Araw ngayon ng Lunes at tinatamad na naman akong bumangon dahil maaga ang klase namin. Di nga maganda ang schedule namin ngayong second year dahil aabutin na kami ng gabi pero sabagay dahil muro minor lang subject namin last year pero ngayon isa lang ang minor namin walang iba kung di ang P.E.
“Akala ko kailangan pa kita gisingin” bungad agad ang pang-aasar sa akin ni Abi.
“Tss! Wala akong choice kung di kusang gumising ng maaga masyado pa naman maagang pumasok yung first subject ko wala pa ngang mismong time nandun na agad siya sa classroom namin” umupo na lamang ako at uminom ng kape na hinanda niya.
“Tatapusin ko lang lutuin ito maghalf bath ka na” tumango ako at saka tumayo na.
Naliligo na kasi ako sa gabi kaya pagdating sa umaga ya katawan ko na lang ang binabasa ko.
Pagkalipas ng limang minuto ay nakabihis na ako.
“Oo nga pala dumating na yung bill ng kuryente natin” pumunta ako sa ref dahil doon lang namin pinapaskil ang resibo ng kuryente.
“Grabe si Meralco di pa rin bumababa yung kuryente natin, di naman summer” umabot lang naman ng 5,738.50 ang bill ng kuryente namin.
“Yung tubig kaya magkano naman?” tanong ko.
“Ewan, di ko sure doon hilingin na lang natin na huwag tumaas dahil panigurado masesermonan na naman tayo ng mommy mo” napalunok naman ako bigla.
“You’re right di na natin malulusutan ito” binalik ko nang muli ang resibo saka ako umupo para kumain na ng almusal kasama si Abi.
“Oo nga pala di na ba nagtext sayo yung lalaki?” napahinto naman ako sa pagsubo ng kanin.
“H-hindi na” saka pa lang ako sumubo ng kanin. Di ko masabi sa kanya na nagpapadala na ito ng mga pagkain na paborito ko pa. Kinakain ko na lamang yun sa school kapag di namin sila kasama.
“SINABI mo na ba kay Abi na may nagpapadala sayong food and flowers?” umiling ako.
“Ay gaga bakit?” Bumuntong ako ng hininga.
“Di pa naman sigurado na siya yun naaksidenteng nahalikan ko sa Subic nung pumunta kami” paliwanag ko.
“Alam mo teh malakas rin kasi ang kutob ko na siya yun dahil kung iba yun malapitan kang liligawan pero hindi kasi nagpaparamdam siya na may gusto sayo sa pamamagitan ng pagbibigay ng flowers or foods. Di ba sabi mo lahat ng mga pinapadala niyang food ay paborito mo na kahit kailan wala kaming pinagsasabi sa iba” bigla akong napaisip.
“Di ko alam kung ano ang gagawin ko kung huhulihin ko ba o hahayaan ko na lang siya” nawala ang biglang pag-iisip ko na dumating na ang prof namin sa Marketing.
“Mamaya na lang natin pag-usapan yan basta sabihin mo na kay Abi baka sa iba pa niya malaman yan” tumango na lang ako at binuklat ang libro.
“Ano? Bukod sa nagpapadala sayong weirdong text, may nagpapadala sayong pagkain at bulaklak?” Tumango ako.
“Bakit di mo naman sinabi sa akin?” pagtatampo niya.
“Ihh….kasi” napakamot na lang ako sa ulo at nilabas ko ang paper bag laman ng pagkain.
“Ay, nagbigay na agad?” tumango ako.
“Sinabit niya doon sa handle ng locker ko” sagot ko. Binuksan naman ni Abi ang paper bag at nakita niya ang isang baunan na magkapatong.
“Uyy, kaldereta at chop suey” napakagat na lamang ako ng labi.
“Puro paborito mo ito ah” binuksan niya ang mga takip ng baunan.
“Hey, what's going on?” pumunta sa gawi namin si Winslet.
“Naku si Ate Girl binigyan ng ulam nung naka one night kiss niya” sinamaan ko ng tingin si Yam dahil sa pagiging madaldal nito. Mabuti na lang wala si Jessa kung di parehas nila ako aasarin.
“You mean nakwento mo nung last month?” Tumango ako.
“Di niya sinabi sa akin tungkol doon” biglang singit ni Abi. Tinapik ko naman ang kamay nito dahil dumukot ng isang karne sa kaldereta.
“Tikim lang” tinakpan ko na muli ang baunan.
“Heh! Wala tayong ulam sa bahay tinatamad na rin akong magluto” nilagay ko na sa paper bag ang baunan at saka ko ito binaba.
“Kung sabagay ulam na natin yan sa hapon pero in fairness masarap siya” kumuha siya ng tissue at pinunas ang kamay niya.
“Kamusta naman si Abi sa room niyo Megan?” napatingin si Abi bigla sa akin.
“Okay naman siya doon pero minsan tulala, minsan tulog” sumimangot naman si Abi sa sinabi ni Megan.
“Kaklase niyo ba yung crush niya?” tanong ko.
“Hindi, nasa kabilang section siya” sagot niya.
“Mabuti naman”
“Nagchat ang bruha di daw siya makakasama sa atin papuntang bookstore may tatapusin pa raw silang group presentation”
“Anong gagawin niyo sa bookstore?” tanong ni Abi.
“Bibili lang kami ng materyales sa walang katapusan paproject mabuti na nga lang by group na” sagot ni Yam.
“Kayo ba Winslet may paproject din kayo ng ganyan?” tanong ni Patricia.
She’s our new friend and kaklase niya sina Megan and Abi. She's so mabait and humble pero may time na kalog ito pero sa amin lang niya pinapakita.
“Sa lahat naman ng business course may paproject sila” napatango na lang siya.
“Hey, it's time na” tumayo na sila.
“Mauuna na kami at saka nga pala sasama ako mamaya pagpunta niyo sa bookstore ah” saad ni Abi.
“Ano naman bibilhin mo doon?” tanong ko.
“Yung books bundle ni Jonaxx, sige bye na” lumabas na sila sa coffee shop ni Winslet.
“Hay naku dadami na naman yung libro niya sa cabinet” humigop na lamang ako ng iced coffee.
“Mahilig siyang magbasa ng libro noh?” tanong ni Winslet.
“Oo kaya nga minsan nagagalit sa kanya ang Tita niya dahil di na malaman kung saan na ilalagay yung mga libro na pinagbibili niya sa online” kasama na doon ang pasuhol ni Tito Kyron sa kanya na dinahilan lang ako pero in fairness nabasa ko rin naman siya.
“Baka pati mga R18 books binabasa na rin niya?” tanong ni Yam.
“Tompak!” Napatakip na lang siya ng bibig.
“Wow! Feeling inosente nakikibasa ka din naman kina Yayi ah” nag-two piece sign na lang siya.
“Shet! Malapit na magtime” tiningnan ko ang orasan at malapit na nga magtime.
“Mauuna na kami Winslet” tumango na lang siya at dali-dali kaming lumabas para pumunta na sa klase.
“Hayss salamat nakarating din” nakaupo na kami at sakto di pa dumadating yung prof namin.
“Anyway, I forgot to ask you”
“About saan?”
“Tungkol doon sa pinapalandscape sa bakuran niyo, tapos na ba yun?” tanong niya
“Yeah, last week lang” sagot ko.
“We should plan na pumunta sa inyo kasama sina Megan, Patricia and Jessa pero si Winslet ay di niya sure kung makakasama siya alam mo naman kapag weekend workaholic yun sa kanyang business” saad niya.
“Oo naman plano nga rin namin na imbitahan kayo sa bahay para naman matry tumambay doon”
“So, anong itsura niya?” tanong niya.
“Surprise yun kapag pumunta na lang kayo sa bahay” sagot ko.
“Shut up ka na nandyan na si Prof” umayos na kami ng upo at nagsimula na ng discussion.