Mainit ang sikat ng araw nang umandar ang motorsiklo ni Hope papasok sa industrial district kung saan matatagpuan ang LS Shipping Lines isa sa pinakamalaking karibal ng kumpanya ni Mico. Hindi niya inaasahan na mapupunta siya sa lugar na iyon. Isa lang iyon sa mahahabang listahan ng deliveries na ibinigay sa kanya ng dispatcher. “Unit 3B, administrative building,” basa niya sa delivery slip. “Recipient: Mico Sebastian Montefalco.” Napakunot ang noo niya. Bakit sa LS ipapadala ang package ni Mico? Pero trabaho ang trabaho. Wala siyang choice kundi sundin ang address. Mukhang nag eenjoy siya sa bagong trabaho niya, kahit papaano ay mas malaki namang di hamak ang kita niya kaysa sa dating naging trabaho niya. Malaya pa niyang napupuntahan ang mga gustong puntahan niyang lugar. Wala ring

