Chapter 8

1454 Words
Kinagabihan, ay nandito kami sa restaurant na gilid lamang ng hotel. Nagorder na rin kami ng food for our dinner. “Baks, anong oras ba sila pupunta dito?” tanong ni Abi. “Di ko alam kanina ko pa nga tinatawagan ayaw naman nila sagutin” sagot ko. Simula nung nahuli ni Tito Kyron si Tita Maris na nakasuot ng swimsuit ay di na sila bumaba pa. Nagpost ako kanina ng mga pictures namin ni Abi sa IG at balak kong buksan ulit para makita kung ilan hearts and comments dahil panigurado puputaktihin ito ng comments at like dahil sa alindog ng pinsan ko pero sa totoo lang ay naiinggit ako sa kanya hindi sa pagiging maganda dahil parehas naman kaming maganda kung di doon sa dalawang malaking melon niya. Parehas sila ni Tita Maris na malaki ang boobies nila di tulad sa akin mukhang kuntsinta. Feeling ko nakuha ko ito kina Mommy dahil maliit lang yung boobies niya. Sa side naman ni daddy di naman medyo malaki or parang normal size lang yung boobies nila. Napahinto ako sa pagscroll nang nakita kong nagcomment ang malditang half-sister ni Abi. “Tangina! Kapal ng mukha!” napalingon naman sa akin si Abi. “Bakit may problema ba?” pinakita ko sa kanya ang comment ng bruha niyang kapatid. “Tss! Wag mo nang pansinin ang mga taong salot sa lipunan” saad niya. “Talaga ibablock ko ito at delete ko yung comment niya. I don't care kung mawalan ako ng isang follower di naman siya kawala duh..” maarte kong tugon. “Text mo na sila nagugutom na ako” tinext ko na sina Tito at nagreply naman ito na pababa na. “Oh pababa na daw” saad ko. “Ano naman kaya ang ginagawa nila?” biglang napatanong si Abi. “Aba’y malay ko” sabay higop ng Iced Tea na inorder namin habang hinihintay sila. Inopen ko muli ang phone ko at dinelete yun sabay dm sa kanya. “Huy anong ginagawa mo?” ngumiti lang ako sa kanya. “Nag-dm ka sa kanya?” “Correct, kanina pa ako nanggigil” inoff ko na ang phone ko na saktong dumating sina Tito Kyron at Tita Maris. “Ano naman ang pinag-uusapan niyo?” Tanong ni Tita Maris. “Yung half-sister ni Abi nagcomment sa post ko sa IG na nakasuot kami ng swimsuit” “Anong kinoment niya?” “Edi buti pa ikaw parelax-relax ka na lang yung pamilya mo rito naghihirap na. Ang kakapal ng mukha” sabay kong muli inopen ang phone ko at tiningnan kung may nakakita ng comment niya at nakisimpatya sa pagiging madrama niya sa comment. “Tapos nagcomment ka?” umiling ako. “Syempre dinelete ko yun tapos nagdm ako sa kanya” “Ano naman sinabi mo?” tanong ni Tito. “Sinabi ko na di ka naman belong sa pamilya namin bakit sinasabi mo yan at isa pa di ba inanbandona niyo na si Abi edi labas na siya doon sa problema niyo wala naman ambag sa buhay niya yung nanay mong pabigat tapos sabay block sa IG ko. Di siya kawalan sa mga followers ko kapag nalaman pa nila yan kuyugin siya ng mga yun” saad ko. ‘Tss! Di ako papayag na api-apihan niya yung pinsan ko kahit sa social media pa naman yan’ “May pinagmanahan ka nga” natawa na lamang sila. Manang-mana ako kay Mommy dahil may pagkaprangka din siya kaya minsan ang daddy ay tiklop sa kanya. “Ikaw, di mo pinrangka?” umiling si Abi. “Nauna na siya” tinuro niya ako. Umupo na rin sila at nagsimula na kaming kumain. “Tita, ano naman ang ginawa sa inyo ni Tito?” napatigil na lamang sila sa pagsubo nang tanungin ko sila. “Wala lang, natulog lang kami” palusot ni Tita. “Weh? Di nga?” tanong namin. “It's a adult stuff kaya wag niyo nang tanungin yun” si Tito Kyron na ang sumagot. “Tito ano sa tingin mo sa amin di adult?” “Yes, new adult pa lang kayo at wala pang karanasan sa mga ganyan baka kasi matutunan niyo at baka yun pa makapahamak sa inyo” napasimangot na lang kami sa sinabi ni Tito sa amin. “Ang KJ ni Tito” bulong ko. “Sinabi mo pa” napasubo na lang kami ng kanin dahil sinamaan na kami ng tingin ni Tito Kyron. **** Lumipas ang ilang araw ay nag-extend sina Gill dito dahil nagrequest sila sa mga parents nila well pwede naman na sila gumimik dahil nasa right age na kami but moderately nga lang. “Tito, Tita can I ask permission po?” “Na ano?” “Pumunta po sa Bar parang birthday extended po ni Gill pero po promise po di ko pababayaan si Abi at isa pa nagpareserve na rin po sila ng VIP sa bar” paliwanag ko. “Tito please” pakiusap ko. Tumingin lang ito kay Tita Maris. “Okay sige but please stay lang kayo sa VIP kapag medyo may tama na kayo sa alak” tumango ako. “Yes po Tito” “And drink moderately lang ah isusumbong kita sa Mommy mo kapag nasobrahan ka sa alak” tumango na lang ako sa paalala nila. Lumabas na ako sa room nila at nakita ko sina Gill at Fatima. Si Abi naman ay nasa banyo pa dahil tinawag ito ng kalikasan. “Ano pumayag ba?” tumango ako. “Pero drink moderately lang baka mayari kami lalo na ako” saad ko. “May susuutin ka na ba?” tanong ni Fatima. “Kanina pa nakahanda sige pasok muna ako sa kwarto namin” pumunta na ako sa kwarto na tinutuluyan namin at nakita ko si Abi na nakabath robe na. “Naligo ka na?” tumango siya. “Dumiretso ligo na ako nung tinatawag ako ni kalikasan para naman makaligo ka na” umupo na ito sa vanity table at ako naman ay kinuha na yung bathrobe at towel saka ako pumasok sa loob ng banyo. **** “Tara na” kinuha na namin ang shoulder bag namin saka kami lumabas sa room. “Nandyan pa kaya sina Tita?” tanong niya. “Hmm… baka nasa bar na rin sila di ba sabi ni Tito nandito raw yung mga kaibigan niya mukhang pinakilala na niya si Tita Maris sa kanila” sagot ko. Nagpop-up ang phone ko at nakita ko ang chat ni Gill sa akin. “Bakit?” “Hinahanap na nila tayo” saka kami pumunta sa elevator para bumaba. “Nakakasilaw naman” daing ni Abi. ‘Oo nga pala first time pala niyang pumunta sa bar’ “Tara, akyat tayo nandun yung VIP na pinareserve nila” umakyat na kami sa taas pero may nakabantay doon na bouncer kaya sinabi ko na lang ang pangalan ni Gill kaya nakapasok kami sa loob ng VIP. “Kahigpit naman pala ng mga bouncer dito” umupo na kami. “Anong order mo?” “Iced Tea na lang alam mo naman na di ako umiinom” sagot niya. “Sige yun ang sa kanya tapos sa akin ay Margarita” lumabas si Gill at tinawag ang bouncer para ibigay ang nilista nitong order namin sa counter. “So how's your Tito and Tita?” tanong ni Kylie. “Wala sila nasa Twinkle Bar nandito kasi yung mga kaibigan ni Tito Kyron kaya inaya siya at para makilala nila si Tita Maris” sagot ko. Dumating agad ang order namin at saka nilapag ng waiter yun sa table. “May mga asawa na ba yun?” kinikilig nilang tanong. “Meron na pero may isa doon single dad” sabay tikim ng margarita. “Owww…. Parang ang sarap tuloy maging pieces para naman maging buo ang family niya” napailing na lang ako sa kakrengkeng nila. “Sorry girls pero snober yun sa babae at anak niya ang priority niya” bigla silang nanghimutok sa akin. “Mamaya na yan mga pantasya niyo sa mga guys let's cheers na muna” tumayo kami at tinaas ang mga inumin namin. “Belated happy birthday Gill!! Cheers!!” Sabay kampay ng mga baso namin at ininum yun. Naubos ko ang Margarita kaya sinubukan ko naman ang iba pang liquor drinks dito. “Uy baka malasing ka niyan” saway sa akin ni Abi. “Don't worry couz a little bit lang” sabay lagok ng Manhattan. “Kasing tamis ng pag-ibig pero kasing pait din kapag iniwan tayo ng mga jowa nating manloloko” nagsigawan na rin sila. “Let's party guys” bumaba na kami at nakipagsayawan na sa mga nagsasayawan doon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD