Chapter 8

1526 Words

"What the hell was that?!" Dumadagundong ang malakas at galit na boses ni Audrey sa buong opisina. He was expecting for Audrey to barge in. Hinintay lang nito na lumabas ang ka-meeting niya. Habang nakikipag-usap kay Mr. Pantaleon, ibinulong na ng sekretarya niya na naghihintay ang kapatid sa opisina at mukhang mainit ang ulo nito. Hindi ugali ni Audrey ang pumarito sa opisina lalo at hindi maganda ang relasyon nito sa mga magulang nila. For Audrey to have come here, may mahalaga itong pakay. By the looks of it, she was furious over something. "Ganito ba talaga ang greeting mo sa akin, ha, sis? Matapos nating hindi magkita ng matagal-tagal?" Kakauwi lang nito mula sa Europe. Kung nagkataong good mood ito, malamang na sumugod na ito ng yapos sa kanya. Sa buong pamilya niya, si Audrey ang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD