Chapter 14

1311 Words
OMG! Nakita kayo ni Izumi na sweet kayong magkayakap nung friday night?” tumango ako. Nandito kami sa main branch ng coffee shop ni Winslet. Dito na lang namin naisipan pumunta para naman makasama namin siya ngayon pero gusto niya rin pumunta sa bahay namin pero sinabi na lang namin na pumunta na lang siya bukas kahit siya lang dahil holiday bukas ay pumayag naman siya. “Oo kaya lang nakakakonsensya kasi ihh” sagot ko. “Ay nakonsensya ka na sa lagay na yun halos makakapit ka na sa braso niya noong inuwi ka niya sa bahay mo” “Sino naman nagsabi nun?” tanong ko. “Si Abi nakita ka raw niya halos di ka na makabitaw sa braso niya” sagot niya. “Teh lasing lang ako noh” paliwanag ko. “Pero totoo bes effective ba?” tanong ko. “Oo, pumunta kasi ako sa bahay nila kahapon and kinuwento niya tungkol doon sa nakita niya sa inyo. Nagagandahan pa siya sayo” sagot niya. “Maganda din naman siya ah” saad ko. “Hmm basta continue lang ang pagpapanggap niyo para lumabas siya sa lungga niya” humigop siya ng iced coffee. “Oo nga pala muntik ko na pala di nakwento tungkol doon sa nakita ko kagabi” “Anong nakita mo?” tanong niya. “May mysterious guy doon kasi sa taas di niya maalis yung titig sa akin and then parang iba yung pakiramdam ko nung nakatitig din siya sa akin. Feeling ko parang nasa isang spell ako” kwento ko. “Di kaya gayuma yung sinasabi mo?” tanong niya. “Parang ganun na nga” sagot ko. Itutuloy ko na sana ang pagkukwento nang kalabitin ako ni Jessa. “Parang may sarili kayong mundo ah” biglang bira ni Abi. “Wala may pinag-uusapan lang kami” sagot ko. “Ano yung pinag-uusapan niyo?” sa salitang usap ay nagiging dakilang chismosa si Jessa. “Wala, tungkol lang report namin” si Yam na lang ang gumawa ng palusot. “Yun naman pala pero pwedeng set aside niyo muna yan linggo ngayon kaya dapat enjoy lang muna natin” saad ni Megan. “Okay fine ano ba yan” pumunta na si Yam sa tabi ni Jessa at ako naman sa kabila niya. *** “May parcel ka bang dumating?” Umiling siya. Bigla kasing may nagdoorbell sa labas. “Di muna ako umorder wala akong maisip” sagot niya. Tumayo na ako at lumabas ng gate para pagbuksan yun at pagkabukas ko ay nagulat ako dahil ang nagdoorbell pala walang iba kung di si Tita Maris. “Tita, anong ginagawa niyo po rito?” tanong ko. “Pwede bang pumasok muna ako?” tumango naman ako. Inaalalayan ko siya pumasok dahil buntis siya. Oo, buntis si Tita Maris sinurpresa niya si Tito Kyron noong birthday niya. Di naman kami makauwi ni Abi dahil may duty ito sa hospital at ako naman ay tinatapos ang walang katapusan project at report presentation. Umeksena pa nga si Desiree, anak ng isa sa mga investor nila daddy. Nakuha ko lang ang information na yun kay Tati Gayle. Binuksan ko ang screen at biglang nagulat si Abi nang nakita niya si Tita Maris. “Tita, anong ginagawa niyo po rito?” tanong niya. “Di ba pwedeng bisitahin ko lang kayo rito?” tanong rin niya. ‘Bibisitahin or tataguan si Tito’ “Alam ba ni Tito na nandito ka?” tanong niyang muli pero di ito nakasagot. Biglang nagring ang phone ko at pumunta muna ako sa kusina. “Hello mommy” “Anak, nandyan ba si Tita Maris mo?” tanong niya. “Yes po Mommy” sagot ko. “Bakit nga po pala siya napunta dito binisita lang po ba talaga niya kami or lumayas siya sa bahay nila? Wala po kasi siyang dalang gamit ni isa bag lang dala niya” “Nagtatampo si Maris dahil di kasi siya pinapansin ng Tito mo. Nung hinahanap niya ang Tita mo ay pumunta agad siya sa bahay pero pagdating doon ay wala at sinermonan siya ng lola mo kaya mukhang may ideya siya kung nasaan ang Tita mo ngayon dahil naalala daw niya ay gusto kayo bisitahin ng Tita Maris niyo” kwento ni Mommy. “Si Tito po ba papunta na dito?” tanong ko. “Oo sige mag-ingat kayo dyan kapag nag-away yung dalawa kayo nang bahala umawat at iba pa naman ang mood ni Maris ngayon” “Sige po mommy” binaba ko na ang tawag at pumunta na ako sa kanila. Naabutan ko si Tita na nakabusangot at mukhang kakatapos lang maglabas ng sama ng loob kay Abi. Pumunta naman ito sa kusina at nagbukas ng ref. Pumunta naman kami sa kanya. “Anong hinahanap niya?” tanong niya. “Di ko alam” bulong ko. Humarap naman ito sa amin. “Wala ba kayong singkamas dito?” tanong niya. Nagkatinginan pa kami ni Abi. “Tita, alam niyo naman po na madalang lang po kami mamili at pumunta sa palengke” sagot ni Abi. “Gusto ko kasing singkamas” siniko niya ako kaya wala akong choice kung di pagbigyan ang hiling ni buntis. Pumunta ako sa itaas para kumuha ng pera pero ang gaga ay ginawa ng dalawang singkamas kumunot naman ang noo ko dahil mukhang ako pa ata ang mag-aabono doon. “Ako na lang ang magbabayad niyan bilisan mo na lang para di mainit ang ulo ng buntis” “Oh siya sige” napasimangot ako at wala akong choice kung di lumabas. Tinatamad akong lumabas dahil mainit kahit may payong akong dala. “KUNIN mo na yung isang tali para naman masulit ang pagkain ng singkamas ng Tita mo” saad ni Aling Saling. Namimili pa sila ng singkamas at mabuti na lang ay di nila ito pinansin. “Naku salamat po Aling Saling, tiba-tiba ito ni Tita” nagbayad na ako at kinuha ang isang tali ng singkamas. Pagkarating ko sa bahay ay naabutan ko sila na nag-uusap pa. “Buti na lang nauna ako doon sa bilihan ng singkamas kung di maubusan tayo niyan at hirap na naman ako hanapan niyan” saad ko. Kinuha na niya ito at hinugasan saka niya binalatan. “Ano ang ipangsawsaw niyo doon Tita? Bagoong po ba?” tanong ko. Pumunta na si Abi sa sala bitbit ang singkamas na hiwa at binalatan na niya. “Bawal kay Tita yan alam mo naman buntis siya” sagot niya. ‘Oo nga pala bawal pala kumain ng bagoong ang mga buntis’ Bigla naman ako natakam akmang kukuha ako ng isang pisngi pero tinapik niya ang kamay ko. Napanguso naman ako “Bakit?” “Bawal kunin ang pagkain ng buntis magseselan yan” bigla naman kumunot ang noo ko at tumawa ng mahina si Tita. “Nursing student ka at naniniwala ka sa mga ganyan” “Oo naman noh” pero di pa nakakasubo ng pagkain si Tita ay may narinig na kaming busina ng kotse. “Speaking of mukhang nandito na siya” lumabas ako at nakita ko pa lang sa terrace ang kotse ni Tito na nakaparada sa mismong tapat ng malaking gate. ‘May nagrereklamo na naman sigurong kapitbahay dito, ipapasok ko na lang sa kanya mamaya’ Pagkabukas ko na gate ay nakita ko ang seryosong mukha ni Tito Kyron. “Hi, Tito napadalaw ka?” tanong ko. “Alam ko na nandito ang Tita Maris mo” napatingin naman ako sa gilid baka may kapitbahay kaming chismosa at nakichismis kung ano nangyayari dito. “Hehehe” wala na akong masabi kung di yun. Pinapasok ko na lang siya sabay sarado ng gate. ‘Mamaya ko na lang kayo ichichika’ Dali-dali naman ako sumunod sa kanya at napalakas ng bukas ng screen ng pintuan si Tito. ‘Grabe! Galit yarn’
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD