“Wow! Ang ganda ng bakuran niyo” pumasok sila sa loob at nakita nila ang pinalandscape namin.
“Tamang-tama masarap kumain dito ngayong tanghali” lumabas si Abi dala ang ulam na niluto niya.
“Uy, adobong manok na may itlog” nilapag na niya ito saka muling pumasok sa loob ng bahay.
“Tulungan na kita” sumunod naman si Megan sa kanya.
“Saktong-sakto kahit iba ang hangin dito maaliwalas at hindi masyadong maiinit” komento ni Yam.
“Kaya nga nagpalagay kami ng parang style bahay kubo kasi may time kasi na maiinit dito lalo na kapag paparating na yung summer” saad ko.
“Pero in fairness girl maganda siya at maraming mga bulaklak” dumating na sila Abi at Megan dala ang mga plato at kanin.
“Kukunin ko lang yung juice doon” tumango ako at inayos na ang mga plato.
“Anong naisipan niyo at nagpalandscape kayo?” tanong ni Megan.
“Masyado kasing normal kapag lumalabas kami tuwing umaga at isa pa kapag umuulan at nababasa yung lupa pumapasok yung amoy sa loob ng bahay allergy pa naman sa alikabok si Abi” kwento ko.
Nagkakaroon kasi siya ng Allergic Rhinitis and may times na dinala siya nila Tita Maris sa hospital noong panahon nasa puder pa siya ng nanay niya. Natrigger daw ito noong nagyosi ang stepfather niya. Naikwento lang ito ni Mommy sa akin bago kami pumunta dito sa Maynila at manirahan.
“Kaya pala minsan kapag lumalabas kami ng campus ay nakaface mask siya”
“Oo pero di naman totally lagi kapag marami lang sasakyan ang dumadaan or di kaya yung mga sasakyan makapal ang usok kapag pinapaandar ganun” paliwanag ko.
“Sino naman tsinitsismis niyo diyan?” dumating si Abi dala ang pitsel at ang mga baso na nakalagay sa tauban.
“Wala, sinasabi ko lang yung tungkol sa pinalandscape natin” palusot ko.
“Tara na kumain na tayo” nagsikuha na sila ng kutsara’t tinidor at saka kami magsandok ng ulam at kanin.
“HAY busog na rin” pumasok na sila Abi at Megan para hugasan ang pinagkainan namin.
“Tutulungan ko na sila” sumunod naman si Patricia at pumasok rin sa loob.
“Sayang wala si Winslet” saad ko.
“Sabi naman niya babawi na lang daw siya next week nagkaroon lang daw sila ng family gathering sa Tagaytay” kwento ni Yam.
“Ganun” tumango siya.
“So anong gagawin natin ngayon?” tanong ni Jessa.
“Hmm…. Manood na lang tayo sa Netflix may bago raw palabas” saad ko.
“Ay bet” sabay apir.
“Tara na pumasok na tayo gusto ko naman magbabad sa electric fan” tumayo na siya at tumawa lang kami saka sumunod sa kanya.
***
“Okay sige po mommy bye love you” sabay baba ng cellphone. Lumabas na ako ng room ko at bumaba. Naabutan ko si Abi na naghuhugas ng plato, kakaalis lang nila dahil may curfew pala ang kanilang mga boarding house.
“Bakit tumatawag si Tita?” tanong niya.
“Kinamusta lang niya tungkol doon sa pinalandscape natin” sagot ko.
“Tapos magpapadala din daw siya ng pera next week” tumango siya.
“Sana naman wag nang dagdagan ni Tito yung allowance na binibigay sa akin ni Tita di ko kasi nagagalaw, balak ko na nga mag-open ng another account para ilipat na yung ibang pera” saad niya.
“Ay oo nga pala tungkol nga pala doon, kapag nagopen ka na ng new account kailangan mo rin isara yung dating account mo at sabihin mo yung rason” suggestion ko sa kanya.
“Okay sige” saka siya bumalik sa paghuhugas ng plato at ako naman ay umupo para magopen ng f*******:.
Kinabukasan ay lumabas ako para bumili ng grocery dahil wala na kaming stock at naggym na rin ako.
“Morning Xiara” ngumiti ako sa kanila.
“Di mo kasama si Abi?” tanong ni Matt, isa sa mga gym instructor dito at may-ari ng gym and kaklase ko siya ngayong sem.
“Tulog pa baka sa bahay na lang siya mag-exercise” sagot ko. May mga gamit din kami doon na pang-exercise kapag medyo tinatamad kami lumabas ng bahay.
“May pupuntahan ka pa ba after?”
“Oo, mamimili lang ng stock sa bahay” sagot ko.
“Sasamahan na kita” ngumiti ako sa kanya.
“Thanks but baka busy ka and may mga paparating na rin sigurong iba maggym baka kailangan ka nila”
“Di naman and isa pa if they need me nandyan naman yung ibang instructor kaya pwede kitang samahan” tumawa na lang ako.
“Sige na nga” pumayag na lang ako.
Pagkarating namin sa supermarket at tinulungan na niya akong magtulak ng cart.
“Sinong madalas magluto sa inyo?” Tanong niya.
“Minsan ako, minsan si Abi pero mas madalas si Abi kasi minsan tinatamad din ako magluto pero kapag parehas naman kami tamad din magluto ay bumibili naman kami ng ulam sa labas” sagot ko.
“Mabuti di ka nagalinlangan bumili ng mga ulam sa labas?”
“Hindi naman kasing yaman nila daddy si Mommy parang nasa middle class lang sila ganun” sagot ko.
“And other thing tinuruan din kami ng mommy ko na masanay kami sa pagiging dependent dahil di sa lahat ay nasa tabi namin sila at na taas kami ganun” kumunot ang noo niya at mukhang di niya nagets pero same kami di ko rin nagets ang sinabi ko dahil sinabi lang ni Mommy sa akin yun.
“Alam mo tara na baka maipit pa tayo sa traffic dito” inaya ko na siya papunta sa goods section para bumili nung karaniwan namin kinakain ni Abi.
“THIS medyo fresh pa” nakita ko ang beef meat at masarap ito gawin bulalo. Nagrequest kasi siya na bumili ng beef meat si Abi dahil gusto daw niyang humigop ng mainit na sabaw lalo na't paparating na ang tag-ulan dito sa Quezon City.
“Okay sige one kilo po dito” turo ko sa beef meat.
“And tig-one kilo po sa pork and chicken” sinunod naman ni kuya ang mga sinabi ko.
“Kuya may available po ba ditong mais yung kulay dilaw?” tanong ko.
“Mam wala po ata dito yun sa palengke lang po meron nun ang available lang po dito ay repolyo po” tumango lang ako pero biglang kumunot ang noo ko.
‘Paano niya nalaman na may balak kaming magluto ng bulalo’ ngumiti na lang ako kay Kuya at umalis na.
“Ay oo nga pala sakto bibili rin ako sa palengke ng isda pero baka sa Wednesday na lang” tinulak ko na lang ang cart dahil puno na ang cart na dala-dala ni Matt.
“May nakalimutan ka pa ba?” napaisip naman ako bigla.
“Hmm… nabili ko na rin yung hygiene needs namin, wala na punta na tayo sa counter” sagot ko.
Habang papunta kami sa counter ay may nakasalubong kaming pamilyar na tao at nanlaki ang mga mata ko na nakita ko yun sa malapitan.
‘s**t!! Yung lalaking naaksidente kong nahalikan’
“Ohh ikaw pala Kuya Jarred”
‘Huh? Kuya?’
“Matt, what are you doing here?” tanong niya.
“Sinamahan ko lang si Xiara na mamili ng stocks nila sa bahay. Ikaw, anong ginagawa mo dito kuya?”
“Well, I also bought stocks for my condo” sagot din niya.
“Mauuna na kami Kuya baka maipit pa kami sa traffic” tumango na lang ito at nauna kami sa kanya.
“Kuya mo siya?” umiling siya.
“Yung friend niya si Kuya Mico, he’s my elder brother” sagot niya. Tumango na lang ako at tinulak na niya ang cart para ipunch na.
***
“Salamat sa pagsama mo sa akin” ngumiti siya.
“Welcome, see you tomorrow” nagwave ako sa kanya at pinaandar na niya ang sasakyan paalis. Pumasok na ako sa loob at naabutan ko si Abi na nagluluto na ng tanghalian.
“Mukhang hinatid ka ni Matt ah?”
“Oo, sinamahan niya rin ako maggrocery” sagot ko. Binaba ko sa lamesa ang mga paper bag at plastic.
“Siya nga pala sa Wednesday na lang ako bibili ng repolyo at mais sa palengke para bumili na rin ng isda” saad ko.
“Huh? Wala bang mais doon at repolyo sa supermarket?” tanong niya.
“Meron repolyo pero mais wala. Di na kasi ako bumili ng repolyo dahil masyadong green yung balot niya” sagot ko.
“Ganun, sige sabay mo na yung pechay masarap kasing magsinigang na bangus”
“Di ba kangkong or talbos ng kamote nilalagay doon?” tanong niya.
“Ihh para maiba naman” sagot niya. Inayos ko na yung mga pinamili ko.
“Anyway, nakita ko si Jarred Guamez sa supermarket kanina” napahinto siya sa pagluluto.
“Ano?” nilabas ko na ang mga pinamili ko sa paper bag.
“Pero mabuti na lang kinausap ni Matt kasi kaibigan siya ng kuya niya kaya medyo di akward ang nangyari at isa pa nagmamadali na rin kasi kami kaya di na rin kami nagtagal pa” sagot ko.
“Papaano kaya kapag wala kang kasama?”
“Yun lang dahil di ko alam kung ano gagawin ko, kung kokomprontahin ko ba siya tungkol doon sa pagpapadala niya ng foods and flowers or iiwasan”
“Ikaw, anong dapat mong gawin kasi di natin alam bibisita na lang sila sa atin at makikita nila yung mga baunan na nakatabi doon” turo niya doon sa mga baunan na nakalagay sa isang kabinet na kita pa naman. Di ko na lang inisip yun at pinagpatuloy ang paghuhugas ng mga karne.