Mico 12

1531 Words
Mico pov Tahimik ang buong top floor ng Montefalco Shipping Lines. Alas-diyes na ng gabi, pero nakaupo pa rin si Mico sa likod ng kanyang malaking mesa, nakatingin sa mga dokumentong ilang beses na niyang binasa ngunit wala namang pumapasok sa isip niya. Naka chat niya si Lyka kanina, konting kwento at na open up niya ang tungkol kay Faith. Isang bagay na sinabi nito ang tila di mawaglit sa isip niya. Parang paulit ulit niyang naririnig sa isip niya. Gusto niyang isipin na baka dala lang ng pagod kaya parang iba ang kanyang nararamdaman lately. "Congratulations you finally found someone, ayyeee!" Sabi pa nito nang matapos siyang mag kwento. Pero kahit anong gawin niyang paliwanag ay di na niya nagawa pang baguhin ang paniniwala ng babae. Sa harap niya, nakalapag ang termination report ni Faith. Part of him telling him not to let her go, pero ayaw niya namang pagsisihan sa huli ang kanyang selfish decision. Alam niyang maaring ikapahamak ng babae pag nagtagal pa ito roon. May tatlong incident ng pagkamatay ang hanggang ngayon at large parin kahit na may mga ebidensiya na nagtuturo sa kompanya niya as cause of death. O mula sa kompanya nila ang salarin. Hindi niya alam kung bakit, pero mula nang pumirma siya sa papel na iyon kaninang umaga, parang may kung anong bumigat sa dibdib niya isang pakiramdam na hindi niya naranasan sa kahit sinong empleyado na pinaalis niya noon. You did the right thing, pilit niyang sabi sa sarili. You protected her from the bigger problem in the future. Pero kahit ilang beses niya iyon ulitin, bumabalik pa rin sa isip niya ang itsura ni Faith ang paraan ng pagtitig nito sa kanya, parang hindi makapaniwala. At ang tila hinanakit na nakalarawan sa mga mata nito. Pinindot niya ang intercom. “Call Mr. Santos to my office. Now.” Ilang minuto lang, kumatok ang finance manager na si Ramon Santos at pumasok. “You called, sir?” Hindi siya agad nagsalita, tinitimbang niya sa isip niya ang kanyang desisyon, if it's really necessary to transfer her to Montefalco Empire. Ilang segundo muna siyang nakatingin sa glass wall bago siya bumaling. “I want you to process Miss Faith’s final pay immediately,” sabi niya. Tumango si Santos. “Yes, sir.” “At dagdagan mo,” dagdag ni Mico. Napakunot ang noo ng manager. “Sir?” “Double her last three months’ salary. Include it as performance bonus.” Napatigil si Santos. “Sir… company policy doesn’t usually-” “I am the company policy,” malamig na putol niya sa sinasabi nito. Agad tumango ang manager. “Understood, sir.” “Also,” patuloy niya, “prepare a recommendation letter for her. High commendation. Send a copy to the HR of Montefalco Empire.” Nanlaki ang mata ni Santos “Sir… the sister company in Cebu?” “Yes.” “Pero sir… kayo rin po ang may-ari nun.” “I know,” maikli niyang sagot. Tahimik na tumango si Santos. Hindi na siya nagtanong pa. Pagkalabas ng finance manager, muling napasandal si Mico sa kanyang upuan. This is just damage control, sabi niya sa sarili. Nothing more. Ngunit alam niya sa kaibuturan ng kanyang isip na hindi iyon ang buong katotohanan. Gusto niyang abot kamay niya parin ang babae, maybe to sort out first and to calm himself. Sana matapos na ang nga imbestigasyon para naman di na niya kinakailangan pa na makita si Veronica, di niya maiwasang di mainis sa babae, kung di dahil dito ay makakasama niya pa sana ng matagal si Faith. Binuksan niya ang isang secure folder sa kanyang laptop. Naroon ang pangalan ni Veronica Does. Matagal na niyang pinaghihinalaan na may anomalya sa ilang kontrata na dumaan sa departamento ng ama ni Veronica. Ngunit ngayon, mas lalo siyang naging determinado na alamin ang totoo. Kinuha niya ang kanyang cellphone para tawagan ang isang tao na alam niyang makakatulong sa kanyang pag iimbistiga. Pwede naman siyang humingi ng tulong mula sa organization, peeo ayaw naman niyang gamitin niya ang impluwensya ng organization para makuha ang sagot sa personal niyang problema. “Agent Cruz speaking.” “Meet me in my office in ten minutes.” Eksaktong sampung minuto, pumasok si Agent Daniel Cruz isang pribadong imbestigador na matagal nang ginagamit ni Mico sa mga sensitibong kaso ng kumpanya. Ang Montefalco Shipping Lines at tie up company ng company ng mga Lopez, ng kaibigan niyang si Damon. Kung ang kina Damon ay more on passenger ang sa kanila naman ay logistics and cargo. Malaki ang Montefalco Shipping lines, pero sa mga nakalipas na taon ay nakitaan na niya ng problema sa management issue ang kompanya. Matinding pang aabuso sa mga empleyado at ang bullying sa loob mismo niyon. Napagpasyahan niyang i handle ang kompanya two years ago. Pero di niya pinanghimasukan ang sa human resources. Ngayon niya nakita talaga ang baluktot na kalakaran sa loob mismo ng kanyang kompanya. “Good evening, Mr. Montefalco,” sabi nito, sabay upo sa tapat ng mesa. Malamig ang ekspresyon niya ng harapin ito, his usual expression. “Give me an update.” Inilabas ni Cruz ang isang usb drive instead na makapal na folder at inilapag sa mesa. Good thing na may flash drive na ngayon, di na kailangan ng mga bulky na mga papel. “We’ve been monitoring the transactions related to Ms. Veronica Does’ department for the past two months,” panimula niya. Binuksan nito ang folder at tumambad ang mga transaction records ng kompanya. Under sa pamamahala ng ama ni Veronica. Hindi iyon basta bastang mga transactions. “May tatlong kontrata po dito na may parehong supplier isang maliit na logistics subcontractor na walang sapat na kagamitan para sa laki ng proyekto. Pero sila ang palaging nananalo sa bidding.” Napakunot ang noo niya sa nabasa, di kasi pamilyar ang pangalan ng kompanya. Sa isang kagaya nilang maituturing na giant na sa industry ay kataka taka nga naman na pumasok sila sa mga di kilala na mga sub contract. In the past generations of his family ay iniiwasan nila ang magkaroon ng aberya kaya mas gusto nilang mag tie up sa sigurado na. “Inside connection?” “Yes, sir. The company is owned by a proxy. Pero sa records ng bank transfer, may regular na remittance papunta sa personal account ng isang shell company… na konektado sa pamilya Does.” Tahimik si Mico habang pinapakinggan iyon. “Evidence?” malamig niyang tanong. “Circumstantial for now, but strong,” sagot ni Cruz. “Kailangan pa po nating makakuha ng direct transaction trail para maging legally solid.” Napatango tango siya sa sinabi ng lalaki, they can't just point out their fingers without evidence. Kailangan nilang maging wise sa mga desisyon nila kung gusto nilang matigil na ang mga kalokohan na nagaganap sa loob ng kanilang kompanya. Wala siyang pakialam kung makakasagasa man siya ng sarili niyang kaanak. “Continue,” utos ni Mico. “May isa pa pong kakaiba,” sabi ng ahente. “Tatlong linggo bago nag-umpisa ang mga isyu kay Faith, nagkaroon ng internal complaint tungkol sa harassment sa department ni Ms. Does. Pero bigla po itong na-withdraw.” Napatigil si Mico. “Withdrawn? By whom?” “By the victim herself.” Sumikip ang hawak ni Mico sa mesa. “Name?” Sandaling nag-atubili si Cruz bago sumagot. “Your personal assistant Sir, Miss Faith.” Parang may kumalabit sa dibdib ni Mico. So she tried to report it… Tahimik ang silid. Sa unang pagkakataon sa gabing iyon, napapikit si Mico. Naaalala niya ang mga pagkakataong pumasok si Faith sa opisina niya mahina ang boses, nanginginig ang kamay. At kung paano niya iyon binale-wala, iniisip na simpleng takot lang sa trabaho. “Did she file anything formal?” mahina niyang tanong. “Draft complaint lang po, sir. Hindi niya tinuloy.” napatango tango siya sa sinabi nito. Mahirap nga namang lumaban na nag iisa lalo na kung malalaking tao at maempluwensya pa. “Dig deeper,” sabi niya na muling naging malamig ang boses. “I want bank records, communication logs, everything. Kahit kailangan pa nating gumamit ng external legal team, gawin niyo.” “Yes, sir.” “Also,” dagdag niya, “discreetly check on Faith Villanueva. I want to know where she goes after leaving the company.” Sandaling nag-atubili si Cruz. “Sir, personal po ba ito o company-related?” Tumitig si Mico sa kanya. “Does it matter?” Mabilis na umiling ang ahente. “No, sir. Understood.” Pagkaalis ni Cruz, muling naiwan si Mico sa katahimikan ng kanyang opisina. Sa harap niya, nakalapag pa rin ang termination paper. Dahan-dahan niya itong kinuha at itinupi. You said you trusted me, naalala niya ang sinabi ni Faith. Sa unang pagkakataon, napasuntok siya nang marahan sa mesa, isang maliit na kilos ng galit na hindi niya pinapakita kahit kanino. Hindi niya alam kung bakit, pero sa lahat ng empleyadong umalis sa kumpanya, si Faith lang ang nagawang guluhin ang katahimikan ng isip niya. At sa kauna-unahang pagkakataon, inamin niya sa sarili ang isang katotohanang matagal na niyang tinatakasan. Hindi na nga niya pinrotektahan sinaktan niya rin ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD