“Nagpropose na kaya si Ash kay Alexis?” Nabitin sa ere ang iinumin bottled water ni Sabina ng marinig ang sinabi ng kaibigan. Nasa isang coffee shop silang tatlo nila Kurt at kagagaling lang nila maglaro ng tennis. Ibinaba nya ang hawak na bote. Nasa counter si Kurt at omoorder ng kape nila. “Why?” she asked. “Ang sweet kasi nila sa picture. Magkayakap. Look.” Hindi nagawang iiwas ni Sabina ang mukha ng iharap ni Moira ang hawak netong celphone dahilan para makita nya ang tinitingnan neto. You complete me. Un ang caption sa i********: post ni Alexis at nakatag eto kay Ash. Nakangiting magkayakap ang dalawa sa picture. Aray. Simpleng bulong ng isip at puso ni Sabina. “Iba din tong si Ash si mainlab. Abot hanggang Paris.” Dugtong pa ni Moira. Gusto ng tuktukan ni Sabina ang kaibigan pe

