Kabanata Apatnapu Lumipas ang dalawang araw na maayos naman ang pakiramdam niya kaya bumalik na rin siya sa opisina. Kasama niya si Janno pero ang request niya rito ay ihahatid at susunduin lang siya nito. Ayaw niya nang mahigpit na pagbabantay. Sapat na sa kanya ang security sa loob ng building nila. Medyo abala sila sa kumpanya ngayon dahil mag-eexpand sila. They are going to invest on a new hotel in Cebu and Palawan kaya panay ang meetings nila with clients. Mabuti na nga rin at nakisama ang katawan niya sa kanya. "Ma'am Victoria, si Sir Clint po nasa baba. Pinaakyat ko na rin po," sabi ni Lea sa kanya. Tumango naman siya rito at nagpatuloy sa binabasang documents sa table. Maya maya pa ay narinig niyang may kumatok sa pinto ng opisina niya. Pagbukas no'n ay si Clint na ang bumung

