Di na niya inaasahan na mapaparusahan ang babaeng bruha, aware naman siya sa koneksiyon ng babae sa loob ng MSL, Kinagabihan, halos wala nang tao sa opisina. Tahimik ang floor, at tanging ilaw na lang sa cubicle ni Hope ang nakasindi. Abala siya sa pag-aayos ng reports ni Faith, pilit inaaral ang paraan ng pagsusulat ng kapatid para hindi mahalata. Hindi niya napansin na may tumigil sa likod niya. Hanggat maari ay ayaw niya munang matapos ang pagpapanggap niya lalo na ngayong naranasan niya mismo ang mga pang bubully ng mga kasamahan ng kambal niya sa trabaho. Its not something na pwedeng palagpasin nalang ng ganun ganun. Baka sa susunod ay maging metsa pa ng buhay ng ibang mga nagtatrabaho doon. “Hindi ka pa umuuwi?” Napatalon siya sa gulat at napalingon. Nandoon si Mico, nakasuot pa

