Hope pov
Mukhang tanga ang tingin niya sa babae ngayon, masyadong unreasonable na ang ginagawa nito. Paanong parang naging kasalanan ang pagtawa sa trabaho. Masyadong oa ang reaksyon nito. Alam niyang ang motibo nito ngayon ay ang pagpapatanggal sa kakambal niya sa trabaho.
Mukhang isang malaking tinik talaga ang tingin ng babae sa kanya. Kaya kahit parang tanga na ay ipipilit parin nito ang katuwiran na baluktot. Parang maging ang kalayaan niya ay nasasagasaan na ng babae.
“Sir,” muling nagsalita si Veronica, “I think this is enough reason to question Faith’s professionalism. Hindi na ito yung una niyang insidente.”
Napatingin si Mico sa kanya. Tahimik, pero mabigat ang titig. Di niya alam kung ano ang magiging kalalabasan ng lahat ng ito. Sa hitsura ng boss ng kakambal niya ay mukhang balak na nitong panigan ang bruha. Ilang segundo itong hindi nagsalita isang katahimikan na tila mas masakit kaysa sigaw.
Sa huli, malamig niyang sinabi,
“Faith, please go to HR.”
Parang may sumabog sa dibdib niya sa kanyang narinig. Malaking bahagi ng pagkatao niya ang tila nadurog. Isa lang naman ang ibig sabihin ng lalaki, tanggal na sa trabaho ang kakambal niya.
“Sir?”
“I’ll let them handle this.”
Sa gilid, ngumiti si Veronica isang ngiting puno ng tagumpay. Akala yata ng bruha ay papayag siya na matanggal ng ganun ganun nalang.
Kaya bago pa man makaalis si Mico, ay biglang nagsalita siyac.
“Sir, bago po ako pumunta sa HR… pwede po ba akong magsalita?”
Nagkatinginan ang lahat at maging ang ibang empleyado ay nakiusyuso na din sa kanila. Hindi iyon ang inaasahan nila na mangyayari lalo at kilala na ng mga tao roon kung gaano kalupit ang pamamahala ni Veronica.
Tumingin si Mico sa kanya.
“Make it quick.”
Huminga siya nang malalim.
“Kung ang pagiging professional po ay ibig sabihin na dapat akong magpanggap na hindi ako tao, na bawal akong tumawa, bawal akong magkaroon ng kaibigan eh di po siguro hindi nga ako professional. Why don't you fire her too? I think abusing power is a much heavier offense than laughing and talking inside your company?” matapang niyang sabi.
Nanlaki ang mata ni Veronica.
“How dare you-”
“Huwag niyo po akong putulin,” matigas na sabi ni Hope, sabay tingin sa kanya. “Kasi kung pag-uusapan po natin ang pagiging professional, baka mas marami po tayong pwedeng ilabas na kuwento.”
Natahimik si Veronica.
“Simula nang pumasok po ako dito,” patuloy ni Hope, “ilang beses na po akong pinahiya, pinagawa ng trabahong hindi ko naman sakop, at kung anu-ano pa. Hindi ko po iyon isinumbong kasi gusto ko lang magtrabaho nang tahimik. At alam ng lahat ng mga empleyado iyon dito.”
Napatingin si Mico sa kanya parang ngayon lang nito narinig ang panig niya.
“Pero kung gagamitin niyo po ang simpleng pagtawa ko para ipatanggal ako sa trabaho, hindi na po ako mananahimik.”
Tahimik ang buong floor. Lahat nakikinig.
“Veronica,” malamig na sabi ni Mico, “that’s enough. You go to the HR also.” baling ni Mico sa babae.
"What? Why?" Tila takang tanong pa nito.
Maybe tutulongan nalang niya ang kakambal na makapag abroad nalang. Nakaka konsenya na siya ang naging dahilan ng pagkakatanggal ng kakambal niya sa trabaho na matagal nitong iningatan. Pero wala na siyang magagawa pa, ayos na din lalo at masyadong nakakasakal ang mga patakaran sa loob ng opisina.
Sa mga nangyayari ay tila mas may power pa si Veronica kaysa kay Mico. Di niya alam kung bakit hinahayaan ng lalaki ang ginagawa ng babae. Kung tutuosin ay malaking kalokohan na ang mga nangyayari, ilang mga empleyado at mangagawa paba ang kinakailangan na magdusa sa kamay ni Veronica.
"Paano yan, natanggal kapa tuloy dahil sa akin." Si Peter na tila nanghina din sa naging desisyon ni Mico sa nangyari..
"Hayaan mo na, marami pa namang kompanya sa mundo. Kung wala na talagang mapasukan si Faith ay pwede ko naman siyang gawing business partner nalang at least walang aapi sa kanya doon." Sabi niya sa kaibigan.
"Sorry a di ko naman akalain na ganito pala kalala ang management sa kompanya ni Sir Mico." Naiiling na komento nito.
"Hayaan mo na, punta muna ako ng HR." Paalam niya.
"Try kitang i refer kay Sir Dos, don't worry mabait yung mga staff sa office." Sabi ng lalaki.
"Wag mo na akong alalahanin, di ako magugutom kahit di ako magtrabaho o si Faith." Sabi niya. Alam niyang aware ito sa pagkakaroon niya ng mga negosyo.
Alam niyang di na niya Kaya pang tiisin ang ganitong kalakaran. Pero nag aalala din siya para sa kakambal niya. Alam niya kung gaano kamahal nito ang trabaho nito.
Pagdating sa HR ay sinabihan siya na bumalik kinabukasan. Di niya alam kung uuwe ba siya ngayon at babalik bukas o tatapusin niya ang maghapon na iyon sa opisina. Di niya alam kung ano ang kanyang iisipin ng mga sandaling iyon, pero isang emosyon ang gusto niyang ilabas. Yung galit na tila sumasakop sa puso niya. Galit para sa kawalan ng justice para sa kanya at para kay Veronica at kay Sir Mico.
Kinabukasan, nakaupo siya sa maliit na conference room kasama ang HR manager, si Ms. Reyes. Tahimik ang paligid, tanging tunog lang ng aircon ang maririnig. Hinihintay nilang pumasok si Mico.
Sa kabilang dulo ng mesa, nakaupo si Veronica, kampanteng-kampante, habang nakataas ang kilay at tila nanonood lamang ng palabas. Tipikal na kontrabida sa buhay niya at ng iba pang mga empleyado.
Hindi nagtagal, bumukas ang pinto.
Pumasok si Mico.
Agad na bumigat ang dibdib niya. Kahit ilang araw na siyang nagtatapang-tapangan, iba pa rin ang pakiramdam kapag nasa iisang silid sila ng lalaking akala niya ay fair ang magiging judgement.
“Let’s start,” malamig na sabi ni Mico, sabay upo sa tabi ng HR manager.
Ipinaliwanag ni Ms. Delos Reyes ang reklamo: unprofessional conduct, insubordination, at disruption during work hours.
Habang binabasa iyon, pakiramdam ni Hope ay unti-unting ginuguhit ang kanyang kapalaran, parang alam na niya ang tungo ng lahat.
“Faith,” sabi ng HR manager, “do you have anything to say in your defense?”
Huminga siya nang malalim.
“Ma’am, wala po akong ginawang mali. Nakikipag-usap lang po ako sa system analyst na naka assign sa cubicle ko. Hindi po iyon bawal sa company policy.”
Tahimik si Mico, nakatingin lang sa mesa.
“Sir,” biglang singit ni Veronica, “this isn’t the first time she caused a scene. Marami na po kaming reklamo sa kanya.”
Napatingin si Hope kay Mico, umaasang magsasalita ito para depensahan siya kahit konti lang.
Ngunit sa halip, tumingin si Mico sa HR manager.
“Given the repeated incidents,” malamig niyang sabi, “I think termination is appropriate.”
Parang tumigil ang mundo niya sa narinig. Naalala niya ang pagsagot sagot niya dito, siguro ay isa din iyon sa naging grounds ng lalaki para masabing repeated incidents.
Hindi niya alam kung alin ang mas masakit ang pagkawala ng trabaho ng kapatid niya, o ang katotohanang si Mico mismo ang nagsabi ng mga salitang iyon.
“Sir…” mahina niyang sabi, halos pabulong.
Ngunit hindi siya tinignan ni Mico.
Tumayo si Hope, nanginginig ang kamay pero matatag ang boses.
“Kung iyon po ang desisyon ng kumpanya, tatanggapin ko po,” sabi niya.
Nagulat si Veronica akala niya magwawala si Faith.
Ngunit ang hindi niya inaasahan, diretso siyang tiningnan ni Hope bago siya lumabas ng silid.
Isang tingin na puno ng galit at lungkot.
Paglabas ng HR manager at ni Veronica, naiwan sina Hope at Mico sa conference room.
Tahimik ang pagitan nila. Mabigat.
“Why didn’t you fight harder?” tanong ni Mico, hindi pa rin tumitingin sa kanya.
Napatawa si Hope isang mahinang tawa na may halong pait.
“Lalaban pa po ba ako kung kayo mismo ang kalaban ko?”
Sa wakas, napatingin si Mico sa kanya. Nanlaki ang mata nito ng may makitang luha sa gilid ng mata ni niya, ng babaeng akala niya ay si Faith.
“Sir… akala ko po, kahit papaano, kilala niyo na ako,” patuloy ni Hope.
“Don’t make this personal,” malamig nitong sagot, kahit ramdam niya ang kirot sa dibdib.
“Hindi ko po ginagawa itong personal,” sagot ni Hope. “Kayo po ang gumawa.”
“Kunin mo na ang final pay mo sa accounting,” sabi niya, sabay talikod.
Paglabas ni Hope sa building, saka lang siya tuluyang napaiyak.
Hindi dahil sa pagkawala ng trabaho.
Kundi dahil sa lalaking nagawang baliin ang puso niya… kahit hindi pa niya ito inaamin nang buo sa sarili niya.
Mico pov
Gusto ni Mico na sabihin na hindi siya sigurado. Na simula nang magbago si Faith, hindi na niya maintindihan ang sarili niyang nararamdaman.
Pero bilang CEO, hindi siya pwedeng magpakita ng kahinaan. Para din naman sa kaligtasan ng babae ang ginagawa niya. Bukas tatawagan niya ito para i hire sa isa pa niyang kompanya. Di niya pa pwedeng tanggalin si Veronica ngayon dahil sa laki ng nadispalko na pera ng babae na siyang kasabwat ng Tita niya.
Alam niyang kung may dapat man na tanggalin sa trabaho, hindi iyon si Faith. Ang dapat na mawala sa opisina niya o sa kahit saang kompanya niya ay ang mga katulad ni Veronica na siyang nagiging pasakit sa iba pa niyang mga empleyado.
Alam niyang labis na nasaktan si Faith sa kanyang naging desisyon, pero gusto niya din na makahinga na wala ito, baka sakaling mawala ang mga tila kakaibang nangyayari sa kanya.