MATAGAL bago nakahuma si Paraluman. "B-bakit- paano mo nalaman ang bahay ko?" Nagpabalik-balik ang tingin niya sa mukha ng lalaki at sa labas ng kanyang bahay habang naghihintay ng magiging sagot ni Mr. Sntibañez. Sa halip kasi na sagutin siya ay tinitigan lang siya ng lalaki na para bang may inaarok ito sa katauhan niya. "I just saw your information in my files." maya-maya ay sagot nito kaya siya napatango. Tila nakaramdam din siya ng hiya sa inakto. Sobrang praning mo, Paraluman! Syempre inilagay niya ang mga basic information tungkol sa kanya pati na kung saan siya nakatira at hindi malabong nabasa iyon ng lalaki dahil dumadaan dito ang mga files ng mga empleyadong nag-apply sa hotel nito. Sa naisip ay mas lalong nadagdagan ang init sa kanyang mukha na kanina pa mainit dahil sa

