Charlene's POV Hindi ko alam kung sasaya ba ako o kakabahan sa nangyayari ngayong araw. Masaya naman talaga ako dahil sa wakas ay nakita ko na si Enan, pero kinakabahan din ako dahil damang-dama ko ang mainit na tingin ni Kerill sa kanya. Nalaman ko kasi kanina na si Enan pala ang bagong asawa ni Monica, at ang mas malala pa rito, siya rin ang dahilan kung bakit sila naghiwalay ni Kerill. Ang liit nga naman ng mundo, at ngayon ay naiipit pa yata ako sa pagitan nilang dalawa. Nandito kami ngayon sa isang restaurant, malapit lang sa pinuntahan namin kanina. Kasama ko silang dalawa, at buti na lang hindi sumama si Monica dahil napilit siya ni Enan na umuwi. Hindi ko talaga alam kung anong mangyayari kapag nagkasama kaming apat. "Kamusta ka na, Charlene?" tanong ni Enan. Napangiti ako. "O

