Mico 16

1023 Words
Mico pov Nagpapasalamat siya dahil di nga ito nanlaban at ngayon ay tahimik na itong sumunod sa gusto ng mga kidnappers. Di niya maiwasang maawa dito, mukhang di nito naisipan na mag apply sa mas maayos na nakasanayan nitong corporate job. Mas pinili nito ang maging delivery rider iyon ay sa kabila ng hirap ng trabahong iyon. Init, ulan ang kalaban, bukod pa sa mga masasamang tao na maaring makasalamuha nito along the way. Oras na matapos ang lahat ng ito ay muli niya itong iconvince na bumalik sa corporate job. "Di po ako magsasalita promise! Wala naman po akong pera." Pakiusap ni Faith. Pero parang bingi lang na wala man lang tuminag sa mga ito. Ilang minuto lang, parehong nakatali ang kamay nina Hope at Mico gamit ang plastic ties. Pinaupo sila sa sahig habang inaayos ng mga lalaki ang kanilang pag-alis. “Sinong may pakana nito?” galit na tanong niya sa isa sa mga lalaking naroon. Although may idea na siya kung sino ay gusto niya paring isiping iba. Walang sumagot. Ngunit bago sila tuluyang paalisin, narinig niya ang isang pamilyar na boses mula sa kabilang silid. “Siguraduhin niyong walang sablay.” Nanlamig siya, tama nga ang hinala niya. Kagagawan ni Veronica ang lahat. Alam niyang mas magiging malala ang lahat oras na malaman ni Veronica na nandun din si Faith. Baka di niya magawang iligtas ang babae. "Wag kang maingay at magpapahalata na ikaw yan, kilala ka ni Veronica." Bulong niya sa babaeng pilit na inaayos ang upo. "Si Veronica?" "Oo, siya ang may pakana nito." "Sabi ko na nga ba e, wala talagang nagagawang matino yung girlfriend mo." Halata ang ngitngit na bulong nito. "She's not my girlfriend, mamaya mo na ako awayin pag tayong dalawa nalang. Sumunod nalang muna tayo sa kanila para di tayo masaktan, gagawa ako ng paraan para makatakas tayo." Bulong niya dito. Nakita niya ang tila takot na bumadha sa maganda nitong mukha, malaki talaga ang pagkakaiba ng Faith noon, sa Faith na nasa harap niya ngayon, mas makapal ang kilay ng Faith na kaharap niya ngayon. Bukod doon ay napansin niya ang tatlong nunal sa may noo nito. Although tago ang mga ito ay nagawa niya paring makita ang detalying iyon. Isinakay sila sa likod ng isang itim na van. Madilim sa loob, amoy gasolina at alikabok. Habang umaandar ang sasakyan, magkatabi silang nakaupo, parehong nakatali ang kamay. Tahimik muna sila ng ilang minuto, tanging tunog lang ng makina ang maririnig. Hanggang sa nagsalita siya. “Bakit ka nandun?” Napalingon si Hope sa kanya. Kahit madilim, ramdam niya ang titig nito. “Malamang nag deliver,” pasupla na sagot nito, tila pilit binabago ang boses. "Bakit pagiging delivery rider ang napili mo na trabaho, diba pinagawan na kita ng endorsement letter para makapasok ka kaagad?” bulong niya dito. "What's wrong of being a delivery rider, marangal naman na trabaho ang pagiging rider a." Katwiran nito. "It's not what I meant okay, ang sa akin lang ay delikado sayo ang ganyang trabaho." Gusto niyang ipaintindi dito ang consequence ng ganung trabaho, lalo na at babae pa ito at di lang basta basta na babae, magandang babae ito. "Kung oras mo na, e di oras mo na." Sabi pa nito. Parang di naman ito makikinig sa kanya, pero tsaka na niya gagawan ng paraan na makombensi ito na umalis sa ganung trabaho. Ang uunahin niya na munang isipin ay ang kung paano sila makakatakas sa sitwasyon nila ngayon. "May plano kana?" Mamaya maya ay bulong nito. Lihim siyang napangisi sa tanong nitong iyon. Alam niyang di ito komportable sa sout nito ngayon lalo at mainit ang kinaroroonan nila at makapal pa ang damit nito. "Wala pa e, ikaw ba may suggestion ka?" Tanong niya dito. The truth is may plano na siya kanina pa ngang bago pa ito dumating. Pero kailangan niyang i adjust ang kanyang plano ngayong kasama na niya ito. Kinakailangan niya lang na isipin na di lang siya mag isa. May mga kinakailangan pa siyang alamin bago siya tumakas. May mga bagay pa siyang nais na malaman, he want to know the involvement of his family. Alam niyang sa yaman na meron siya ay di na siya nagtataka pa na maging ang mga ito ay magkakaroon ng interes sa mga pag aari niya. Nakakapanlomo lang isipin na dahil sa pera ay nakakaya ng mga ito na talikuran ang kanilang pagiging magkadugo. May mga lumalabas na mga pangalan na sa mga naunang imbestigasyon nila, pero alam niyang may iba pang kasali. Gusto niyang ipamukha sa mga ito ang maling plano ng mga ito. Kung gugustohin niya ay kayang kaya niyang takasan ang mga ito kanina palang. He is will known for his skills in Tiger heads, sa uri ng skills na ipinapakita ng mga taong dumukot sa kanila ay sobrang weak ng mga ito. Maski ang panali ay sobrang nipis lang na tela. Mukhang tinipid ang budget sa assassin, parang takot pa nga kanina na manlaban siya. Gusto niyang malaman kung ano talaga ang plano ng mga ito. Hinihintay lang ng mga kaibigan niya ang kanyang go signal para i rescue na sila. "May pagkain kaya doon Sir?" Tanong ng babae na ikinatawa niya. "Don't worry pakakainin kita pag nakatakas na tayo. Just Mico di mo na naman ako boss." Biro niya dito. Nakita niya ang pagbadha ng pagkagulat at pagtataka sa mukha nito sa kanyang sinabi, pero tumango tango din naman kalaunan. Mahabang biyahe yata ang kanilang gagawin dahil nasa express way sila. Isa sa mga pagkakamali ng mga kidnappers kanina ay ang di paghanap sa kanyang cellphone na hanggang ngayon ay nasa bulsa niya parin. Di man lang nagtaka ang mga ito. "Di naman yata nila tayo papatayin diba?" Bulong nito. "Di ko alam e, itanong kaya natin!" Biro niya dito. "Baliw ka! Mamaya gilitin leeg ko ng mga yan e. Wala pa naman akong pera." Ingos nito. Tumahimik na siya nang makitang nakatingin ang isa sa mga kidnappers sa babae. Bagamat nakafacemask si Faith ay mahahalata padin ang magandang mukha nito. Alam niyang maaring ikapahamak ng babae ang paghihintay niya pa sa mga susunod na mangyayari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD