Mico 9

1303 Words
Kinabukasan, hindi pa man nakakalayo si Hope sa elevator ay naramdaman na niya ang mga matang nakasunod sa kanya. Iba ang atmosphere, at dama niya ang pagbabago, mas maraming bulungan, mas maraming lihim na tingin. “Uy, si Faith… siya yung pinagtanggol ni Sir kahapon,” bulong ng isa. Pagpasok niya sa floor, agad niyang nakita si Veronica na nakatayo malapit sa glass office ni Mico. Nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa kanya. Alam niyang may niluluto na namang plot ang babae para makaganti sa kanya. What happened yesterday is a big humiliation to her, lalo na at sanay ang babae na laging nakakalamang sa kapwa. “Faith,” tawag nito, matamis ang boses pero matalim ang tingin. Araw araw na niyang kausap sa salamin si satanas sa katauhan niya, kaya parang ang boring din na makaharap ng isa pang satanas. Alam niyang di titigil ang babae hanggat di siya napapahiya o napapatanggal sa trabaho. Lumapit siya dito, wala namang rason para matakot siya sa babae. “Yes, ma’am?” “Busy ka ba mamaya?” tanong ni Veronica, paikot-ikot ang hibla ng buhok sa daliri. “Kasi kailangan kong pumasok sa office ni Sir. May ipapasa akong files. Samahan mo ako.” Samahan? O gagawin na naman akong alalay? Parang balak naman ng babae na gawing personal alalay ang lahat ng mga empleyado doon. Kung bakit kasi puro duwag ang na hire ng kompanya. Kung sana ay marunong na lumaban man lang o pumalag ang mga ito sa bawat maling pinapagawa ng babae, sana ay matagal na walang nag suffer sa mga naroon. “Sige po,” sagot niya. Likas ang kabutihan sa puso niya kaya sasamahan niya ito. Pero deep inside her ay nag iisip na siya ng paraan Kung paano i backfire ang babae sa masamang plano nito. Kumatok si Veronica at hindi na hinintay ang sagot ni Mico mulansa loob bago pumasok, alam na niya ang ganung guesture. Tahimik na sumunod siya dito, kahit na gusto niya itong patirin ngayon. She is not her boss to start with, pero dinaig pa nito ang tagapagmana sa sobrang higpit. Nakatayo si Mico sa likod ng mesa, may hawak na tablet. Nang makita siya nito, sandali itong natigilan isang maliit na reaksyon na hindi nakaligtas sa mapanuring mata ni Veronica. Lihim siyang nagbunyi, halata naman kasi sa kilos ng babae na may something ito sa boss nila. Oo maganda naman ang babae pero di naman nakakain ang puro ganda lang. “Yes, Veronica?” malamig nitong tanong. “Sir, these are the revised shipping schedules,” sabi ng babae, sabay abot ng folder. Pero imbes na ibigay kay Mico, inabot nito iyon sa kanya. “Ibigay mo kay Sir.” Naramdaman niya ang sadyang pagpapahiya. Pero ngumiti lang siya at mahinahong inilagay ang folder sa mesa. Parang gusto niya nga sanang ihambalos sa mukha ng babae ang folder kung di lang siya nagpipigil. One day magagawa niya din ang panghahambalos maghintay lang ang babae. Once na mag reresign na ang kakambal niya ay babalikan niya ito. Sisingilin niya ang babae ng sampung beses sa lahat ng mga naging pahirap nito sa kanya at sa iba pang mga tao doon. “Thank you, Faith,” sabi ni Mico, diretso sa kanya ang tingin. Isang simpleng pasasalamat, pero sapat iyon para kumulo ang dugo ni Veronica. Mukhang di lang ang nangyari kahapon ang magiging mitsa ng pagkamuhi sa kanya ng babae. Mukhang rival ang tingin sa kanya ng babae. “Sir,” biglang singit ni Veronica, “napansin niyo po ba na… parang nagbago si Faith? Dati po kasi, hindi naman siya ganito ka… confident.” Napatigil ang kamay niya sa ere sa kanyang narinig, tama nga ang kanyang hinala na may niluluto na scheme ang babae para sa kanya. Tumingin si Mico kay Veronica, saka bumaling muli kay Hope. “People change.” “Or maybe,” patuloy ni Veronica, pilit na tumatawa, “may tinatago lang siya.” Tahimik ang kwarto. Ramdam ang tensyon. Ngumiti siya dito at pilit na pinapanatiling mahinahon ang kanyang sarili kahit na gustong gusto na niya itong sakalin. “Kung may tinatago man po ako ay labas na po kayo doon, lahat naman tayo may itinatago at least ginagawa ko parin ang trabaho ko, at pipilitin ko pa rin pong gawin ang best ko, ma’am. At wala din po akong pakialam sa opinyon nyo.” Bahagyang napangiti si Mico sa sagot niya isang bagay na hindi na naman nakaligtas kay Veronica. Paglabas nila ng opisina ay naging mas mabilis ang mga hakbang ni Veronica. Pagdating sa hallway, bigla siyang huminto at humarap sa kanya. Alam niyang bubuga na naman ng apoy ang babae. “Anong ginagawa mo?” malamig nitong tanong. “Po?” inosenteng sagot niya dito. Alam niyang kahit na anong sabihin niya ngayon ay ikakapikon ng babae and she can't wait to see her in range. Gusto niyang makita kung hanggang saan ang kaya ng babae. “Wag kang magpanggap. Alam kong nagpapapansin ka kay Sir.” singhal nito. Halos matawa siya. Kung alam lang nito talaga, ayaw niya sa boss ng kakambal niyang feeling perfect at feeling pinagpala. Kaya lumalakas ang loob ng mga kagaya ni Veronica na gumawa ng kalokohan kasi konsintidor ang boss nito. “Hindi po,” sabi niya. “Ginagawa ko lang po yung trabaho ko.” Lumapit si Veronica, halos magdikit ang mukha nila. “Tandaan mo, Faith… hindi ka bagay sa mundong ‘to. Isang salita ko lang, pwede kang mawala dito.” Ngumiti siya dito, hindi na yung mahinang ngiti ni Faith, kundi yung confident na ngiti na likas sa kanya. Alam niyang di na niya kailangan pa na magkunwaring santa. “Subukan niyo po,” mahina niyang sagot. Sa unang pagkakataon, si Veronica ang natigilan. Alam niyang naramdaman na din ni Veronica na hindi siya ang tipo ng tao na kayang kaya nitong paluhorin at pasunorin sa lahat ng nais nito. Parang gusto niya tuloy na dagdagan pa ang pagkaparanoid ng babae. Alam niyang palagian na itong magmamatyag sa kanya, at wala naman siyang anumang takot na nararamdaman dito. "Inaway kana naman ba?" Mahinang bulong sa kanya ni Gin, isa sa mga naging kaibigan ng kapatid niya sa kompanya. Electrician ito doon pero madalas sa area na iyon ito na assign. May mga products kasi ang kompanya na madalas na sa bahaging iyon ng gusali tinitesting. Kaya kailangan ito most of the time. "Di naman na bago yun." Balewalang sagot niya dito. Alam niyang wala itong ideya na hindi siya si Faith. Pero in due time ay sasabihin din niya ang totoo dito lalo at alam niyang naging mabuti naman ang lalaki sa kakambal niya. Di nito deserve ang mga kasinungalingan nilang dalawa ng kakambal niya. "Kaya nga e, di ko tuloy alam kung bulag ba si Sir Mico o sadyang okay lang sa kanya na ganun ang trato sa kanyang mga empleyado. " Naiiling na komento nito. "Hayaan na natin, wag na wag lang talaga ako kantiin. " Sabi niya. Tumawa naman ang lalaki sa sinabi niya. "Ilang beses kana ngang napag tripan ng mga yan e. Ang tibay mo nga e. " Biro pa nito sabay kindat sa kanya. Mukhang nagpapakita ng masamang pangitain ang lalaki, di yata may gusto ang lalaki sa kakambal niya. "Malapit ko na ngang ma-" "Loitering is strictly prohibited in my company!" Halos mapatalon siya sa gulat lalo na ng malingunan ang lalaking boss ng kakambal niya. Parang pinagpawisan siya ng malapot nang mabistahan ang di mabasang emosyon sa mga mata ng lalaki. Alam naman niyang wala silang ginagawang masama ni Allan, ilang segundo palang mula nung lumabas siya mula sa opisina ng lalaki, pero that time ay parang pakiramdam niya ay nagkasala siya ng malala sa lalaki sa uri ng tingin na ibinigay nito sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD