ako” sagot ko. 6 months na akong buntis at di ko expect na mabubuntis ako nang ganitong kaaga. Gusto kong umiyak dahil di ito ang gusto ko lalo na't gusto ko pa makamartsa paakyat ng stage sa graduation pero wala na akong magagawa kung di tanggapin dahil nagkaroon naman ako ng alala sa maikling panahon na nakasama ko si Jarred. “Baka naman mapasobra ka niyan alam mo naman baka magka

