Kabanata Tatlumpu’t Siyam Nagkakape si Marcus sa labas ng kotse niya nang makita niyang magbukas ang gate nila Victoria. Mula roon ay lumabas ang kotse nito. Mabilis naman siyang pumasok sa loob ng kotse niya para sundan kung saan man pupunta si Victoria. Halos tatlumpung minuto niya ito sinundan bago ito tumigil sa isang café. Mula sa driver's seat ay nakita niyang may bumabang lalaki. Mabilis niyang ipinark sa gilid ang kotse para babain at silipin kung sino pa ang nasa loob ng kotse ni Victoria. Pero wala na. Si Janno lamang pala ang nagdrive sa kotse nito. Hindi nito kasama si Victoria. Nalinlang siya ng mga ito. Mabilis siyang bumalik sa kotse at nag-u-turn para bumalik sa bahay ni Victoria. Muli niyang tinanong ang guard na nagbabantay pero ayon dito ay umalis na raw si Victori

