Hindi alam ng parents ko na nakabalik na akong Cebu at tanging si Kyrie lang ang nakakaalam. Hinakbang ko ang paa ko papasok sa loob ng bahay at napansin ang katahimikan na bumabalot sa paligid. Hindi ko na namalayan na pumatak na ang mga luha ko habang nagdadalawang isip kung ipipihit ba ang seradura ng pinto o mananatili muna sa labas. Sa huli, napagdesisyunan kong pihitin ito.
Then, I saw them. I saw Kyrie, Mama, Papa.
Nilingon nila ang direksyon ko at nang magtama ang tingin namin ay napaluhod nalang ako dahil sa saya at lungkot.
"S-Sav!" My mother exclaimed as she walks towards me. Si papa naman ay nakaupo lang habang nakamasid sa aming mag-ina. My mother hugged me and I swear, It feels so comfortable. I feel like I'm on my comfort zone. Muli kong naramdaman ang init nang yakap ng isang ina. Lalo pang bumuhos ang luha ko nang tumayo si papa at nakisama sa pagyakap sa akin.
I know, I made him mad when I left. Hindi ko akalain na ganito parin kainit ang pagtanggap nila sa akin. Dinagdagan pa ni Kyrie ang yakap at sabay sabay nalang kami na napahagulgol. No words, the action telling us how we missed each other. Right now, I really feel I'm on my home. Nothing can replace my parents when it comes to making me feel home. Inalalayan ako ni Kyrie na maupo habang sumunod naman si mama at papa sa akin.
"Hindi mo sinabi na uuwi ka." Hikbi ni mama.
"Surprise nga ma, eh." I chuckled but my eyes are still teary. "Alam po ni Kyrie."
"Hoy! Huwag mo akong sisisihin! Tinawagan lang ako ni bebe William." Dumila dila pa siya at nagpacute.
Matagal na kasing may gusto si Kyrie kay William. Si Kyrie, torpe. Si William naman ay manhid. Masasabi ko na they will make a perfect couple kapag naging sila pero parang mga tanga, indenial silang dalawa.
"Oh siya! Tayo na't kumain. Mabuti na lamang at nagluto ang inang mo ng marami." Aya ni papa kaya sumunod nalang kami patungong kusina.
"Diba, paborito mo itong adobo?" Tumango ako doon. Kahit ilang buwan kaming hindi nagkasama ay naaalala parin nila iyon. Napakaswerte ko sa kanila.
SADYANG mabilis ang oras dahil ilang linggo na akong nandito sa Cebu. Mas tumahimik ang buhay ko kaysa noong nasa Manila pa ako. Walang gulo. Kasalukuyan akong nag-iikot sa palengke para bumili ng sangkap sa lulutuin naming ulam. Mas untu ang bilang ng namimili dito kumpara sa Manila. Magkaibang-magkaiba.
"Savanna?" I heard a familiar voice somewhere.
When I look who it was, I nearly dropped my jaw. It's Val! I didn't expect that I will see him here again! Nilapitan niya ako at kinuha ang bitbit ko. Hindi parin ako makapaniwala habang nakatingin sa kanya. I just realized I'm staring to long when he flick my forehead. I glared at him but I'm happy that I saw him here.
"Long time no see!" I exclaimed. Hinayaan ko siyang bitbitin ang mga gamit ko habang papunta kami sa pilahan ng trycicle. Siguro kakain na muna kami sa karinderya bago umuwi. Alas-dos palang naman ng hapon.
"Gala tayo!" Aya niya kaya wala akong ibang magawa kung hindi ang pumayag. Nasa kaniya din naman ang mga gamit ko. We both ride a trycicle and found ourselves inside a mall.
"Anong gagawin natin dito?" Tanong ko habang nag-iikot kami sa bawat boutique ng damit.
"Maglalaba," He said. Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa sinabi niyang iyon. Pilosopo masyado. "Tanga, edi bibili."
"Libre mo?"
"May pera ka? Diba wala?" Pinitik niya muli ang noo ko at kinuha ang isang off-shoulder dress. Ibinigay niya iyon sa akin at itinuro niya ang dressing room. Bumuntong-hininga ako bago ako pumunta doon. Tatanggihan pa ba? Libre na!
The dress was fine. It's simple but elegant. When I finished wearing the dress, I went outside and saw Valjerome sitting on the sofa. His mouth formed an 'o' when he look at me.
"Beautiful!" Humalkhak siya at kinuha ang damit na pinagbihisan ko. Lumapit siya sa sales lady at bahagyang itinuro ako. Sumunod ako sa kanila at napansin na papunta na kami ng counter. He pay for it without even blinking! Parang napakadali ng pera para sa kanya!
Halos ginabi kami sa pag-iikot ng Mall. Pagkatapos kumain sa food court ay nag-volunteer siya na ihatid ako. Tumanggi ako pero he insist. Wala na akong magawa kundi ang sumakay sa kotse niya.
"Mayaman ka pala, ano?" Panimula ko ng usapan para hindi masyadong tahimik.
"Hindi naman."
Iniliko niya ang sasakyan at may bumakat na ugat sa braso niya. Unlike Sylvan, I didn't feel anything when I stare at Val's biceps. Parang normal lang pero kapag dating kay Sylvan, parang ubaw na uhaw ako. It feels like I want to lick that biceps of hi—Darn! Pervert mind!
"You okay? Pinagpapawisan ka." Bahagya siyang sumulyap sa akin. Nailang naman ako dahil kung ano ano ang pinag-iisip ko. Nagawa ko pang isipin ang manlolokong iyon! May nalaman laman pa na manliligaw kuno pero ginagawa na talaga akong kabit!
Nasa tapat na kami ng gate ng huminto siya. Pansin ko ang isang itim na kotse sa tapat ng gate namin pero isinawalang-bahala ko nalang. Baka nakipark lang iyong kapitbahay namin.
"Pasok ka muna sa loob!" Aya ko. Pumayag naman siya kaya sabay na kaming pumasok sa loob ng bahay. Rinig ko ang ingay ni Kyrie at ni mama. Hindi ko alam kung bakit araw araw nalang bumibisita dito si Kyrie kahit wala naman siyang gagawin.
"Nandito na ako!" Anunsyo ko kaya bahagyang natahimik ang ingay. "Pasensya na natagalan, gumala pa kasi kami ni V—Sylvan?"
Nabitawan ko ang hawak kong plastik dahil sa taong nadatnan ko na nakaupo sa sofa namin. Nakapatong pa ang paa niya sa coffee table habang nakasandal ang ulo sa sofa. Sinulyapan niya ako bago napunta ang atensyon niya kay Val.
"Talagang sumunod ang asungot na iyan?" Lumapit siya kay Valjerome at bahagya pang sinamaan ito ng tingin. Nanghahamon.
"Mas matangkad ka lang pero mas gwapo ako." Tinalikuran niya ito at ako naman ang nilapitan. "Hahayaan kitang sumama sa iba pero sakin parin ang bagsak mo."
Natameme ako dahil sa sinabi niya. Natauhan lang nang tumili ang nanay ko at si Kyrie. Sinamaan ko sila ng tingin pero sabay lang sila na nagpeace-sign.
"Lagay mo muna iyang pinamili mo sa ref. Bukas nalang natin iyan lulutuin." Utos ni nanay. Tumango nalang ako at sinunod ang inuutos niya. Sumunod sa akin si Val at bahagya pa akong siniko-siko.
"Hambog naman niyon." Bulong niya na ikinatawa ko. He has a point. Masyadong mayabang si Sylvan.
"Hayaan mo na. Kulang sa aruga." Bulong ko rin sa kanya. We both laugh pero natigil lang ng sumiksik si Sylvan sa gitna namin habang may hawak na baso.
"Padaan. Kukuha lang ng tubig." Kumuha siya ng isang pitsyel ng tubig at nagsalin sa baso habang nakamasid lang kami sa kanya. Pwede naman kasi na magpautos hindi iyong sisiksik pa. Nagmumukha siyang isip bata, eh!
"Umuwi ka na daw." Nanlaki ang mata ko nang itulak niya si Val palabas ng kusina. Nagulat din doon si Val pero lumabas nalang din. Sinenyas niya pa sa akin ang cellphone niya kaya tumango nalang ako. Hanggang sa pag-andar nalang ng sasakyan ang narinig ko.
"Give me your f*****g phone." Sylvan suddenly commanded. I stare at him with disbelief. I really don't know what he will do to my phone pero binigay ko na lang din sa kanya.
"Akin na muna ito. Don't text that asshole." Lumabas siya sa kusina habang iniwan niya akong nakatulala at hindi makapaniwala sa nangyari. Hinabol ko siya pero nasa hapag na siya at masayang nakikipag-usap kay papa at kay mama. Si Kyrie ay lumalamon lang at walang paki sa paligid niya.
"Nak, kain na." Aya sa akin ni papa kaya tumabi ako kay Sylvan. Wala ng ibang maupuan eh. Sinadya na naman ito ni Kyrie at mama. Nagsandok ako ng kanin at ulam habang patuloy lang silang nagkukwento.
"Nililigawan mo ba ang anak namin?" My father suddenly asked Sylvan. Hindi ako makapaniwala sa tanong niyang iyon at bahagya siyang nilakihan ng mata. Tumikhim naman si Sylvan at lumagok ng tubig.
"Opo." Sagot niya at sinulyapan ako. I pinch his thigh under the table but he didn't even winced. He confidently face my father.
"Andito po ako dahil bigla nalang siyang umalis sa Manila. Mabuti at naharass—Napilit ko po si William na sabihin kung nasaan ako."
"Ganoon ba? Alam mo ba na boto ako kay William dati para kay Savanna, pero ngayon ikaw na!" Tumili pa si mama at bahagya pang tinaas taas ang kilay sa aming dalawa.
"Hijo, alam mo naman na makulit ang anak namin. Pero, huwag mo siya agad agad gagalawin. Birhen mo siyang ilakad sa altar," Dahil sa sinabing iyon ni papa ay bigla nalang akong nabulunan. Narinig ko rin ang pag-ubo ni Sylvan at halos sabay lang kami na uminom ng tubig.
"Naka-3 points na nga, eh." Rinig kong bulong niya. I step on his foot and glared at him. Buti na lang at mukhang hindi narinig iyon ni mama, papa at Kyrie. Sigurado akong handang-handa na ang itak ni papa kung sakali.
"Ayos lang kayo?" Tanong ni mama kaya sabay kaming tumango.
"Basta, alagaan mong mabuti si Sav kung sakali na maging kayo at sagutin ka ng anak ko. Huwag mo siya sasaktan."
"Pa! Para namang ibinibigay mo na ako!" Reklamo ko. Parang hindi siya umiyak noong umalis ako at nagpunta ng Manila pero ngayon ay pinapaubaya nalang niya ako sa iba.
"Magrereklamo ka, doon din naman ang punta ng ligawan niyo."
"Paanong doon eh may asawa yang hinayupak na iyan!" Hindi ko na mapigilan at nasabi ko nang malakas iyon. Natigilan sila at gulat na nagpabalik-balik ang tingin sa akin at kay Sylvan.
"Totoo ba?" Kahit mahinahon ang boses ni itay ay ramdam ang diin no'n.
Napalunok si Sylvan bago sumagot. "Totoo po pero maghihiwalay na sana kami pero hindi niya lang mapirmahan ang annulment paper."
"Tangina mo pala, eh! Gagawin mong kabit ang anak namin?!" Halos sugurin na ni tatay si Sylvan kung hindi lang napigilan ni mama. "Lumayas ka!"
"Sir, Magpapali—"
"Lalayas ka o iitakin kita?!"
Parang natakot naman si Sylvan kaya lumabas siya sa kusina. Inutusan ako ni mama na ihatid siya palabas kaya sinunod ko nalang. Nasa bandang gate na kami nang lumingon siya sa akin.
"Bakit mo pa kasi sinabi iyon!" Inis na sermon niya sa akin habang nakapameywang pa.
Aminin ko man o hindi ay alam kong may kasalanan ako kung bakit siya natrato ng ganoon ni papa. Though, may kasalann din siya dahil kasal siya pero nanliligaw siya ng iba. Parehas lang kaming may kasalanan kaya walang masisi.
"Kasalanan mo din! Bakit ka pa kasi nanliligaw kahit may asawa ka na?!" Sumabog nalang bigla ang inis ko sa kaniya.
"Kasi nga mahal kita!"
Natahimik ako dahil sa sinabi niyang iyon. Kahit alam ko na iyon ay hindi parin ako makagalaw tuwing sinasabi niya iyon. Nawawalan ako ng masasabi at nabablangko ang utak ko. Napahilamos siya ng mukha at tumalikod sa akin.
Muli niya akong hinarap at pansin ko ang hawak niyang panyo.
"Ito nalang talaga ang paraan para mapasakin ka."
Itatanong ko sana kung ano iyon pero hinila niya ako palapit sa kanya at inilagay sa ilong ko ang panyo na hawak niya. Hindi ko alam dahil nang masinghot ko ang mabaho na amoy na iyon ay nanghihina ang katawan ko. Tila isang gamot na nagpapahina sa kamalayan ko.
Mas lalo niya iyong idiniin sa ilong ko dahilan para mas lalo lang akong mahilo. Sinubukan kong tanggalin pero dahil sa hina ay di ko magawa.
"Sorry, pero ito nalang talaga ang naiisip kong paraan. Forgive me after this, baby." Rinig kong bulong niya. Nabitawan ko ang braso niya at hindi na nanglaban pa. Tinanggal niya ang panyo sa ilong ko ngunit naamoy ko parin ang malansang amoy na iyon.
Hindi na ako makagalaw at tuluyan nang nilamon ng kadiliman at ang tanging naalala ko lang ay isinakay niya ako sa kotse niya.