Chapter 13

1515 Words
I’m here in our house pa at natapos na akong magluto at maligo. Tulog pa si Abi dahil wala raw siya klase hanggang 9 dahil nagkaroon daw ng emergency ang prof nila. Nag-iwan na lamang ako ng notes para sa kanya. “Hello Yam, palabas na ako” saka ko binaba ang tawag. Pagkalabas ko ay nakita ko na ang kotse ni Yam. Nakatira na siya ngayon sa condo dahil nasa Japan na yung Ate niya kasama ang boyfriend nito. Binigay na daw sa kanya yung condo at pinahiram siya ng kotse kaya lagi kami niya sinusundo ni Abi dito sa bahay. “Where’s Abi?” tanong niya. “Tulog pa, mamaya pa siya papasok” sagot ko. “Ano nga pala nangyari doon?” tanong niya. “Ayun, nalaman niya na may girlfriend na yung crush niya kaya nag-iiyak sa akin pero okay naman siya ngayon at pinangako raw sa sarili niya na di na daw siya maiinlove sa gwapo pero feeling ko scam yun” kwento ko. “Tompak girl” natawa na lang siya sa sinabi ko. “Anyway, ako na ang kumausap kay Matt tungkol sa pagpapanggap bilang manliligaw mo” nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. “Huh? Seryoso ka ba? Si Matt talaga?” Tanong ko. “Yeah bakit ayaw mo ba?” umiling naman ako. “Hindi naman pero pumayag ba siya tungkol doon?” tanong ko. “Oo sis pero may condition” “Anong condition?” “Well he ask me a favor na magpapanggap din kayo sa mismong restobar ng pinsan ko si Izumi” sagot niya. “Bakit kailangan din namin magpanggap?” tanong ko. “Gusto niya raw pagselosin yung pinsan ko, matagal na raw kasi siya nagpapansin sa kanya pero di siya pinapansin ni Izumi” sagot niya. “So ibig sabihin parehas kami makikinabang sa pagpapanggap namin?” tumango siya. “Korek ka dyan sis” “So kailan start?” tanong ko. “Hmm pwede ngayon na dahil total weekend bukas and pupunta na kayo sa restobar ni Izumi mamayang gabi” tumango na lang ako sa kanya. “Ganun pala ihh” saad ko at saka nakarating na rin kami sa school. Pagkapasok ko pa lang ay bumungad na agad sa akin si Manong Guard na may dalang paper bag. “Para po sa inyo daw po” kumunot ang noo ko at binuksan ko ito at pamilyar na baunan ang nakita ko. “Sino po nagbigay nito?” bigla kong tanong. “Binigay din po sa akin ng isa sa mga duty din dito sa gabi pero tinanong ko rin sa kanya binigay lang din daw siya nung nagjojogging pero tinanong din niya doon binigay lang din daw sa kanya” paliwanag ni Manong Guard. “Grabe ginawang basketball ah dahil sa pinapasa-pasa yung paper bag buti di nalamog yung pagkain dito” kinuha niya sa akin ang paper bag at kinuha niya ang laman dito. “Mabuti maayos pa” saka niya binalik yun sa paper bag. “Thank you po Manong” saka kami dumiretso papasok sa school. “Kailangan mo na talagang magkaroon ng manliligaw girl” pagpaparinig niya. “Oo para tumigil na rin yung nagpapadala sa akin ng mga ganito punung-puno na yung cabinet ko” saad ko. “Tara na kainin na natin yan doon sa room mukhang masarap ata” natawa na lang ako dahil parang di siya kumain ng almusal sa unit niya. *** “Ayos na ayos ka ah saan lakad mo?” tanong ni Abi. “Sa restobar doon sa fairview inaya kasi ako ni Matt” nanlaki ang mata niya sa sinagot ko. “Huh? Makipagdate ka kay Matt?” tumango ako. “Sana all baks” humarap ako sa salamin at inaayos ang make up ko. Ang suot ko ngayon ay isang dress na hapit sa katawan ko at 2 inch na heels. “Soon ka na lang makipagdate kapag pumayag na si Tita Maris” napanguso na lang ito sa akin dahil sa pang-aasar ko. “Tss, enjoy” natawa na lamang ako sa inasal niya. “Dadalhan na lang kita ng pasalubong” pahabol ko. “Gusto ko ice cream ah yung matcha flavor” nagthumbs-up ako sa kanya saka lumabas ng gate. Nakita ko si Matt na nakasandal sa kanyang kotse. “Gwapo natin ngayon ah” puri ko sa kanya. “Same too you” ngumiti ako sa kanya at inalalay niya ako papasok ng sasakyan. “LUMALABAS ba siya sa office niya kapag gabi?” I asked him about Izumi. “Yes, she monitor her waitresses baka may mabastos sa kanila lalo na't may mga gagong lasing doon” paliwanag niya. “Restobar? Restaurant na bar ba yun?” tanong ko. “Hmm parang ganun na nga pero may bar talaga siya doon sa Fairview din” kumunot ang noo ko. “Doon tayo pupunta?” tumango siya. “Nandun siya according to Yam” sagot niya. "Akala ko ba sabi niya restobar siya ngayon?" umiling siya. "Nagtext lang siya sa akin kanina" sagot niya. “Ganun okay” tumingin na lamang ako sa labas. “By the way, may sinabi sa akin si Yam tungkol sa dahilan mo kung bakit gusto mong magpanggap na manliligaw kita” bumuntong na lang ako ng hininga at saka ko sa kanya kinuwento. “You mean, yung nagtext sayo ng weirdong text, nagpadala ng mga foods and naaksidente mong nahalikan noong nasa Subic kayo ay iisa?” tanong niya. Di naman ako makatango dahil di ko nga alam kung siya ba talaga yun. “Di ko alam kaya nga sinunod ko ang advice ni Yam para lumabas siya sa lungga niya” paliwanag ko. “Hmm you think gagana yun?” “Di ko alam” huminto bigla ang sasakyan. “We're here” tinanggal ko na ang seatbelt at naunang bumaba si Matt at pinagbuksan niya ako ng pinto saka ako inaalalayan bumaba. “Let's go” kumapit ako sa kanyang braso at nakita kami ng bouncer at pinapasok na kami. “Kutang-kuta ka na dito ah?” tanong ko. “Hmm di namam masyado” sagot niya. “May pinareserve na akong seat malapit sa dance floor” tumango ako at inaalalayan niya akong pumunta doon. “Anong order niyo po Mam/Sir?” “Brandy sa akin and ikaw?” “Margarita na lang” sagot ko. Tumalikod na ang waiter para kunin ang order namin. “Ayaw mo ng hard?” sinamaan ko ng tingin si Matt dahil sa pang-aasar niya sa akin. Naikwento ko pati sa kanya ang kagagahan ko noong nasa Subic pa kami pero di ko sinabi na si Jarred Guamez yun dahil kilalang-kilala niya yun at isuplong pa ako sa kanya. “Tss! Alam mo naman nang dahil doon may nagawa akong kagagahan nang-aasar ka pa” tampo ko. “Sorry” tumawa pa siya at hinampas ko siya sa braso. “Mam, Sir here’s your drink” nagulat ako dahil hindi ang waiter ang nagserve sa amin kung di isang magandang babaeng na singkit at maputi pa. ‘Nakakainggit!!’ “Siya yung sinasabi namin” saad niya. Napatango na lang ako. “Hi, you're Izumi, right? I'm Xiara Yam's best friend, and Matt is courting me” pagpapakilala ko. “Ahh ikaw pala yung kinukwento ni Yam na nililigawan ni Matt ” tumango ako. “Sige enjoy your drinks” ngumiti ako sa kanya at tumalikod na siya. Ininom ko na ang margarita na inorder namin. Nakatitig pa rin siya sa akin at ako naman ay biglang tinubuan ng konsensya. ‘Di ko talaga carry may masasaktan na tao’ “Oh parang iba yung mukha mo?” tanong niya. “Nakakakonsensya kasi ihh” sagot ko. “Ang ganda pa niya tapos masasaktan lang siya” bumuntong na lang siya ng hininga. “Tss! I knew it nagseselos siya” sinamaan ko lang siya ng tingin dahil tinatawanan lang niya ang mga sinabi ko. “Kaasar ka di ka ba nakokonsensya nasasaktan siya oh” turo ko kay Izumi na nakapalumbaba lang. “Tss! Wag mo na lang pansinin at isa pa ilang beses niya rin ako pinagtabuyan” sabay inom ng alak. “So parang gusto mo ikaw ang maghahabol ganun?” tanong ko. “Hmm parang ganun” sagot niya. “Kapag yan nabalitaan ko kay Yam na ikaw pa rin ang naghahabol kay Izumi bibigyan kita ng purong gin” banta ko. “Wag naman baka mawalan na ako ng atay niyan” tumawa lang ako sa reaksyon niya at bigla akong nanigas dahil may isang taong nakatitig lang sa akin mula sa second floor ng bar. Titig na titig ito sa akin at umiinom ng alak yun nga lang ay madilim at di ko makita ang itsura ng lalaki na yun. “May problema ba?” umiling ako. “Wala, order pa tayo ng isa pa samahan mo naman ng pulutan” ungot ko. “Oo na” tumawag na siya ng waiter para umorder ng alak at request kong pulutan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD