Chapter 10

1058 Words
“Mag lunch ka muna Alexis!” nagulat pa si Alexis ng marinig ang boses ng amo. Napatingin sya sa wall clock at mag aala una na pala ng hapon. Hindi nya namalayan ang oras dahil madami silang customer na dumating. First day nya ngayon at 2 hours muna syang ini orient mismo ni ma’am Lia at dahil dumami ang customer bago magtanghalian ay pansamantalang itinigil neto ang pag oorient sa kanya. Nalaman nyang pito din pala sila lahat dito sa shop. Sya ang over all assistant ni ma’am Lia, me 3 silang mananahi, isang receptionist – un babaeng nakausap nya nun una syang pumasok, si Raiza at ang tagalinis s***h cook nila na si Jaya – isa ding gay. “Ok po ma’am.” pumasok sya sa maliit na kusina ng shop. Hindi sa shop nagluluto si Jaya kundi sa bahay ni ma’am Lia. Malapit lang pala ang bahay neto sa shop. Dinadala na lang ni Jaya ang mga pagkain sa shop. Libre ang tanghalian ni Alexis na ikinatuwa na din nya dahil maliit lang ang sweldo nya dito. Matapos ang tanghalian ay agad syang bumalik sa ginagawa. Ipinapaayos sa kanya ni ma’m Lia ang mga nakadisplay na gown. Baguhin daw nya ang pagkakadisplay ng mga iyon dahil matagal na daw ang ayos neto. Para daw maiba naman ang itsura. “Alexis.” Muling tawag neto sa kanya. Lumapit sya dito. Me kausap etong mag asawang me edad at me nakaupo naman sa couch na tingin nya ay mag ina naman. “Tulungan mo sila maghanap ng gown na babagay sa kanya.” Itinuro neto ang dalagitang nakaupo sa sofa. Nginitian nya eto at nag umpisa na syang tanungin eto. “San mo gagamitin ang gown?” “Sa birthday ko, debu ko.” Tila excited na sabi neto. “Wow! Ready made na ba hanap mo or gusto mong magpatahi?” “Ready made. Sa isang linggo na kasi ang birthday nya!” sagot naman ng ina neto. “Sige dito tayo.. ano bang kulay ang gusto mo.” Dinala nya ang mag ina sa pwesto ng mga gowns para sa iba’t ibang okasyon. Masuring pinagmasdan ni Alexis ang dalagitang kausap para mapag aralan ang personality neto. “Blue – but not too dark. I mean, un parang magical ang dating.” Sagot neto sa kanya. Alexis started taking out some gowns na kulay blue. She was able to geto 4 gowns na me iba’t ibang shades ng blue. “This one.” Dinampot ng ina neto ang isang crysta blue gown na concervative cut. Nagningning ang mata ng dalaga pero medyo napasimangot din eto. “Oh ang ganda nga mommy kaso balot na balot ako dyan!” reklamo neto na bahagyang ikinangiti ni Alexis. Piniglan nyang wag tumawa baka magalit eto sa kanya. “Anong gusto mo un labas un likod mo ganun?” “Eh mommy naman, mainit yang gown na yan. Hahanap ako ng iba.” Tumalikod eto inisa isa ang iba pang gown na nilabas nya. Sa huli ay bumalik eto sa gown na hawak ng ina. “Maganda sana to eh kaso kasi me sleeves tapos balot na balot pero ang nice ng color saka un skirt nya, gusto ko sana.” Narinig ni Aexis na sabi neto. Princess cut kasi ang gown, mahaba ang laylayan neto sa dulo at sa tingin nya ang crystal blue gown na eto ay bagay sa complexion ng dalagita. Me naisip sa Alexis kaya nilapitan nya eto. “Sandali – me itataong lang ako kay ma’am Lia.” Paalam nya sa mag ina. Hiniram nya saglit ang gown sa ginang at lumapit kay ma’am Lia. “Ma’am, excuse lang po saglit.” Tawag nya sa pansin neto. Tumingin eto sa kanya. “Ma’am payag po ba kayo na I alter ang design ng mga ready made gowns nyo? Gusto kasi eto nun anak ng customer kaya lang, ayaw nya ng me sleeves?” kinakabahan nyang tanong dito. Tumingin si ma’am Lia sa mag ina na iniisa isa pa rin ang ibang gowns na nakahanger. “Walang problema Alexis, basta ba siguradong bibilhin nila.” napangiti si Alexis at nagpa alam sya kay ma’am Lia na kukuha sya ang sketch pad. Tumango naman. Masaya syang bumalik sa mag ina. “Ma’am, ganto, kung type mo talaga tong gown, pero gusto mo baguhin un upper part, pwede nating gawin. Ano bang gusto mo? Tube?” lumiwanag naman ang mukha ang dalagita pero agad nagsalita ang ina neto. “Hindi pwede ang tube Jade magagalit ang daddy mo!” babala ng ginang. “Ate, un sexy pero sweet pa rin. Saka wag masyadong revealing pero show some skin.” Bulong neto sa kanya na bahagyang kinikilig pa. Ngumiti si Alexis at tiningnan nya si Jade pagkatapos ay nag sketch sya. PAgkatapos ay ipinakta nya eto sa mag ina. In explain nya sa mga eto ang gagawin niyang pagbabago sa gown. Tuwang tuwa naman si Jade at maging ang ina neto ay napapayag sa gagawin nya. “Matatapos mo ba yan? Sa isang linggo na ang birthday nya?” tanong ng ina neto. “Yes ma’am, madali na lang po eto. Two days po.” Kampante nyang sagot dito habang kinukuha nya ang body measurement ni Jade. “Balik po kayo sa isang araw para ifit ni Jade.” Dugtong nya pa. Pagkaalis ng mag ina ay pinakita nya kay ma’am Lia ang babaguhin sa gawa neto. Tumango tango naman eto. After two days ay bumalik nga ang mag ina para isukat ang gown. Tuwang tuwa ang mga eto sa kinalabasan ng gown na binago nya. Bagay na bagay eto sa dalaga. Maging ang ibang customer na nag tatanong pa lang ay napatingin sa gown na suot suot ni Jade. “Naku mabuti na lang at magagaling kayo dito. Hay naku, sakit sa ulo un una namin pinagpagawaan!” kwento ni Mrs Bautista ang mommy ni Jade. Ngumiti si Alexis. Nabanggit kasi ng ginang sa kanya nun una niyang nakausap ang mga eto na hindi nasunod ang gusto nila sa una nilang dress shop na napuntahan kaya naman tila ginahol na sila sa paghahanap ng gown ni Jade. ‘Irerecommend ko kayo sa mga kakilala kong malapit lang dito! Me mga pamankin akong mag dedebut din!” nakangiting sabi neto sa kanya na labis na ikinatuwa ni Alexis. “Alexis! Halika dito!” narining nyang tawag sa kanya ni ma’m Lia.  Agad naman syang lumapit sa amo. “This is Maxine and she’s looking for a wedding gown. Gusto nya magpadesign ng sarili nyang gown. Ikaw na ang papagawin ko.” Nakangiting sabi neto sa kanya. Nagningning naman ang mga mata Alexis at agad syang lumapit ay Maxine. Hindi sya makapaniwala na agad agad syang titiwalaan ni ma’am Lia na ipagdesign ang mga customer neto.   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD