Eto na po Mam” tumawag sa akin si Ms. Morales para iabot sa akin ang pinautos ko sa kanya. We’re here in the parking lot sa baba ng condominium sa mismong kotse niya para walang nakakita sa amin. “Karamihan sa mga kaibigan niya ay nag-invest ang lola niyo sa company nila” saad niya. “Is their family background good?” tumango siya. “Si Kayla Domingo ay isa sa mga investor ng company ng fiancé niyo po” kinuha ko naman ang flashdrive. Tumawag ako sa kanya kagabi na wag na isend sa email ko yung information about them dahil matrace ni Jarred yun at malaman pa niya kung bakit ko pina-investigate ang buong grupo niya. Wala lang panakot ko lang sa kanila dahil isang tawag ko lang kay Lola ay susundin niya agad ako at sasabihin kay Lolo yun. “Siya nga pala nasa bank account mo na yung bayad ni

