Tatlong araw matapos siyang paalisin sa kumpanya, nanatiling tahimik ang maliit na bahay niya. Nakaupo siya sa mesa, at halos di siya umaalis sa pwestong iyon, parang sirang plaka na paulit ulit niyang naririnig sa isip niya ang huling pag uusap nila ni Mico. At ngayon ay nakatitig siya sa isang puting sobre na kakadating lang galing sa courier. “Para sa’yo yan?” tanong ni Faith mula sa kusina, mahina ang boses. Alam na nito ang nangyari dahil nakatanggap ito ng request to file force resignation letter. Pero mas okay na din na ganung letter ang ibinigay kaysa sa isang termination letter. Kasi magiging mantsa iyon sa employment records ng kakambal niya kung saka sakali. Ilang beses siyang humingi ng tawad sa kakambal niya at tinawanan lang siya nito. Inamin nitong matagal na nitong gusto

