Chapter 9

1560 Words
Nakauwi rin kami ng bahay at hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa akin ang kagagahan na ginawa ko kagabi. Mabuti na lang ay di nagsalita si Abi tungkol doon dahil ayoko munang pag-usapan yun. “Girl, may nangyari ba kagabi kaya bigla kayong nawala?” di agad ako nakapagsalita dahil di ko alam kung ano ang magiging dahilan ko kung bakit kami biglang umalis ni Abi sa bar kagabi. “Ano kase…… tumawag na kasi si Tita Maris yung girlfriend ni Tito kaya umuwi na kami alam niyo naman yung strict yun pagdating kay Abi” dahilan ko. “Ganun ba akala ko kung ano na nangyari kagabi may narinig kasi kaming bulungan na may muntikan na raw magmake out sa restroom mabuti na lang daw natauhan yung babae kaya nakaalis daw sila kasama nung kaibigan na babae nung babae” biglang ako namutla dahil mukhang may nakakita sa amin nung gabing may naaksidente akong nahalikan. “Ahh ganun ba” yun na lang ang tangi kong naisagot. “Ano pala magpapahinga muna ako napagod kasi ako sa byahe” “Sige pahinga ka muna” pinatay ko na ang tawag at napapikit ako ng mariin at saka ko tinawagan si Abi. “Oh napatawag ka?” “May nakakita sa atin” “Huh? Paano?” tanong niya. “May narinig kasi sina Fatima na may muntikan na raw magmake out sa cr baka kami yun” sagot ko sa kanya. “Baks, di lang naman tayo tao doon sa restroom at isa pa naaksidente mo lang naman nahalikan yun kung di ka lasing napansin mo rin na may pumasok na lalaki doon sa loob ng pangbabae na CR baka sila yung tinutukoy nila at isa pa madilim yun di naman nila makikita yung kagagahan mo” napasimangot ako sa huling sinabi ni Abi. “Mabuti naman” nakahinga rin ako ng maluwag. “Pero wag kang masyadong maging kampante malay mo ipinahanap ka nun dahil di niya nakalimutan yung binigay mong halik sa kanya” nag-umpisa na naman siya. “Baks, tigil-tigilan mo ako dyan nagpapaniwala ka sa mga binabasa mong nobela bawas-bawasan mo yan di magkakatotoo yan” depensa ko. “Sus! Basta ako malakas ang kutob ko” narinig kong tinatawag na siya ni Tita Maris. “Oh paano yan kitakits na lang sa Sunday” tumango ako at saka niya pinatay ang tawag. Bigla akong napaisip sa sinabi niya. ‘What if ipinapahanap niya talaga ako?’ Umiling ako. ‘Tss! Nahahawa na ako sa pagiging book lover niya na naniniwala sa sinasabi ng libro’ Humiga na lang ako at bumuntong ng hininga. ‘Pagod lang ito’ kaya natulog na lang ako. Kinabukasan ay himalang umuwi si Tito Kyron sa bahay. “Oh Tito himala umuwi ka rito akala ko pa naman sa condo ni Tita Maris ka na titira” “Kagabi ako umuwi rito tulog ka na yata kaya di mo napansin yung sasakyan ko na dumating dito” napakamot ako sa ulo. Tulog mantika ako kaya di ko na talaga alam na dumating siya kagabi. “Anyway, sasamahan ko sa Saturday ang Tita Maris mo sa Mall” kumunot bigla ang noo ko. “Bakit niyo naman po sinasabi sa akin yan, di ko naman kayo pipigilan makipag-date kay Tita Maris dahil nga in a relationship na nga po kayo?” tanong ko. “Kasi may balak bumili ang Tita Maris mo ng laptop para sa pag-aaral niya at bibilhin ko na rin siya ng iPad sa mall kaya ko lang sinabi sayo dahil baka sabihin mo kay Abi, ayaw lang namin malaman ni Abi ang pagbili namin ng gadgets sa kanya, masyado ka pa naman madaldal ” ngumuso ako bigla kay Tito. “Oo na di na ako magsasalita pero Tito baka di niya tanggapin yun kasi binigay siya ni Mommy pero umayaw siya mas gusto pa raw niyang magbasa ng libro alam niyo naman po may pagka-bookworm yun” “Di yun tatanggi kapag ang Tita Maris niya ang nagbigay ng laptop at iPad sa kanya” confident na sabi ni Tito. “Kung sabagay, kailangan na niya yun kasi second year na siya sa pasukan” wala akong alam tungkol sa mga kurso ng nursing pero nababalitaan lang ako ng mahirap ngayon second year lalo na daw yung Pharmacology pero dahil matalino si Abi ay yakang-yaka lang niya yun. *** “Alam mo ba may nakita akong paper bag kanina na dala ni Tita pero ang laman daw nun ay mga damit na gagamitin ko sa school alam mo naman white uniform yung sinusuot ko” kwento ni Abi sa akin at nasamid ako ‘Baks, kung alam mo lang na laman niyan ay laptop at iPad sinabihan lang din ako ni Tito na wag akong magkwento sayo’ di ko na lang sinabi yun sa kanya. “Oo nga pala na naalala ko di ba may nagsabi sa inyo na mahirap na yung second year niyo ngayon?” tanong ko. “Oo sabi sa amin ng dati namin teacher sa Funda Nursing kaya kailangan ko talagang maging focus sa pag-aaral” sagot niya. “Kaya itigil mo muna ang pagkakagusto mo kay Dave kapag natuluyan ka nang nahulog sa kanya edi di ka niya sasaluhin” paalala ko. “Crush lang naman yun wala nang iba” pinangliitan ko lang siya ng mata. “Sus, wag ko lang malalaman na umiiyak ka dahil sa kanya sasabunutan kita” pero ang bugak tinawanan lang niya ako. “Oo nga pala may bigla akong naalala yung lalaki—” di ko na pinatapos at sinamaan siya ng tingin. “Bakit?” “Wag mo nang ituloy alam ko na yan ipaalala mo pa” kumunot pa rin ang noo niya. “Ano bang pinagsasabi mo?” bumuntong lang ako ng hininga. “Edi yung ginawa kong katangahan 5 days ago” sagot ko. “Baks di naman yung sasabihin ko” saad niya. “Ano ba yung sasabihin mo?” “Yung lalaking nanliligaw kay Tita nagpadala na naman ng flowers dito” “Yung Mayor ba ng San Del Monte, Bulacan?” Tumango siya. “Oo muntik na nga makita ni Tito kanina mabuti na lang ay nasa kwarto ko lang yung flower pero ang ginawa ni Tita ay binigay doon sa kapitbahay namin naghahanap ng flowers na nailalagay sa flower vase niya” kwento niya. “Mabuti naman di niya nalaman kung di baka mag-away sila niyan” “Naku malabong mag-away yun alam mo naman kahit di pa sila mag-asawa ay under na si Tito kay Tita” bigla naman kami natawa dahil saksi nga pala si Abi sa pagiging matiklupin ni Tito Kyron kay Tita Maris. “Oh siya ayusin mo na yung mga damit at gamit mo uuwi daw si Tito Kyron mamaya sa bahay niyo kasi kukuha din daw ng damit diyan at aalis daw siya bukas para pumunta sa Taguig” tumango ako. Oo nga pala pinapupunta pala siya ni Daddy doon para tulungan ang Tito s***h Tita ko na si Tati Gayle. “Isasabay niya tayo?” tumango siya. “Sinabi lang sa akin ni Tita saka gusto din daw makita niya yung lugar na tinitirhan natin” at may narinig nga akong ugong ng sasakyan. “Mukhang nandyan na si Tito sige baba na ako” tumango siya at pinatay na niya ang tawag. “Tito!” Pagkababa ko ay nakita ko si Tito na may dalang paper bag. Binigay niya sa akin ang paper bag. “Ano ito?” tanong ko. Bigla nanlaki ang mata ko. “Woah new iPad” kinuha ko ang iPad sabay yakap kay Tito. “Thank you Tito” “Welcome and dahil di ka nagdaldal kay Abi so it's your reward” ngumiti naman ako sa kanya. “Kausap ko siya kanina pero di ko sinabi na alam ko” saad ko. “Good, anyway nakahanda na ba yung mga gamit mo?” Tumango ako. “Kahapon pa Tito isasabay mo talaga kami bukas sa pag-alis niyo?” tumango siya. “Yes and para naman makita ko yung lugar niyo baka kasi may mga gago at barumbado doon hangga’t maaga ay malaman ko na at mailipat na kayo sa lugar na walang gulo at ligtas kayo” saad niya. “Don't worry po Tito mababait ang mga tao doon at isa pa di sila nagtotolerate ng mga gago doon” saad ko. “Maigi na malaman ang sitwasyon niyo doon” wala na akong magawa kung di tumango na lang. Umakyat na rin ako sa taas para buksan ang iPad na binili niya sa akin. Kinabukasan ay paalis na kami at sangkatutak na habilin ang binigay sa akin nila Mommy. “Parang naririndi ka sa habilin at sermon ng mommy mo ah” ngumuso lang ako sa kanya. “Para naman di ka nasanay sa mommy mo” mas lalo akong ngumuso sa pang-aasar ni Tito. “Tss! Parehas naman kayo ni Daddy mga tiklop” balik kong pang-aasar sa kanya. Natahimik tuloy siya. ‘Naback to you ka agad Tito’ “Silent mean yes” tumawa lang ako at sinamaan lang niya ako ng tingin at tumahimik na ako. Kailangan ko nga pala pigilan ang bibig ko sa pang-aasar sa kanya baka bigla niya akong pababain sa NLEX sa sobrang inis niya sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD