Chapter 20

942 Words
“Meeting adjourned!” narinig ni Sabinang sabi ni chairman Montes. Katatapos lang ng halos dalawang oras na meeting nila. Halos wala namang pumapasok sa isip nya. Pasalamat na lang sya at ipapadala sa email nila ang minutes ng meeting. Dun na lang nya ulit babasahin. “Sabina, are you not feeling ok?” nakangiting bati sa kanya ni Lennon. Nakabalik na eto ulit from the states at nakisali eto sa meeting nila. “I’m ok. Medyo masakit lang ulo ko.” Sabi nya dito. “Uhum.. baka malunkot ka lang kasi me kulang sa meeting niyo.” Nakangising sagot neto. Napakunot noo sya dito. “Nothing.” nakatawang sagot neto. “Siraulo kasi un eh.” Dugtong pa neto na lalong ipinangunot ng noo ni Sabina. Wala syang idea sa sinasabi neto. “Sabina – isesend ko sayo un information ng budget allocation natin for the next event.” Lapit naman ni Kurt sa kanya na tila kanina pa nag aabang na makausap sya. “Oh thanks Kurt.” Huminto sya sa tapat neto. “So are you free this weekend? Ayain sana kita mag mag tennis ulit. Sama mo si Moira.” “I’ll ask her. Then I will let you know pag pwede kami..hmm?” tinanguan nya eto tumalikod na. Nakita nyang tila hinihintay sya ni Lennon. “Sama ko sa office mo. I would like to see my crush.” Tatawa tawang sabi neto. Tinanguan lang eto ni Sabina. Bahagyang napatagal ang tingin nya sa mukha neto na ikinatawa neto. Malaki talaga pagkakamukha nilang magkapatid. Pwede silang mapagkamalang kambal. Mas seryoso nga lang ang mata ni Ash at army cut eto while Lennon has a longer hair at parang laging nakatawa ang mata neto. “Kamukhang kamukha ko ba?” nakangising tanong neto sa kanya. Kinunutan nya lang eto ng noo. “Oh there.. nakita ko na crush ko. I’ll go Sabina!” kinindatan nya pa si Sabina na wala pa ring reaksyon saka tumalikod. Napailing iling lang si Lennon. Sanay na sya sa ugali ni Sabina na hindi marunong ngumiti. Hindi nya itinuloy ang planong pagdate at panliligaw kay Sabina dahil napansin nyang tila naiinis si Ash everytime na mapag uusapan nila yun. He can also cleary remember ang reaksyon neto nun nag aasaran sila ni TJ nun welcome dinner party nya. Parang gusto nang basagin ni Ash ang beer na hawak neto nun. Nagduda syang me gusto ang kapatid kay Sabina. Mas tumindi ang paghihinala nya dahil sa twing pupunta sya sa building ng kumpanya nila ay laging nakakunot ang noo ni Ash at tinatanong neto anong ginagawa nya dito. Madalas para maasar lalo ang kapatid ay inaaya nya maglunch si Sabina. On the other hand, he also noticed that Sabina has feelings for his brother. Me pagkakataon kasing sinasadyang nyang ikwento si Ash at girlfriend neto kay Sabina at napapansin nyang nababago ang reaksyon ng mukha neto. At kapag nagmemeeting sila ay nakikita nya ang palihim na sulyap ni Sabina sa kapatid dahil inoobserbahan nya ang dalawa. Alam nya ang dahilan ng kapatid bakit pilit netong iniiwasan si Sabina. Me girlfriend eto at alam nyang hindi si Sabina ang ideal woman neto. Alam nyang ayaw ng kapatid sa career woman. Nagtataka lang sya bat biglang lumipad papuntang Paris ang kapatid. Nakausap nya pa eto bago sya umuwi ng Pilipinas at ang sabi neto ay next month pa eto pupuntang Paris para dalawin ang girlfriend. Kahapon lang eto umalis papuntang Paris kaya wala eto sa meeting kanina at pansin nya ang sobrang pananamlay ni Sabina. Sabina silenty cried inside her office. Hindi nya alam na pumunta ng Paris si Ash. Kanina lang during meeting na napansin nyang wala eto at sinabi ni chairman Montes na lumipad nga daw eto papuntang Paris. Biglaan naman. Sa tingin nya ay naguilty na naman eto kaya sinundan ang girlfriend sa Paris. Naguilty eto dahil me nangyari sa kanila sa resort. At kaya siguro eto umalis ay para makabawi sa girlfriend. Ngayon sya mas lalong nakaramdam ng inggit kay Alexis dahil sa pagmamahal ni Ash para dito. Naalala nya pang nagalit eto matapos me mangyari sa kanila. Nagpanggap syang nakatulog pero ang totoo ay gising sya kaya narinig nya ang mga sinabi neto. “Shit.. s**t! This is insane! I cheated on Alexis!” dinig nyang pagmumura neto habang nagbibihis. Pagkabihis neto ay padabog etong lumabas ng kwarto. Kinabukasan ay kinausap sya neto habang busy ang lahat sa pagprepare pabalik ng Manila. Pilit nya etong iniiwasan dahil hindi nya alam ang sasabihin pero kinorner sya neto sa kwarto nya. Naalala nya pa ang pag uusap nila. “Sabina – about last night - .. “It was my fault. I was, I was drunk.. I got carried away.” putol nya dito. “But Sabina.. I – I was your first.. I mean, hindi ka naman ang tipo ng babae na nakikipag one night stand..” “Let’s consider it then. People commit mistake. I was drunk. Hindi ko alam ginagawa ko. I mean, you know sometimes we get crazy. I don’t want to talk about this anymore. Let’s just move on.” Nakita nya ang gulat sa mukha neto at tila hindi eto makapaniwala sa sinabi nya. “Seriously?” “Alam ko it was wrong lalo na .. lalo na sa nangyari, niloko natin si Alexis. But let’s not make things complicated ok? Let’s just move on.” Nakatitig sya dito habang sinasabi ang mga un at kita nya ang pagpikit ng mata neto ng mabanggit nya ang pangalan ni Alexis. Bumuntong hininga si Sabina. Siguro eto na un end ng paghihintay nya kay Ash. Hindi na nya kayang pasukin ang puso neto dahil si Alexis na ang laman nun. Maybe she needs to finally give up. Pagod na din naman sya maghintay. Siguro tama si Moira. Pansinin nya ang mga tao sa paligid nya. How about Kurt? Gwapo si Kurt, masayahin at matalino. Baka mag work sila. Yeah si Kurt. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD