Tatlong araw matapos ang insidente sa pantry, tila unti-unti nang bumabalik sa normal ang takbo ng opisina o iyon ang akala ng lahat. Parang wala na din siyang naririnig na may inapi ang mga malditang katrabaho, siya naman ay patuloy pa ring nagpapanggap bilang si Faith, nagsabi na din ang kakambal niya na parang gusto na nitong mag abroad nalang para tuloyang makalimot.
Pero habang wala pang penal na desisyon ang kakambal ay alam niyang dapat na mas maging maingat sa kilos at pananalita niya. Mukhang hindi tumatanggap ng pagkatalo ang babae, di dapat maging kampante. May mga pagkakataon na pakiramdam niya ay may mga matang nakamasid sa kanya.
Kahit anong ingat niya, may mga bagay na hindi niya kontrolado.
Tanghali noon nang marinig niya ang pamilyar na boses mula sa reception area. Almost naka break na naman siya that time kaya lang kinakailangan niyang bumaba para kunin ang ilang papeles mula sa entrance na dala ng driver ng boss niya.
“Excuse me po, ako po pala ang System analyst na mula sa office po ni Sir Dos. May pinaayos daw na linya sa third floor?”
Napatigil si Hope sa pag-aayos ng mga papeles na hawak niya, ang alam niya kasi ay biglaang nagkasakit ang system analyst kaya wala pang kapalitan. Parang… kilala niya yung boses na ‘yon.
Paglingon niya, halos mapasigaw siya sa tuwa.
“Peter?!”
Napalingon ang binata, saka lumawak ang ngiti.
“Oy, Hope- este… Faith pala! Ikaw nga ‘kumusta?!”
Napahawak si Hope sa noo.
“Huy! Hinaan mo boses mo!” alam niyang, may ideya ang lalaki na siya ang naroon. Kung siya kasi si Faith ay di siya sisigaw ng ganun at di rin ito tatawaging Peter ng kakambal niya. Lalo at mortal na magkaaway ang dalawa.
Napakamot si Peter sa kanyang sinabi.
“Ay, sorry, sorry. Nakalimutan ko haha, hanggang ngayon ba naman.”
Lumapit ito sa kanya, dala ang laptop bag nito.
“Grabe, ang sosyal ng opisina niyo ha. Sana dito na lang ako magtrabaho kaysa sa kung saan-saan ako pinapapunta.”
Natawa siya sa sinabi nito, kung siya ang papipiliin ay mas gugustohin niya pa na palipat lipat ng area kaysa ma assign sa isang lugar na maraming hayop.
“Kung alam mo lang kung gaano kagulo dito sa loob.”
"Sus, kahit naman gaano kagulo ay kaya mo naman, ikaw paba!" Biro pa nito.
"Tse, anong ginagawa mo dito?" Tanong niya sa lalaki kahit na narinig na naman niya ang napag usapan nito at ng receptionist kanina. Iba parin pag galing mismo sa lalaki ang sagot.
"Hiniram ako saglit ninSir Mico kay Sir Dos, paakyat kana? Sabay na ako a, baka maligaw pa ako pag makakita ako ng maganda sa daan." Biro nito na ikinahagikhik niya. Likas ang pagiging palabiro ng lalaki na ayaw naman ng kanyang kakambal. Unlike sa kanya na game siya sa mga kalokohan nito.
"Sus, para namang di kita kilala, sige sabay kana. Ilang araw ka pala dito?" Tanong niya nang papaakyat na ang sinasakyan nilang elevator.
"Depende kay Sir Mico, depende din kung maraming magaganda." Pilyong sagot ng lalaki.
"Di ka talaga matinong kausap." Naiiling niyang sabi. Maganda nga na naroon ang lalaki para at least may nakakausap siya. Parang ang boring kasi doon lalo at ilag sa kanya ang karamihan sa mga empleyado ng kompanya.
Iniwan niya ito sa supervisor na nakita niya, kinakailangan niya na maibigay kaagad ang kontrata sa boss niyang may sayad.
Habang inaayos ni Peter ang sirang linya sa kisame malapit sa cubicle niya, ay umayos siya ng upo. Halos natapos na niya ang mga naunang batch ng mga kumpol ng mga papeles. Nag inat inat nalang muna siya matapos na makaramdam ng sakit sa leeg.
“Naalala mo nung high school, ikaw pa yung laging umiiyak kapag napapagalitan ng teacher?” panunukso ni Allan.
Umirap si Hope.
“Hoy, hindi ako yun. Si Faith yun.”
“Oo nga pala,” natawa si Allan. “Kambal nga kayo. Pero ikaw yung mas astig, di ba?”
Napatingin si Hope sa paligid, baka may makarinig. “Shhh! Wag kang maingay Pedro, please.”
“Relax ka lang. Ako lang ‘to. Grabe ka talaga sa pangalan ko hmp. Hindi kita ilalaglag kahit ang sama ng ugali mo sakin.” sabi nito, sabay kindat.
Mico pov
Hindi nila napansin na sa dulo ng hallway, nakatayo siya, may hawak na tablet, at tahimik silang pinagmamasdan. Bagamat malayo at di marinig ang pinag uusapan ng dalawa. Alam niyang tao ni Dos iyon at isa sa pinakamagaling sa trouble shooting kaya iyon ang hiniram niyang tao. Di niya alam na magkakilala ang kanyang personal assistant at ang lalaki at mukhang di lang basta magkakilala.
Although sinabi naman ni Faith na hiwalay na ito sa dating nobyo nito at wala itong nobyo sa kasalukoyan ay di niya maiwasang di mainis sa babae. Kaka break palang nito sa dating kasintahan nito pero mukhang nakikipag landian na ito kaagad sa ibang lalaki.
Hindi rin nagtagal, dumating si Veronica. Nakita niya ang kakaibang tingin ng babae sa dalawa na nagtatawanan isang bagay na hindi niya pa kailanman nakita kay Faith. Sa halos dalawang taon nito sa kompanya ay nitong huling linggo niya lang napansin ang babae. Dati parang normal lang.
Siguro dahil sa tinagal tagal ng babae sa kompanya, yun lang ang unang pagkakataon na sumagot sagot ito sa kanya. At nakuha nito ang pansin niya, kahit nung dalhin niya ito sa family reunion nila ay ibang iba ito sa paningin niya kahit na di naman nagbago ang mukha nito.
Di niya maintindihan ang sarili niyang nararamdaman pag malapit ito sa kanya. Nagugulohan siya sa kanyang sariling emosyon. Pilit niyang inaarok kung ano ba talaga ang nangyayari at naging ganun ka komplekado ang kanyang emosyon. Oo nagkagusto siya sa ibang babae noon, pero not to the extent na parang gusto niyang i kept ang babae at nagagalit siya ngayon na may kausap itong iba.
Alam niyang di titigil si Veronica hanggat di nawawala sa landas nito si Faith, lalo na after ng mga naging encounter ng mga ito lately. Oo gusto niyang i keep so Faith sa kompanya bilang personal assistant niya, pero ang inaalala niya ay kung ano ang mangyayari dito sa tuwing wala siya. Paano kung may gawing di maganda si Veronica dito. He is turning into firing her and keeping her.
Lumapit si Veronica sa dalawa, nakataas ang baba at halata ang pagmamataas sa kilos nito. Sa halip na umalis sa kinatatayuan niya ay bahagya siyang nagkubli para makita kung ano ang gagawin ng babae.
“Faith, sino yan?” tila tagapagmana niya na tanong nito sa dalawa.
Huminto ang tawanan ng dalawa. Napakamot sa ulo ang lalaki.
“Ah, system analyst po ako-”
“Hindi ikaw ang tinatanong ko,” putol ni Veronica, nakatingin kay Faith.
“Kaibigan ko po siya,” sagot ni Faith, kalmado at di man lang kakitaan ng pagkailang sa babae. Gayong ang ibang mga empleyado ay marinig palang ang boses ni Veronica ay nanginginig na sa takot. Ang babae ay tila wala lang talaga dito ang presensya ni Veronica.
“Kaibigan?” Ulit ni Veronica, kunwari’y nagulat. “Akala ko ba tahimik at walang social life si Faith?”
Gusto niyang mainis sa way ng pakikipag-usap ni Veronica sa mga ito. Parang nag overlap na naman ito sa posisyon niya. Faith is his direct employee and theres no need for anyone's approval. Mukhang kailangan na niya talagang linisin ang mga tao sa kompanya nila.
These past few years ay hinahayaan niya lang na ang Tita niya ang mag handle ng mga tao sa kompanya para walang gulo. Di niya lubos maisip na nag aalaga pala ng mga anay sa loob ng kompanya ang tiyahin niya.
“Oo po, kaibigan ko siya. May problema po ba doon?”
Nagulat siya sa tapang ng sagot, pero lihim siyang napangiti sa naging sagot nito. Mukhang kailangan niyang alisin si Faith sa kompanya sa lalong madaling panahon. Ayaw niyang mapahamak ito, lalo na ngayon na may nasasagap siyang balita na tila gustong patayin si Faith dahil sa pagkakaugnay nito sa kanya.
Sa sandaling iyon, lumapit siya sa mga ito. Tahimik pero mabigat ang presensya.
“Is there a problem here?” malamig niyang tanong.
Lumingon si Veronica, parang nakakita ng pagkakataon.
“Sir, nahuli ko po si Faith na nakikipagbiruan sa kung sinu-sinong lalaki habang oras ng trabaho.”
Napakunot ang noo ni Mico. Tumingin siya kay Faith at sa lalaking kasama nito na si Peter.
“Sir,” singit ni Peter, “ako po yung system analyst na pinatawag niyo-”
Ngunit hindi siya pinansin ni Veronica.
“Hindi po professional ang ganitong asal, sir. Lalo na sa harap ng mga bisita.”
Napatingin si Faith sa kanya. Alam niyang delikado ang sitwasyon.
“Sir,” mahinahong sabi ni Hope, “inaayos lang po niya yung linya sa cubicle ko. Nagkataon lang po na nagkakilala kami dati.”
“Tapos nagtatawanan kayo?” singit ni Veronica. “Sa oras ng trabaho?”
Napapikit si Faith sandali. Pagdilat niya, hindi na ang mahinhing Faith ang nasa harap nila.
“Masama po bang tumawa?” tanong niya, diretso ang tingin.
Natahimik ang paligid.
“Hindi ka sumasagot ng ganyan dati,” malamig na sabi ni Veronica.
“Siguro po, napuno na lang ako,” balik ni Faith sa babae, kahit naman yata sino. Kung alam mo na naagrabyado kana ay lalaban kana din lang talaga.
"Ma'am, Sir pasensya na po kayo kung -".
"Di ka kinakausap!" Sikmat ni Veronica Kay Peter.
“Sir,” muling singit ni Peter, “kung may kasalanan man po, ako yun. Ako po yung unang nagbiro. Matagal na po kaming magkakilala.”
Napatingin si Faith sa kanya, may halong pasasalamat.
“Hindi ka na dapat nandito,” sabi ni Veronica kay Peter. “Tapusin mo na yang trabaho mo at umalis ka na.”
Hindi kumibo si Peter. Sa halip, tumingin siya kay Faith, parang naghihintay ng senyas. Ngumiti si Faith ng bahagya. “Ayos lang, Peter. Kaya ko ‘to.”
Sabi nito alam niyang masyadong toxic na ng environment sa kompanya nila. Kaya alam niyang di na sapat ang suspension lang sa isang empleyado na nagkasad