Chapter 6

1477 Words
“Salamat din at nakarating na tayo dito” pagkababa namin sa sasakyan at nasalubong namin ang isang sariwang hangin na tumatama sa mukha ko. “Let's go nandun na si Gill” kinuha na namin ang mga gamit namin saka kami pumunta sa lobby ng hotel. “Magtabi na lang tayo para makatipid” saad nila. ‘Di ko pala alam na marunong silang magtipid’ dati kasi lagi silang may bagong gamit noong high school pa lang kami pero di naman ako nagpapabili ng gamit sa parents ko dahil kilala nila ang daddy ko na mahigpit sa pera. ‘Tss! Half-Ilokano kasi kaya mahigpit sa pera’ “Ikaw ba Xiara di ka ba sasama sa kanila?” tanong ni Gill. Umiling ako. “I book a hotel alone because yung Tito ko at yung girlfriend niya pupunta dito kasama yung pinsan ko na pamangkin naman nung girlfriend ni Tito” sagot ko pero mukhang di nila nagets ang sinabi ko. “Huh? Di ko gets” “Same” sabay nilang tugon. Pumunta na lang ako sa reception at nagbook na ng hotel. “Kayo lang po mag-isa?” tumango ako. “Yeah but may kasama ako sa room next week pa sila dadating” sagot ko. Sinabi ko naman sa staff kung ilang araw ako stay. “10 days?” nagulat naman sila sa sinabi ko. “One week sila rito so syempre kasama ako sa bonding nila” sagot ko. “Oo nga noh bakit di niyo na lang gawin 10 days?” tanong ni Gill. “Carry naman mag10 days but we need to say it to our parents” sagot nila. “Okay fine ako na lang ang kakausap sa mga parents niyo” sabi niya. “Okay” yun na lang ang kanilang sinabi. “Sige na girls magsipahinga na kayo tatawag na lang ako sa inyo for our dinner” tumango naman kami at inakyat na nila ang mga gamit sa taas. “Lalagay ko muna yung gamit ko sa room and pupunta ako sa inyo” saad ko. “Okay sige” saka naman ako pumasok sa room ko. Nagtext na ako kay Tito na nandito na kami sa hotel. Siya ang nag-utos sa akin na magbook mag-isa ng room para daw kasama ko si Abi. Dapat nga magbook na din ako para sa kanila pero siya na daw bahala doon. Sasabihan na lang daw niya ako kapag nagbook na siya ng hotel online. ‘Feeling ko may pinaplano ang baliw kong Tito’ napailing na lang ako at inayos na ang mga gamit ko. *** “So tell me, what are you saying earlier?” tanong ni Fatima. Bumuntong ako ng hininga. “Well ganito, yung pinsan ko ay pamangkin ng mommy ko sa side niya at yung Tita naman ng pinsan ko ay girlfriend siya nung Tito ko” paliwanag ko. “Ibig sabihin Tita ng pinsan mo sa mother side niya?” “Oo ganun nga kaya nga marami rin nalilito tungkol sa pagkalilanlan ng pinsan ko” sagot ko. “Ibig sabihin Hernandez yung surname niya?” tumango ako. “Ano bang full name niya?” tanong nila. “Abigail Jane Vallejo Hernandez” sagot ko. “Ahh magpinsan buo nga sila” sabi nila. “Vallejo? Parang kilala ko siya?” sabi ni Kylie. “Baka doon sa company nila mommy doon kasi siya nagtatrabaho as HR” sagot ko. “Bakit kilala mo si Tita?” tanong ko. “Kasi may nabanggit sa akin yung Tito ko tungkol sa nililigawan niyang babae dati tapos may binanggit siya sa akin na name na Maris Vallejo daw pero binasted lang daw siya noon dahil nakapokus siya sa pag-aaral at pag-aalaga daw ng pamangkin na inabandona na ng kapatid niya” sagot ni Kylie. “Mukhang siya nga yun pero quite lang kayo ah wala kayong babanggitin kahit ano” saad ko. “Bakit naman?” tanong nila. “Ibang magselos yun nakakabuntis” biro ko. “Weh? Dapat pala wag tayong gumawa ng kalokohan if ever magkaroon tayo ng boyfriend. Di pa naman ako ready for that” saad ni Fatima. Mahina naman akong natawa dahil mukhang sasakyan nila ang biro ko. “Tumatawag na si Gill kakain na daw” nag-ayos na rin kami ng aming mga sarili at saka kami bumaba na para kumain. *** I didn't expect na magkaroon na bar party ang birthday celebration ni Gill pero mukhang di matutuloy dahil nandito ang buong kamag-anak ni Gill kaya pumunta na lang kami sa isang reception. Sabi naman niya sa amin ay bawi na lang kapag malapit na kaming umuwi. Pumayag naman ang mga magulang nila na magextend ng 3 days dito but susunduin sila ng umaga para magvacation sa ibang lugar. ‘Sana ol nakakapunta sa ibang bansa’ pero kami ay hindi ko alam kung magtravel kami pero baka sa December pa dahil doon lamang ang maluwag na schedule nila Mommy at Daddy. “Mahirap pala kapag nandoon ang buong kamag-anak mo di ka makapagenjoy ng birthday mong mag-isa” sabi ni Fatima. “Sinabi niyo pa pero sinabi ko naman kina Daddy yun at wala naman siyang magawa kung di payagan ako pero dapat daw nakavip tayo pero sa dami ng tao kasi ngayon sa bar mukhang di tayo makakakuha ng vip room. Di naman sila pwedeng magpabook ng maaga dahil kapag nag-open na sila dapat nagpabook ka na ng vip room” sabi ni Gill. “Ay yun lang mahirap yun baka mas lalo di ka papayagan ng daddy mo niyan” sabi ni Kylie. “Oo nga pala Xiara di ba ngayon ang dating ng Tito mo?” tumango ako. “Oww wait he text me na baba lang ako girls” tumango naman sila at saka ako lumabas para salubungin sila. Nagpabook lang kagabi si Tito at sinadya niya yun para walang choice si Tita kung di magkasama sila sa iisang kwarto pero may pagkasiraulo si Tito Kyron dahil sabihin ko raw na pinabook ko na sila ng hotel at class a hotel yun. ‘Gusto niyang masolo si Tita pero ako naman yung ginagawa niyang utusan’ “WOW! Ang ganda ng place” Sinalubong sila mula sa entrance ng beach. “Let's go na sa hotel para makapagpahinga na tayo” tumango na lang sila. Nakarating na kami sa lobby ng hotel ay tumabi muna ako kay Tita. “Tita, kasama niyo po si Tito sa iisang room. One vacant na lang po kasi available rito, marami po kasing nacheck in nung isang araw at nung kagabi po pero it's class a hotel room naman po yung napili ko” saad ko. Tiningnan naman ako ni Tito Kyron at ngumiti siya sa akin. ‘Dapat may reward ako rito ang hirap kayang magsinungaling sa girlfriend niya na isang anghel at dyosa dahil sa sobrang kagandahan niya’ “Di kami pwedeng magsama ni Abi?” tanong ni Tita. “Tita, magkasama na po kami ni Abi sa isang room” sagot ko. Tiningnan naman ako ni Abi at ngumiti ako at bumulong na lang ako na mamaya ko na lang ipapaliwanag. “Pero….” “Tita, okay lang po ako. Sige po mauuna na po kami” nagpaalam na kami at hinila na ako ni Abi. “Ano yun?” kumunot naman ang noo ko sa tanong niya. “Huh?” “Yung kanina may ginawa kayo noh?” “Si Tito tumawag sa akin kagabi na nagbook na siya ng room pero sinabi niya na ako ang magsasabi na pinabook ko na sila. Alam mo ba baks sinadya niya yun na kagabi dahil mas maraming tao kagabi at class a lang yung available dito” sagot ko. “Pumaparaan talaga si Tito ah” sabi niya. “Aba'y pagbigyan na natin” saad ko. “Oo nga pala kumain na kayo?” tanong ko. “Oo kanina lang” sagot niya. “Wait, may ipapakilala ako sayo” binaba ko muna ang gamit ni Abi at mamaya na namin ito aayusin saka ko siya inaya papunta sa kwarto nila. “Hi girls” lumabas naman si Abi mula sa likod ko. “I want to meet my cousin Abi” pagpapakilala ko kay Abi sa kanila. “Xiara, pinsan mo talaga siya?” kumunot ang noo ko. “Bakit mo naman natanong?” “Maganda siya parang dyosa” sagot nila. Mahina naman tumawa si Abi. “Mas maganda yung Tita niya naku kapag nakita niyo siya baka maging bisexual kayo niyan” biro ko. “Hello” bati niya. “Hello din tara iwan na natin si Xiara” bigla naman akong sumimangot. “Ang sasama ng pag-uugali niyo” tumawa naman sila at ako naman ay parang gustong mag-amok dito pero at least nakilala at tanggap nila si Abi kahit ngayon lang nila nakilala ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD