“Di ko alam magaling ka pala rumampa” napatingin ako kay Yam. “Kotang-kota na kasi ako sa pageant noong high school pa lang ako kaya easy na rin sa akin ito” saad ko. Pangalawang araw na namin sa pagpraktis for pageant. Di naman ako nangangapa dahil nasanay na ako sa ganito pero kahapon ay di ako sanay dahil sa taas ng heels na pinahiram sa akin ni Winslet. Mabuti na lang ay di pa daw napapamigay yung mga heels niya na ginamit noong pageant nila dati sa senior high school kaya nakahanap siya kahit 6 inches kaysa naman sa 10 inches kulang na lang maging poste ako. “Next ka na” tumango ako at rumampa with matching lava walk dahil ito yung ginagawa ko dati at napanood ko lang ito sa isang beauty pageant na napanood ko sa internet. “I’m Xiara Ellaine Del Vega BSBM 2-A” pagpapakilala ko. S

