“Sweetie, bakit di mo ipasyal si Abi dito sa Pampanga para naman may kabisado na siya lugar dito” saad ni mommy.
‘Oo nga pala di pa niya kabisado ang buong Pampanga dahil pagkasundo ni Mommy kina Abi ay di siya lumalabas dahil takot pa siya magtiwala sa mga tao pero buti na lang ay naging close na kami agad ni Abi dahil di ko siya tinigilan sa pagiging makulit sa kanya. Para nga siya nagkaroon na ng anak na makulit dahil di niya malaman kung paano niya ako papatahimikin.
“Sure mommy” sabi ko. Bigla naman sumulpot si Tito Kyron.
“Ipapasyal mo si Abi?” tumango ako.
“Why?” tanong ko.
“Well alam mo na” kumunot ang noo ko at bigla kong narealize ang nasa isip niya.
“Pshh!! Gusto mo lang ata masolo si Tita Maris noh” ngumiti naman siya.
“Sabi na nga ba” saad ko.
“I give you a reward if napapayag mo si Maris na payagan si Abi na pumasyal” ngumiti naman ako kay Tito.
“Deal” saad ko.
“Hay naku Kyron pinayagan ka lang ulit ni Maris na ligawan mo siya, nagiging clingy ka na ah” sabi ni Mommy.
“Maliligo muna ako mommy” tumango naman siya at bumalik na ako sa kwarto ko para maligo na.
“HELLO everyone” pagkabukas ko ng pintuan at nakita ko si Abi na suminenyas na wag maingay dahil napansin ko ang pamumula ng mukha ni Tita ngumisi lang si Tito Kyron at sumipol na parang nakajockpot.
‘Mukhang nakascore si Tito ah’
“Anyway Tita, aayain ko na sana si Abi na gumala rito sa Pampanga. Alam ko po kasi na di pa niya kabisado yung lugar rito kaya po igagala ko siya rito” paalam ko. Nakita ko naman si Tito Kyron na painosenteng ngumiti sa akin.
“Pwede naman na ako na lang kasama mo Abi” saad ni Tita
“Tita, busy po kayo sa trabaho malapit na lang yung pasukan namin di pa ako nakakagala sa iilang lugar rito sa Pampanga” pangangatwiran ni Abi.
‘Tita pumayag na kayo nakasalalay yung ibibigay sa akin ni Tito’
“Sige na please pumayag na po kayo” huminga siya ng malalim at tumingin sa kay Abi.
“Sige papayagan ko na kayo” nag-apir kami ni Abi. Pumasok naman si Abi sa kwarto para magpalit.
“Pero gusto kong sumama” sumama naman ang mukha ko at si Tito Kyron naman ay nawala ang ngiti nito at nagmaktol.
“Babe, gala lang nila yun and napuntahan mo na rin naman ang lugar rito di ba?” Aangal pa sana si Tita pero nakita ko si Abi na nakabihis na kaya nagpaalam na rin kami sa kanila at umalis na.
“Grabe talaga yung tama ni Tito sa tita mo nakwento sa akin ni Mommy na ginawa na daw tambayan ni Tito yung kompanya para lang daw makita si Tita Maris” sabi ko. Nakita ko naman na nakataas ang kilay niya sa akin.
“Bakit nakiki-tita ka na rin?” tanong niya.
“Well magiging mag-on naman sila ni Tito Kyron eh” sagot ko.
“Paano ka naman makakasiguro?” tanong niya. Bumuntong naman ako ng hininga.
“Ang mga Del Vega ay di basta-basta sumusuko pagdating sa minamahal nila. Nagiging tuso at possessive sila” kwento ko.
“Edi ikaw ganun din?” Umiling naman ako.
“Siguro, pero kung mahal mo gagawin mo ang lahat para mapunta siya sayo” sagot ko.
“Eh yung labdilabs na kinukwento mo?” lumukot naman ang mukha ko. Naalala ko naman si Xieron dahil feeling ko ay di ako papatulan nun. Charizz!
“Sorry pero di ko siya trip” tumawa na lang siya sa sinabi ko.
“Di ba crush mo yun?”
“Oo pero hanggang doon lang yun at isa pa masama ang ugali nun kawawa lang ako sa huli” saad ko. Pagkababa namin ay kinuha ko ang key car ko at pinindot ko yun. Marunong naman akong magdrive ng kotse kaya nga lang wala lang ako original na lisensya at student license lang meron ako kaya wish ko na sana ay walang traffic enforcer or pulis na nanghuhuli sa checkpoint.
***
“Andito na tayo” sabi ko. Dinala ko siya dito sa Sky Ranch.
“Oh my god! Eto yung dream kong puntahan” napapikit rin ako dahil ito ang gusto kong langhapin ang hangin dahil presko at di amoy usok katulad ng Maynila.
“Tara pasok na tayo” pag-aya ko at sumunod naman ito sa akin.
“Laro tayo doon” tinuro niya ako sa baril-barilan para makakuha ng stuff toys pero sadyang di kami marunong ay wala kaming nakuha ni isa.
“Ano ba yan!” bigla naman akong napanguso dahil talagang wala kaming nakakakuha ni isa. Kung kasama pala namin si Tito ay panigurado mananalo siya pero yung premyo niya ay mapupunta kay Tita Maris at di sa amin.
“Sakay na lang tayo ng rides” aya niya pero sa loob-loob ko ay ngumisi ako.
‘Tingnan natin kung makakaulit ka pang sumakay ulit rito’
“Okay sige try natin dun” turo niya sa isang rides na medyo nakakatakot. Lalabanan ko na lang yung fighting spirit ko. Lumipas ang ilang minuto ay si Abi na ang unang sumuko sa laban.
“Yan aya pa” hinihimas ko ang likod niya.
“Sabi ko naman sayo last na yung ferris wheel na sasakyan natin ikaw naman gusto mo pang sumakay” napanguso na lang ito sa akin at inabot ko sa kanya ang tubig at ininom niya ito.
“Sorry naman” minumog niya muna saka niluwa.
“Pahinga ka muna may nakita akong tambayan dun na masarap yung hangin” inalalayan niya ko ito na papunta doon. Umupo naman kami.
“Sa tingin mo may nangyayari na sa kanila ni Tita Maris?” tanong niya. Umiling ako.
“Hanggang deep kiss lang si Tito Kyron dahil nirerespeto niya pa rin si Tita Maris” sabi ko.
“You mean iniintay niya lang si Tita na sagutin siya” tumango ako.
“Kapag sinagot na siya ng Tita mo bubuntisin niya raw ito para wala na daw kawala” natawa ako bigla sa sinabi ko. Naalala ko pa naman yung sinabi niya noon kapag nakahanap na daw siya ng babaeng mamahalin niya ay bubuntisin na raw niya para wala na raw kawala kaya ayun binatukan siya bigla ni Daddy dahil sa naisip niya.
“Pero, nandoon pa rin naman yung respeto niya sa kanya” dugtong kong saad.
“Maigi na rin yun para maranasan na niya na magkaroon ng sariling anak” sabi niya.
“Pero kung magkaroon man sila ng sariling anak syempre di ka naman nila aalisin as part of family nila kung sakaling magiging sila” sabi ko. Ngumiti naman siya sa akin.
“Biruin mo nung nalaman niya tungkol sa nangyari sayo dahil kinuwento mo mas lalo niyang minahal si Tita Maris dahil sa pagiging mabait na Tita at guardian nung tuluyan ka nang pinabayaan ng nanay mo” kwento ko.
“Kaya nga sobrang swerte ko sa kanya na siya ang naging Tita ko kaya wish ko na sana maging masaya siya sa piling ni Tito Kyron at….”
“Sana sagutin na niya si Tito Kyron” tumawa kami at humiga kami sa damuhan para pagmasdan yung kalangitan.
“Saan mo pa gustong gumala?” tanong ko.
“Bukas na lang di pa ako nakakarecover sa pagsusuka eh” tumawa na lang ako.
“Okay dumaan muna tayo sa kakilala ko rito na may karinderya” tumango siya at bumangon na ako at tumayo. Sumunod naman ito sa akin kaya pumunta na kami sa karinderya para kumain.
***
“OMG! Kayo na Tito?” tanong ko. Kakauwi lang ni Abi kanina at hinatid siya ng driver namin.
“Yes, we’re official na” sagot niya. Bigla naman sumingkit ang mata ko.
“Yung totoo Tito paano ka napasagot ni Tita Maris?” tanong ko. Di naman ito nakasagot agad.
“Sinabi lang niya na sinasagot na ako ganun” palusot niya pero di pa rin matanggal ang pagkunot ng noo ko.
“Sweetie wag mo na masyadong tanungin ang Tito mo” sabi ni Mommy.
“Yung pinangako mo Tito” saad ko.
“Oo na I give you later” bigla naman akong naexcite.
“Sige na mauuna na ako” tumango ako.
“Si Daddy at Xiander nasaan?” Tanong ko.
“Father and son bonding, hayaan mo muna sila magbonding” Tumango na lang ako kay Mommy.
“BES, birthday ni Gill next month makakapunta ka ba?” tanong niya.
“Oo naman” sagot ko.
“Saan ba gaganapin?”
“Sa Subic Zambales” sagot nila.
“Okay magpapaalam ako sa parents ko later” ngiti konv tugon.
“Okay I'll wait your result sa pagpaalam mo sa parents mo” nagpaalam na rin ako sa kanila at muling humiga sa kama.
‘Sana payagan nila ako para maexperience ko ang pagiging dalaga’