“Ano naman kaya ang ginagawa nila Tito?” bigla kong tanong. Dito ko inaya si Abi dahil naistorbo ang tulog niya dahil sa Tito kong praning. Di lang niya nakita si Tita Maris ay nangistorbo na ng tulog. Ayaw pa naman ni Abi na naiistorbo ang tulog niya dahil di na ulit siya makakatulog muli.
“Aba di ko alam pero wag naman sana gumawa sila ng milagro ng ganitong kaaga” sagot niya. Nag-open muna ako ng i********: at nakita ko ang mga post ni Gill syempre kasama ako doon. Isasama ko nga sana sila para naman makilala pa nila si Abi at makita nila si Tita Maris pero next time na lang daw para naman may time kaming magbonding or should say nila ay boy hunting. Kilala ko ang mga yun dahil sa ganitong panahon at araw ay may mga dayuhan na pumupunta rito pero di naman ako sumasama sa kanila dahil may kasama kaming sumbungero.
“Baks tawagin mo na sina Tita nakahanda na yung breakfast natin” saka ko sila tinawag para kumain na ng breakfast.
“SINO po ang magdrive po?” tanong ng taga-bantay ng jetski.
“Ako po kuya” sagot ko.
“Tara na” sumakay na ako at naramdaman ko lang na sumakay na rin si Abi sa likod ko.
“Dahan-dahan lang Xiara ah” saad niya.
“Wag kang mag-alala akong bahala sayo” sabi ko.
“Ikaw bahala ako kawawa ganun” saad niya.
“Basta kumapit ka lang” sabi ko kaya pinaandar ko na ito saka ko ito pinatakbo. Bigla naman tumili si Abi dahil sa ginawa ko.
“Tangina mo Xiara! Balak mo ata akong patayin!” mura niya.
“Grabe lutong ah” yun na lang ang sinabi ko.
“Bwisit ka! Bigla-bigla ka na lang nagpatakbo ng mabilis!” sigaw niya.
“Alangan naman bagalan ko edi di natin naenjoy yung pagmomotor natin sa dagat. Kumapit ka lang ah bibilisan ko na” saka ko ito pinaharurot.
“Ahhh!!! Ayoko na ibaba mo na ako” bigla itong naiyak sa takot. Huminto naman ako.
“Sige na nga bumalik na tayo” pero napasama ata ang liko ko at nalaglag si Abi pati ako ay nadamay niya dahil nahila pala niya ang paa ko.
“Mukhang napasama ata ang liko ko ah” napatingin naman ako kay Abi at sumimangot naman ito sa akin.
“Kaasar ka imbes na naenjoy ako parang papunta na ata akong impyerno nito” saad niya.
“Uy! Don't say bad words baka magkakatotoo yan” sabi ko. Inirapan lang niya ako at kumapit sa jetski para sumakay muli.
“Sige na nga di ko na masyadong bibilisan” sumakay na rin ako at muli ipinaandar saka kami bumalik sa resort.
“Oh, anong nangyari sa suot niyo at basang-basa kayo?” tanong nila
“Tss! Si Xiara kasi napabilis niya yung pagtakbo tapos nung pabalik na kami napalakas yung pagliko kaya ayun naglaglag ako nahila ko ang paa niya” paliwanag ni Abi. Napanguso na lang ako.
“Humigop muna kayo ng buko juice para mawala yung init ng ulo niyo” binigyan kami ng buko juice ni Tito.
“Bumili kayo?” tanong ko.
“Oo, medyo napagod din kasi ako kakaikot kanina” saad niya. Bigla naman napanguso ang katabi ko na parang natrauma na ata sumakay sa jetski.
“Bakit nakanguso ka may problema ba?” tanong ni Tita sa pamangkin.
“Wala naman po” sabay higop ng buko juice. Tumayo naman ako at kinuha ang phone ko. Nakita ko na may chat sa gc namin at namention nila ako.
‘@xiaraellie punta ka sa room namin isama mo si Abi para girl talk tayo’ saad nila.
“Pshh!! Girl talk ba or pag-uusapan yung nahunting niyong guy” pero wala naman masama kaysa naman maghapon ngumuso si Abi dahil sa nangyari kanina. Nagreply naman ako sa kanila.
‘Sure’ saka ko binaba ang phone ko at pumunta sa kanila.
***
“Nasaan yung Tita’t Tito niyo?” tanong nila.
“Naku wag mo nang alamin” sagot ko. Pumasok na kami at ngumiti naman sila dahil nakia nilang muli ang pinsan ko.
‘Feeling ko si Abi lang ata ang gusto nilang makita’
“Ano ba pag-uusapan natin or should say yung sisirain natin sa chismis” sinamaan naman nila ako ng tingin at nagpeace sign na lang ako.
“Eto naman di kayo mabiro” umupo ako sa kama at nag-umpisa na silang nagkwento.
“Huh? Yung mga kaibigan ng billionaire nandito?” tanong namin.
“Oo nakita sila ng parents ko kanina gustung-gusto nga nilang makausap sila dahil may balak silang invest ang ipon nila sa kanila” sagot ni Gill.
“Sino ba doon maraming billionaire sa Pilipinas?” tanong ni Fatima.
“I don't know who he is kasi di naman ako masyadong matanong alam niyo naman di ko trip yung pag-uusapan tungkol sa business” sagot niya. Iba ang kinuha niyang course dahil sumunod lamang ito sa yapak ng Mommy niya na isang Pharmacist.
“Baka nga iba kasi sa pagkakaalam ko under training pa ng company si Xieron Caballero” sabi ko.
“Bakit ang dami mong alam tungkol sa kanya Xiara?” tanong nila.
“Syempre same department lang kami pero siya ang naunang nagtapos” napanguso na lang ako.
“Ikaw ba Abi anong course mo?” tanong ni Kylie.
“BS Nursing kinuha ko matagal ko na kasi siyang pangarap” sagot niya.
“Childhood dream?” tumango siya.
“Sana ol natutupad yung childhood dream ako di ko na natupad yun kasi Business Administration yung kinuha ko” komento niya.
“Me, I want to become a Flight Attendant but my parents wants na kumuha ako ng entrepreneur kaya I have no choice kung di sundin sila” saad niya.
“Ikaw ba Xiara gusto mo ba talaga yung course mo or may iba ka pang gusto” akmang sasagot na sana ako pero sumingit bigla si Abi.
“Accountancy sana kukunin niya pero dahil may board exam ay kinuha na lang niya yung Business Management dahil walang board exam yun” bigla ko naman sinamaan ng tingin si Abi. Nagpiece sign lang ito sa akin.
‘Mukhang gumaganti ito ah’
“Ay oo naalala ko yun” bigla naman ako napasimangot dahil nabuking ako ni Fatima. Si Fatima lang kasi ang nakakaalam tungkol doon pati si Abi.
“You mean hate niyang kumuha ng course na may board exam?” tumango si Fatima.
“Hay naku Xiara umiral na naman ang pagiging tamad mo” napakamot na lang ako sa ulo dahil sa sermon.
Literal na tamad talaga ako noon pa at gusto ko talagang humilata na lamang maghapon pero noong nag-aaral na ako sa college ay medyo sumipag na ako. Paano ba naman yung kasama ko kasi ay masipag din kaya nahahawaan din ako ng kasipagan. Tuwang-tuwa nga si Mommy dahil kay Abi ay di na ako masyadong tamad pero talagang yung course ay sineryoso ko na dahil ako ang susunod na tagapag-pamahala ng company namin para naman may time na sila kay Xiander.
“At least ngayon medyo nababawasan na” saad ko. Nagpop-up naman ang message ko.
“Baks, si Tito nagtext na nakahanda na yung lunch natin” saad ko.
“Tara na nga nagugutom na rin ako” tumayo naman siya.
“Babalik kami after lunch dito alam niyo naman ang mga yun kapag di kami kumain isang tawag lang nila malalagot kami parehas” sabi ko.
“Okay sige kakain na rin kami mamaya” tumango naman ako at nagpaalam na sa kanila saka kami lumabas ng kwarto at pumunta sa baba para kumain.
***
Nandito kami sa room nila Tito dahil pinuntahan namin si Tita Maris.
“Tita, may dala kayong swimsuit?” tanong ni Abi. Tumango naman siya
“Alam po ba ni Tito Kyron yan?” tanong ko.
“Hindi, kapag nalaman niya yan ipagtatapon na lang niya ito sayang pa naman matagal ko na itong binili sa online” sagot niya.
“Pero Tita talagang susuutin mo yan ngayon?”
“Wag na lang kayo maingay sa Tito niyo, may dala naman akong robe kaya di niya mapapansin na nakaswimsuit ako” tumango na lang kami at pumasok na ito sa banyo. Lumabas agad ito sa banyo at pinakita sa amin.
“Bagay ba?” tanong niya. Bigla naman ako nakaramdam ng insecurities sa kanila.
“Bagay na bagay Tita pero ba’t ganun Tita bakit pinagpala kayo ni Abi samantala ako kasing laki lang ng orange” napanguso naman ako.
‘Sana ol pinagpala sa cocomelon'
“Tara na baka pinagpiyestahan na si Tito doon ng mga girls” sabi ko.
“Subukan lang nila makikita nila yung pagkademonyita ko” natawa naman kami sa pagbabanta niya kay Tito at saka lumabas na kami. Nagulat naman ako na may kausap itong matandang lalaki.
“Oh tito sino ang kausap niyo?” tanong ko.
“Ahh he’s our investor yung sa company namin ng daddy mo sa Taguig” sagot niya. Tumango na lang ako pero bigla kong naalala yun dahil minsa na yun pumunta sa bahay namin dati.
“Ahh si Mr. Bueno po ba?” tumango siya.
“Nandito kasi yung buong family niya nagbabakasyon at nagcelebrate na rin sa pagkapasa nung pamangkin niya sa CPA Board Exam” sagot niya.
“What are you wearing?” nagkatinginan naman kami nina Tita at Abi.
‘Lagot ata kami nito’
“A summer robe balak kasi namin magtampisaw sa dagat, right girls” kinakabahan naman kaming tumango.
“Sige po Tita pupunta na po kami sa dagat” tumango naman siya at tumakbo na kami sa dagat at nagtampisaw. Nakita naman namin si Tita na nagtatampisaw na rin sa tubig.
“Tita, hubarin niyo na po wala naman po si Tito may kausap ata sa phone” saad ko at binuksan naman niya ang summer robe nito at hinubad.
“Naks, napakasexy naman ni Tita oh” sabi ni Abi.
“Kayo talaga sexy na rin naman kayo ah”
“Pwera lang po sa hinaharap” saad ko. Nagkabasaan naman kami at nagpaalam sa amin si Tita na lalangyo ito at nagpatuloy kami nagkabasaan dalawa at sa di namin namamalayan ay nakita namin si Tito na buhat-buhat niya si Tita Maris.
“Bakit di ko man lang napansin si Tito na lumangoy siya papunta doon sa pwesto ni Tita?” tanong niya.
“Di ko rin alam” sagot ko.
“Mauna na kayong kumain may gagawin lang kami ng Tita niyo” napaawang na lang ang mga labi namin sa sinabi ni Tito at narinig ko pa ang pagwawala ni Tita Maris habang buhat siya ni Tito Kyron.
“Mukhang alam ko na ang mangyayari ah” sabi ko.
“Anong mangyayari?” tanong niya.
“Alam mo na yun” sagot ko pero mukhang di niya pa rin nakuha ang tanong ko.
“Ano pa ba ginagawa ng magkasintahan kapag may kasalanan yung girl sa boyfriend nila?” nanlaki naman ang mata niya at nakuha na niya ang sagot nun.
“Alam mo naman pala” saad ko. Tumayo na kami at pumunta sa kubo para magbanlaw.
***
Author's Note
Hi!! It's been a while, I will try to update next year and to revise the Love Under The Rain. I add the epilogue and special chapter of two stories in Love Under The Rain.
See yah!
-missaynaaa