Tahimik na nakaupo lang si Sabina habang pinapakinggang ang instruction ng director ng gagawin nilang tv commercial. Halo halo ang nararamdamn nya. Ewan nya bat ba napapayag siyang maging endorser ng produkto nila kasama ni Ash. Hindi lang naman sila, katulad ng nabuong plano nuon, nagpa audition sila sa mga empleyado na gustong magbahagi ng kwento kung paano nila napapanatiling fit and active ang kanilang lifestyle despite of busy and hectic schedule. Parang ginawa nilang real life scenarios ang promotion ng kanilang canned tuna. On the other hand, she and Ash, would show their usual activities how to stay fit. Para pa tuloy silang magkalove team. She wish they are pero hay na lang sya.
“Ok Miss Sabina, are you ready? Pwesto na po kayo.” Narinig nyang tawag ng isa sa mga crew. Nasa isang private swimming pool resort sila para mag shoot. At kanina pa sya pinagpapawisan dahil first time nya magsuot ng sexing swimsuit. Pinagtalunan pa nila ni Moira ang susuutin nya.
“Sab eto suutin mo!” kulit neto sa kanya. Pilit na inaabot neto sa kanya ang dilaw na swimsuit. Although conservative pa rin ang cut neto, hindi pa rin maiwasan ni Sabina na mailang. Para sa kanya, msyado pa rin etong sexy.
“Moira naman, labas na kaluluwa ko dyan!”
“Ano ka ba Sabina, eto talaga ang dapat suutin mo para makita yang fit mong katawan. Ilabas mo yang flat mong tyan. Dali na!” pangungulit neto. Sa huli napapayag sya neto dahil itinago neto ang dala nyang swimsuit at tinatawag na sila ng make up artist. Nagsuot sya ng pink na robe dahil ayaw nyang maglakad sa labas ng nakabuyangyang ang katawan.
“Ma’am pakitanggal na po robe nyo mag so shoot na po tayo.” Napalingon si Sabina sa crew na kasunod nya. Napangiwi lang sya at pinagpawisan ulit. Sumulyap sya sa gawi ni Ash na nasa kabilang dulo naman. Lihim syang napa wow dito. Kita lang naman ang magandang katawan neto sa suot netong swimming attire. Tahimik lang eto nakatayo dun at tila naiinip na ang itsura.
“Akina yang robe mo Sab.” Nakangising lapit ni Moira sa kanya. Talaga namang nagmistula pang alalay ang mayamang kaibigan. Mula kasi malaman netong mag eendorse sila ni Ash ng product nila, siniguro netong makakasama eto sa pagshoot.
“Go Sab – take it off!” napasimangot naman si Sabina sa narinig. Sino pa ba un kundi ang mapang asar na kaibigan ni Ash na si TJ. Isa pa to, talagang nandito din pa rin makinood sa shooting nila. Inirapan nya eto at tumawa naman eto ng malakas.
Nakayuko sya ng hubarin ang roba. Nanliliit sya kasi sa edad nyang bente otso, never syang nagpakita ng katawan. Kapag nag su swimming sila ni Moira, me patong ang swimsuit nya.
“Ayiiiii.. ang sexy mo talaga friend.” bulong ni Moira bago eto tumalikod bitbit ang roba nya. Napahawak naman sa batok nya si Sabina. Ayaw na nyang tumingin sa paligid para makita reaction ng mga tao dahil alam nyang pula pula na sya.
Napamura sa sarili si Ash ng makita si Sabina. He knows Sabina has a sexy body kahit na lagi lang eto naka corporate attire – oh he remember when Sabina attended their graduation ball, she was wearing an evening gown. Ang sexy kaya nya nuon. Kaya nga nagka award pa eto ng gabing yun. He heard na napa wow ang ilang crew lalo na ang sira ulo nyang kaibigang si TJ. Who would not be? Sabina has a pinkish skin. Hindi eto maputing maputi pero mamula mula ang balat neto. She’s wearing a yellow swimsuit that complemented her skin complexion well. He can feel Sabina is not comfortable. Namumula ang mukha neto at sa malayo nakatingin. And he hates it when he saw other men feasting on her body. Parang gusto tuloy nya ipasuot ulit dito ang robang hinubad neto.
Damn Sabina!
Nakahinga ng maluwag si Sabina ng matapos na ang shooting. Umahon sya agad sa pool at hinagilap ng mata ang kaibigan. Lumapit naman agad si Moira sa kanya at inabot ang roba nya.
“Good job Sab!” bati neto. Napangiwi sya at napanatag ngaun suot na nya ang roba ulit. Pakiramdam nya kasi kanina hubad na din sya kahit me suot pa rin sya.
“Nice one Sab!” lapit din ni TJ sa kanya na abot hanggang batok ang ngisi.
“TJ!” narinig nilang boses ni Ash.
“Good job bro! Eto naman babatiin din kita unahin ko lang si Sabina. Selos ka naman agad!” baling neto sa kaibigan. Nagtawanan ang mga tao sa paligid.
“I won’t do this again Moira!” rant ni Sabina sa kaibigan habang nagbibihis sya. Tapos na sya magshower at agad nagpalit ng damit.
“Hay naku Sabina. If I were you, ipangangalandakan ko yang maganda kong katawan. Ang sexy mo kaya nun ko pa yan sinasabi sayo. Manang ka kasi manamit.”
“Hay naku Moira, ayaw ko lang me nakakakita ng katawan ko no.”
“I know pero it’s ok to show some skin. Gosh you’re twenty eight na.”
“Let’s go na nga gutom na ako.” Aya nya sa kaibigan. Lumabas na sila. Now she’s wearing a dark blue denim shorts na half legs ang haba at sleeveless white top. Inilugay na lang nya ang mamasa masa nyang buhok.
“Meryenda muna tayo bago tayo umalis.” It was Ash. Nakabihis na din eto tulad nya. Casual lang din ang suot neto tulad nila. Sabina felt a little bit disappointed though. Feeling nya hindi man lang natinag si Ash sa itsura nya kanina kahit na halos lahat ata ng lalakeng crew ay napatanga. Wala man lang sya kasing nakitang reaction dito.
Siguro kasi si Alexis lang ang Maganda at sexy sa kanya. Matamlay nyang bulong sa sarili.