Chapter 9

2031 Words

Sa nakalipas na dalawang araw na nanatili si Elisa sa bahay ni Lorenzo, walang pagbabago sa sitwasyon niya. Nakakulong pa rin siya sa isang silid. Bagama't hindi sinasaktan, hindi niya maiwasang makaramdam ng pangamba na baka isoli siya nito kay Sir Deo anumang oras. Nakakabagot ang bawat minutong nakakulong siya sa maliit na silid na nagbubukas lang kapag may inihahatid na pangangailangan niya. "Hindi mo ginagalaw ang pagkain." Mula sa pagtitig sa labas, nabaling ang pansin niya sa pagkain na inihatid kanina ni Mando. Gaano man ‘yon kasarap tingnan, hindi niya makuhang ganahang kumain. “Pakialis na lang niyan.” Imbes na bitbitin ang tray, napapailing lang na napatingin doon si Mando. "Mando, ‘yong bag ko. Kailangang-kailangan ko lang talaga ‘yon. Please." May halo nang pagmamakaawa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD