Nasa kalagitnaan kami ng pagreview sa long quiz ay tumawag si Abi sa akin.
“Oww baks bakit ka napatawag?” tanong ko.
“I need your help” kumunot ang noo ko.
“Para saan?” tanong ko. Narinig ko ang pagbuntong niya ng hininga.
“Kasi mayroon kaming project kaya lang kailangan namin makakuha ng 150 patients for taking blood pressure lang” sagot niya.
“Ha? Ganun kadami?” tanong ko.
“Oo kaya nga baka pwede mong kausapin yung mga kaklase mo para lang sa pagkuha ng blood pressure, pramis walang bayad yun” sagot niya pero may bigla akong naalala.
“May alam ako na makakatulong sa inyo” sabi ko.
***
“Baka malaman ito ng mga prof namin maipatawag kami” sabi niya kay Winslet.
Una kong tinawagan si Winslet dahil hiningi ko ang number niya sa pamamagitan nung kakilala ni Yam na crew sa Sweet Café kaya ko siya natawagan at kinausap tungkol doon. Pumayag naman si Winslet dahil sa tindi ng init ng panahon ay kailangan talagang nakamonitor ang kanilang blood pressure.
“Akong bahala” nakita ko na nilagay niya ang karatula na may nakalagay na Free Blood pressure.
“Hanggang kailan yung project niyo na ito?” tanong niya.
“Monday daw” saad ni Megan.
“Well makakarami pa tayo ayun may lumapit na” pinuntahan muna ni Megan ang costumer ni Winslet para makuhanan ng blood pressure at taga picture naman si Winslet.
“Buti na lang nakilala ko yung friend mo rito” sabi ki.
“Kailan mo nakilala?” Tanong niya.
“Nung last time na bumili ako ng coffee naiwan mo yung tumbler mo eh sinabi ko na sa pinsan ko yan. Pinakita ko nga yung ID ko na may kasamang middle name eh and nakita niya yung middle name ko na Hernandez kaya binigay na niya sa akin yun” sinabi ko na sa kanya na ako ang nakakita ng tumbler niya.
“Hanep! Ikaw pala nakakuha nun bakit di mo sa akin diniretso ibigay. Binigay mo pa kay Megan tapos sinabi niya na nakita ng crew yung naiwan kong tumbler ikaw naman pala nakadampot” napasimangot naman ako sa reklamo niya.
‘Sabi ko na nga ba magrereklamo ito kapag umamin ako sa kanya’
“Tss! Alam ko naman didiwaraan mo ako kapag nalaman mo na inabot ko kay Megan yung tumbler mo di ko naman pala alam kapag umamin ako mananahimik ka na nagreklamo ka pa rin” inis kong tugon. Nakita ko na parami ng parami ang mga dumadating na tao.
“Pero bakit naiisip mo ‘to?” Bigla niyang tanong.
“Ahhm wala lang” naningkit naman ang mata niya sa sinabi ko.
‘Ano na naman ang problema ng bruha na ‘to’
“Ikaw naman next” pumunta na si Abi sa mga customer ni Winslet.
“GRABE kailangan ko nang magbawas ng mga meat foods I didn't expect na tataas yung blood pressure ko” saad ni Yam.
“Ako naman stress sa lintik na project na yun” komento ni Jessa.
“Same” sabay namin tugon.
“Another paproject na naman si Ms. Bitter kailan kaya tayo di magkakaroon ng project sa kanya?” tanong ni Yam.
“Baka next year” sagot ko.
“Sana naman di na natin siya maging teacher laging nauubusan yung allowance ko. Sakto lang din binibigay ng parents ko sa akin” saad ni Yam.
“Ako nga need kong magtipid dahil di naman ako makakahingi sa parents ko lalo na't masyadong mausisa si daddy” reklamo ko.
“Kahit mukhang mayayaman tayo alam nila ang salitang tipid” saad niya.
“Tama” sabay namin tugon ni Jessa.
***
“Stress na stress ka ah” nakita ko si Abi na pababa pa lamang ng hagdan.
“Kaaga mo naman magising weekend ngayon ah” saad ko.
“Sanay na rin kasi akong gumising ng maaga” sabi niya.
“Di ka pa natutulog noh?” tanong niya.
“Hindi pa tinatapos ko pa yung lintik na project ito” turo ko sa ginagawa kong project na imbes na groupings ang mangyayari ay ginawang individual.
“Mamaya matulog ka muna at tutulungan kitang tapusin ito” saad niya.
“Wala ka na bang gagawin?” umiling siya.
“Natapos na namin ni Megan yung 150 patients kaya waiting na lang namin yung exam tapos bakasyon na” sabi niya.
“Sana all” yun na lang ang nasabi ko.
“Sige na matulog ka na doon mukha ka nang zombie” sinamaan ko ng tingin si Abi.
“Gaga! Mararanasan mo din ito next year dahil sa pagkakaalam ko ay unang hard level yung second year niyo” saad ko.
“Edi magadvance study” sabi niya.
“Edi wow ikaw na matalino” saad ko.
“Matalino ka naman din ah” saad niya.
“Saan banda?” tanong ko.
“Ewan ko malay mo sa talampakan at di lang umaakyat” akmang babatuhin ko na sana ng ballpen pero umalis na rin ito agad at pumunta sa kusina.
‘Parang gusto kong manakal ng pinsan’
“TAPOS na rin sa wakas” naipass na namin ang project at salamat sa bruha kong pinsan na walang ginawa kung di mang-asar habang tinutulungan niya ako. Syempre kung di naman sa idea ko di naman niya makukumpleto yung target patient nila for taking blood pressure.
“Exam na lang ang kulang” saad niya.
“Sana maipasa natin yung exam ang hirap pa naman magsummer dahil mainit ang panahon” sabi ko.
“Sana nga” sabi niya. Napalumbaba na lang kami at hinihintay dumating ang next class namin.
“Hi, mom napatawag kayo” bungad ko.
“Hi sweetie susunduin kayo ng daddy mo after ng pasok niyo” sabi ni Mommy.
“Okay noted po. Mommy how's everything there?” tanong ko.
“Eto, maayos naman at alam mo sweetie your Tito Kyron make ligaw na kay Maris” nanlaki ang mata ko at bigla akong kinilig pero di ako pwedeng tumili dahil katabi ko lang ang room ni Abi.
“Totoo mommy?”
“Yes sweetie kaya lang di pa alam ni Abi ito kaya sasabihin na lang namin sa kanya pagbalik niyo sa Pampanga” saad niya.
“Thanks lord akala ko magiging single na forever sina Tito Kyron at ang Tita ni Abi” pasasalamat ko kay Lord.
“Hay naku panalangin ko na rin na sila na talaga hanggang huli” saad ni Mommy.
“Oo nga pala mommy kapag nagsend kayo ng allowance namin for this month can you please add some money, nagagalaw ko kasi yung pagfood namin for one month dahil sa mga bayarin ko sa school even my project sobrang gastos” sabi ko.
“Okay sweetie I add money for your allowance but don't say it to your daddy ah” tumango ako.
“I promise mom” saad ko.
“Okay I hang up now” paalam niya saka narinig ko na di na nagsasalita si Mommy.
Pagkakuha ko ng allowance namin ay binayaran ko na ang utang ko kay Abi. Di ko na lang sinabi kay Mommy baka mas lalo niyang bawasan ang allowance ko.
“Nagpasobra ka noh?” tumango siya.
“Yeah, sinabi ko na nagagalaw ko yung food natin for one month para lang sa project ko” sagot ko.
“Di ko nga magawa yan kay Tita kasi alam niya na wala pa akong kinakagastusan baka next school year pwede na” saad niya.
“Oo nga pala I buy panggawa ng vegetable salad but don't worry walang pusit yan” sabi ko.
“Ano naman ihahalok mo dyan?” tanong niya.
“Giniling na baka, bumili ako ng karne ng baka tapos pinagiling ko” saad ko.
“Okay, gawin mo na lang yan late masarap yan kapag nanonood tayo ng K-drama” bigla akong kinilig.
“Ay bet ko yan baks” pumasok na ako sa kusina at pinaglalagay ang mga pinamili ko kanina sa grocery at market.
“Oo nga pala baks si Daddy daw ang magsusundo sa atin pauwi” sabi ko.
“Uuwi din ang daddy mo?” tumango ako.
“Sinong maghandle ng company niya sa Taguig?” tanong niya.
“Yung Tito kong barbie” sagot ko. Tatlo sila sa isang company, Si Daddy ang CEO, si Tito Kyron ang COO at si Tati Gayle naman ang CFO ng kumpanya. Magbusiness partner ang mga yan kaya may time na salitan sila sa paghawak ng kumpanya.
“Tulungan mo na ako dito para makapagluto na tayo ng tanghalian natin” tumango naman siya at tinulungan na niya akong mag-ayos.