“Balita ko sinamahan ka ni Matt kahapon ah” pagkaupo ko pa lang ay tsinika na ako ni Yam tungkol sa pagsama sa akin ni Matt sa paggrocery kahapon.
“Oo at nakita ko rin yung nakaone night kiss ko” nagulat agad siya sa sinabi ko.
“Ay totoo?” tumango ako.
“Mabuti na lang ay kilala ni Matt kasi kuya niya daw yung kaibigan nun” sagot ko.
“Ay shala” napailing na lang ako sa kanya.
“Saan mo pala nalaman yun?” tanong ko.
“Kay Abi sinabi niya sa akin kahapon” kumuha ako ng pringles chips sa kanya.
“Edi alam ni Jessa yun”
“Tompak, gusto ka nga sabunutan nun” natawa na lamang ako sa sinabi niya.
Crush ni Jessa si Matt simula nung first year college pa lang kami, magkasama kami sa P.E nun at si Jessa ay nasa gym para hintayin kami ni Yam kaya yun na love at first sight ang gaga.
“Pero mas marami siyang karibal dito” napabungisngis na lang kami. Heartthrob din kasi si Matt kaya lapitin dik siya ng mga babae lalo na sa ibang department.
“Kung sabagay, pogi yung kuya niyang si Mico Llagan kaya pogi rin ang bunso” saad ni Yam.
“Oh, nagchat si Winslet punta tayo sa coffee shop niya para imonitor ang kanyang mga tauhan dahil may tatapusin pa raw siyang project kasama ang mga kagrupo niyasa library” kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
“Bakit may problema ba?” tanong ko.
“Ewan pero feeling ko may kakaibang nangyayari doon” sagot niya.
“Sige para naman makatambay tayo doon ng matagal-tagal” saad ko.
“Okiee” sabay subo ng pringles chips. Kukuha sana ako pero tinapik niya ang kamay ko sabay nguso doon sa teacher namin kaya natahimik na lamang ako.
“BAKIT kanina pa ito nakatulala?” tanong ko kina Megan at Patricia.
“Iniisip niya pa rin yung kanina” saad niya.
“Anong nangyari kanina?” tanong ko.
“Kasi pumunta yung crush niya si Dave sa room namin akala niya nung una ay pinuntahan lang niya yung kabarkada niya na si Oscar pero nung nagpaalam na ay may nabanggit si Oscar na “aayain ko na rin sila” ayun iniisip niya pa rin kung sino yung kasama pa nila eh sila-sila lang naman yung magkakasama eh” kwento ni Megan.
“Sinasabi ko naman sayo tigilan mo na yung guy na yun baka kasi masaktan ka na naman” sermon ko.
“Pssh! Wala naman akong nababalitaan may girlfriend siya” napairap na lang ako sa inis dahil sa pagiging tanga ng pinsan ko.
“At saka malay niyo may iba pa siyang friend bukod sa kanila” dugtong pa niya.
“Ewan ko sayo masyado kang tanga di naman sa lahat ay kaibigan na nung guy malay natin may pinopormahan na yung di lang talaga sinasabi di ba sabi niyo tahimik siyang tao kaya ganun” sermon ko. Sinamaan niya lang ako ng tingin at ginantihan ko lang ito ng irap.
‘Naku! Kung di lang nakakahiya sinabunutan ko na siya’ wala lang kasi si Yam dahil nasa office siya ni Winslet at nakatutok sa monitor.
“Kapag may girlfriend na siya titigilan mo na yung pagpapantasya mo sa kanya ah” di siya nakasagot.
“Di ko alam” tumayo na siya at pumunta sa restroom. Susunod sana sila pero pinigilan ko lang.
“Hayaan mo muna siya” tumango na lamang sila at muling umupo.
At dahil dakilang tanga ang pinsan ko ay muntik na silang mag-away nila Megan at Abi pero nagkabati din sila.
“Mabuti naman nagkabati kayo agad ni Megan” nilabas kong muli ang baunan na may ulam. Nag-iwan na naman kasi ito ng pagkain sa locker room ko. Kapag talaga may vacant time ako huhulihin ko talaga yun.
“Ihh di ko talaga kayang magtagal yung away namin” saad niya.
“Di naman sa pinipigilan kitang magboyfriend pero kasi di ba may pangako ka kina Tita Maris na di ka muna magkakaroon ng jowa after mong pumasa sa board exam” pagbanggit ko sa sinabi sa kanyang bilin ni Tita Maris sa kanya bago kami lumuwas ng Manila noong freshman pa lang kami.
“Oo pero kasi alam mo kapag ang puso ay di na talaga mapipigilan tumibok sa isang guy”
“Pero may limitasyon” napanguso na lang siya.
“Alam mo malapit na mapuno yung kabinet natin sa mga baunan na galing dyan sa secret admirer mo” saad niya.
“Oo nga halos araw-araw na kaya lang di ko mahuli kasi wala akong vacant class” saad ko.
“Ay yun lang” tumayo siya.
“Anong ulam yan?” tanong niya.
“Hmm…. Adobo saka mechado” sagot ko.
“Paano kaya niya naluluto yan noh kasi dalawang putahe yan?” tanong niya.
“Ewan ko pero malay natin kinukuha lang niya sa bahay nila ganun” sagot ko.
“Pero paano kung yung nagtext sayo at yung nagpapadala sayo ng mga food or yung nahalikan mo nung nasa Subic tayo ay iisa?” kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
“Sino si Jarred Guamez ba?” tanong ko.
“Parang ganun” sagot niya.
“Hayss!! Ewan! Naguguluhan din ako” umupo na lamang ako at uminom ng tubig.
“Mahirap talaga yan dahil may palihim siya sayong gusto at patay na patay pa siya sayo” bumalik siya sa pagbabasa ng libro.
‘Obsession?’ bigla akong napaisip at kinuha ko ang cellphone ko at sinearch yun.
“When someone is obsessed, they've lost control of their feelings about the object of their obsession. The adjective obsessed is often used to simply mean "very interested," but when someone is truly obsessed, their interest has become compulsive, and they've begun to lose control over it” napalunok na lang ako bigla sa nabasa ko sa google.
“Oh parang iba naman timpla ng mukha mo” tumayo na ako at kinuha ang mga plato saka ko nilagay sa lamesa.
“Kumain na tayo” pag-aya ko at nagsalin ako ng baso pars makainom muli ng tubig.
***
“Ano? May iba kang naramdaman noong binasa mo yung meaning ng obsession?” tumango ako. Tumawag ako kay Yam.
“Di ko alam bigla na lang kasi ako kinabahan at mapainom ng tubig” sagot ko.
“Pero paano kung tama yung pinsan mo na iisa lang yung nagsesend sayo ng text, yung nagbibigay ng food at naaksidente mong nahalikan?”
“Ano kaya ang gagawin ko?” tanong ko.
“Why you should try na magpaligaw?” kumunot ang noo ko.
“Huh? Gagamit ako ng tao, huwag grabe ka naman”
“Gagi, pwede naman natin kausapin yung magpapanggap mong manliligaw wag mo lang ibabanggit kay Abi at sa iba ah” tumango ako.
“Sino naman ang pwedeng magpanggap na manliligaw ko?” tanong ko.
“Hmm parang may kilala ako” bumuntong na lang ako ng hininga at pinaubaya kay Yam ang lahat ng plano niya.