“Tito, can you read me some stories?” Nakahiga na sa kama si Caleb at kasalukuyan niyang kinukumutan. “Next time, Cal. Promise, next time.” Bahagyang sumimangot si Caleb. Kapag nasa kanya ito, wala itong hinihiling na hindi niya ibinibigay. Pinupunan niya sa abot ng makakaya ang kakulangan nito sa hindi pagkakaroon ng ama. But tonight, he will make a pass on bedtime stories. May mahalaga siyang gagawin. Inihabilin niya muna si Caleb kay Aling Cora. Bumaba siya ng hagdanan at tinungo ang silid ni Elisa. Kailangan niyang makausap nang masinsinan ang babae, once and for all, nang matapos na ang lahat ng gulo at bumalik sa normal ang lahat. Naratnan niyang kasalikuyang nag-aayos ng higaan ang babae. "We need to talk." Napahinto ito sa ginagawa at dahan-dahang humarap sa kanya. Tinitigan

