“Hay salamat nakauwi na rin” sabay higa sa kama ko. Ilang buwan din ako di nakauwi dito sa Pampanga kaya medyo namiss ko ang higaan ko dahil nandito ang lahat ng importanteng gamit ko.
Kinuha ko ang phone ko at nagchat kay Abi. Sabi pa niya ay parang biglang yumaman daw sila dahil yung condo na kinuha ng Tita niya ay pang-class A daw at mukhang alam ko na kung kanino yung condo building na yun, sa AMSE building yun at ang may-ari nito ay kaibigan ni Tito Kyron.
“Mam Xiara kakain na daw po” bumangon na ako at bumaba sa kama.
“Okay” sigaw ko. Nagbihis muna ako at lumabas na dala ko ang cellphone ko.
Naabutan ko sila na nag-aayos na ng mesa at narinig ko ang sigaw mula sa sala.
“Ate Xiara!” nakita ko si Xiander, ang nakakabata kong kapatid.
“Uy! Xiander!” sabay yakap sa kapatid ko. Ilang buwan ko rin ito di nakita dahil ang huling pagkikita namin ay Christmas Break pa namin.
Sa San Fernando Pampanga siya nakatira, sa Tita Kyla ko na pinsan ni daddy. Di kasi nila maguide si Xiander lalo na't busy sila sa kumpanya at ako naman ay nasa Manila nag-aaral. Pinaliwanag naman nila iyon kay Xiander kaya naintindihan naman din niya ang sitwasyon namin.
“Wala ba akong pasalubong?” tanong niya.
“Meron nasa freezer na” sagot ko. Mabuti na lang ay nasa freezer pa yung chocolate na binigay ni Yam sa akin at tinanong ko pa yun kung kailan expired nun pero ang sabi niya ay 2 years pa bago magexpire. Di naman kasu ako malakas kumain ng chocolate, si Abi naman ay ayaw niya dahil baka maging addict siya sa chocolate at mawala siya sa pokus.
‘Nursing nga naman’
“Let's eat na baka lumamig na yung food” tumango na lang kami at inaya na si Xiander na kumain.
***
Kagagaling ko lang sa kusina na may narinig akong nag-uusap kaya pinakinggan ko muna ito.
“Ano? Nabasted ka agad ni Maris?” reaksyon na tanong ni Mommy.
“Baka may ginawa kang di nagustuhan ni Maris?” tanong niya.
“Nothing, di ko nga alam kung bakit ganun yung sinabi niya. I want to ask her pero pinapatayan niya ako ng phone” saad ni Tito Kyron.
“Where are you going?”
“Pupunta ako sa condo unit niya” sagot niya.
“Kahit makita ka ni Abi?”
“Oo, magpapakilala naman ako sa kanya” dali-dali naman akong umalis at umakyat sa kwarto ko. Dahan-dahan ko naman binuksan ang pintuan at lumabas. Nakita ko si Tito Kyron na lumabas ng bahay.
“Ano kayang dahilan kung bakit siya binasted ni Tita Maris?” bigla akong napatanong sa sarili ko.
“I ask mommy later” bigla naman may tumawag sa akin.
“Hello” sinagot ko naman ito.
“Nandito ka na pala sa Pampanga di ka man lang tumawag sa akin” tiningnan ko ang caller at si Fatima pala ito.
“Ay oo sorry pasensya na medyo namiss ko kasi yung bonding namin ng kapatid ko” saad ko.
“It’s okay I know na matagal kayong nawalay anyway, are you free today?” she asked.
“Yes, why?” I ask
“Tara mall tayo” sagot niya.
“Sure, magpapaalam lang ako sa mommy ko” sabi ko.
“Okay I’ll wait you here” binaba ko na ang tawag saka ako bumaba at pumunta sa office ni Mommy.
TINAWAGAN ko si Abi at sumagot ito.
“Hello bakit?” tanong niya.
“May pumunta ba sa inyo?” tanong ko. Nalaman ko kasi kay Mommy syempre curious ako sa nangyari dahil binasted pala ni Tita Maris si Tito Kyron dahil sa maling akala ni Tita na may ibang babaeng kasama si Tito pero ang totoo ay kasama niya ang anak ni Tita Kyla na si Kylie. Sobrang close lang ng dalawa kaya may nagsasabi na bagay sila. Haler! Di naman pumapatol sa kapwa niyang kadugo. Incest yun at nakakadiri.
“Oo, matangkad na lalaki at gwapo” bigla akong kinilig.
“Kyahh!!”
“Shuta ka! Ang sakit sa tenga” inis na tugon niya.
“Sorry kinikilig kasi ako” sabi ko
“Ibig mong sabihin Tito mo yung bisita ni Tita?” tanong
“Tompak insan” sagot ko. Nakita ko naman sina Fatima kaya nagpaalam na rin ako.
“Wait I call you later na lang dahil nasa mall ako ngayon” saad ko saka niya binaba ang tawag.
“OMG!!” sabay yakap nila sa akin.
“Why you shouldn't call me” bigla niyang tampo.
“Sorry girls medyo pagod lang ako at gusto ko munang magbeauty rest” saad ko.
“Sige na nga your forgiven na” ngumiti naman ako sa kanila.
“Let's go may nareserve na akong table doon sa restaurant” tumango naman ako at sumunod na sa kanila.
“Bakit ka naman kasi nag-aral doon mayroon naman ditong available course na Business Management” pagtatampo nila.
“Doon ako nakapasa ano naman magagawa ko” saad ko.
“Pero kamusta naman yung Maynila bes?” tanong niya.
“Ayun, Maynila pa rin” sagot ko. Sinamaan naman nila ako ng tingin.
“Eto kahit medyo stress sa school maayos naman din” saad ko.
“Di ka man lang nagkaroon ng boyfriend doon?” umiling ako.
“Alam niyo naman kung gaano kastrict si Daddy pagdating sa akin ito pa kayang pagkakaroon ng nobyo” sagot ko.
“Crush wala?” tanong nila.
“Meron naman kahit papaano” sagot ko.
“Sino naman?”
“Si Xieron Frank Caballero” sagot ko.
“Weh di nga?” napasimangot naman ako.
“Totoo girl, gagraduate na siya bukas kaya gusto kong manood ng live sa f*******: bukas” sagot ko.
“Dapat pala nag-apply tayo doon edi lagi natin nakikita si Xieron” saad nila.
“Di ba kasama mo yung pinsan mo sa Manila?” tanong ni Fatima.
“Oo” sagot ko.
“Kung iniisip niyo na iba siya nagkakamali kayo dahil ako nga ang sakit niya sa ulo kapag umaga at may pasok kami” saad ko.
“Ginigising ka pa niya sa umaga?” tumango ako.
“Di ka ba nag-alarm?”
“Nag-alarm pero di naman din ako nagigising agad” sagot ko.
“Kaloka si girl ginawa mo pang taga-gising yung pinsan mo” napasimangot naman ako. Naalala ko noon may pasok kami mga papalapit na ata yung bakasyon syempre dahil sa dami naming ginagawa ay gusto ko na lang matulog muna pero isang araw ay nagising ako na 8:00 am kaya dali-dali akong naligo at pagkalabas ko ay wala na si Abi at may naiwan pa itong ulam at pagkain. May nakasulat pa nga.
‘Di na kita ginising pa dahil mahuhuli na ako sa klase good luck na lang sayo baks kung makakahabol ka pa’ kaya nga pagdating sa room akala ko start na sila ay di pa raw dahil nagkaroon ng problema sa pagprint ng questionnaire.
“Hay naku bes kung ipagpapatuloy mo pa yan ay baka madamay na yung pinsan mo at siya naman yung naparusahan” sermon nila sa akin.
“Oo na mag-set na ako ng alarm” sumagot na lang ako para matahimik na sila sa kakasermon nila sa akin.