Ash excused himself after the game at dumeretso sya saglit sa kwarto nya. He needed some break after the game. Masyado ata syang naapektuhan ng pagkakadikit nila ni Sabina. Goodness, why it felt so good hugging and smelling her. He never felt this way with Alexis. Yes, he loves Alexis. Pero iba pag niyayakap nya eto. With Sabina, he seems to forget the world. And it was too hard for him to let her go.
Inis na humiga sya sa kama at pinilit isiksik sa isip ang girlfriend. Hindi nya maatim na saktan eto. Nagkakaganto lang siguro sya dahil wala ang girlfriend kaya nababaling sa iba ang atensyon nya. Pero ganun nga ba? Hindi ba dati pa naman nyang napapansin si Sabina. Binabalewala nya lang eto dahil sa napakalamig na pagkatao neto.
Nag stay ng ilang oras sa kwarto nya si Ash at gabi na ng lumabas siya. Overnight ang stay nila sa resort. Lumabas lang sya para kumain ng hapunan. Naabutan nyang nag night siswimming na ang karamihan ng mga empleyado at me nag set pa ng bonfire. Ang iba naman ay nag iinuman na.
Paglabas nya ay nakita nya si Sabina na kausap si Kurt Lianson ang head ng kanilang Accounting department. Nagpasabi eto na hahabol na lang sa event dahil aattend daw eto ng family gatherings. Hindi lingid sa kanya ang pagiging malapit neto kay Sabina. Naglakad sya palapit sa mga eto.
“Mr President..” bungad neto sa kanya. Lumingon si Sabina at bumati din sa kanya.
“Kadarating mo lang?” kaswal nyang tanong dito.
“An hour ago.” Sagot neto. Tumango sya at tumingin sya kay Sabina. Nagpaalam sya sa mga eto at lumapit sa grupo ng mga nag iinuman sa tabi ng bonfire. Inalok sya ng beer ng mga eto at tinanggap nya. Sa gilid ng kanyang mata ay nakita nyang sumunod sa kanya si Sabina at Kurt at nakiupo din sa tabi ng bonfire.
“Beer Sabina?” alok ni Kurt kay Sabina. Tumango naman si Sabina. Hindi naman talaga sya umiinum but perhaps she can have one bottle for tonight.
Matamang nakikinig lang si Sabina sa pinag uusapan ng mga kasama nya sa bonfire. Naririnig nyang nagtatanong ang ibang empleyado kay Kurt at Ash ng kung anu ano. She guess na sinasamantala ng mga eto ang okasyon dahil pagbalik sa opisina ay me wall na naman nakapagitan sa mga eto at sa mga heads ng kompanya. Hindi nya masisi ang ibang babaeng empleyado na kiligin dahil parehas namang gwapo si Kurt at Ash pero syempre para sa kanya, si Ash ang lamang.
“Games tayo – truth or dare..” tili ni Gummy. Syempre si Gummy lang naman ang nakakaisip ng kung ano ano. Masayang sumang ayon ang mga kasamahan nila. Mabilis na kumuha eto ng boteng wala ng laman.
“Ok pag tumapat sa inyo – either you tell us the truth about our questions or do the consequence/dare. Basic. Alam na natin eto pare parehas kaya umpisahan na natin!” kuda neto kaya nagtawananan sila.
Sa ilang beses na pagpapaikot ni Gummy ay iba iba ang ginawa ng mga natapatang ng bote. Me nag truth, me pumili ng consequences. Pati si Sabina na pangiti ngiti lang ay lihim na natatawa sa mga eto pero napapangiwi sya sa mga tanong ni Gummy. Masyado talagang brutal tong subordinate nya na eto. Pero biglang naghiyawan ng matapat kay Ash ang bote.
“So Mr President, is it a truth or dare?” kumekendeng pa si Gummy habang nagtatanong.
“Truth.”
“Alright! Naku kinakabahan ako baka mawalan ako trabaho neto. Guys sino gusto magtanong?” inikot ni Gummy ang tingin sa kanila. Pero mukhang walang gustong magtanong.
“Ok ako na nga lang! Mr President – aside from Alexis, meron ka bang TOTGA? Or the the one that got away?”
Sabina look at Ash. She waited for him to answer. Nakita nya bahagya etong napakamot sa ulo. She knows ang mga naging ex ni Ash. When they were in college, me dalawa etong naging girlfriend. Then before Alexis , alam nyang me isa pa etong naging girlfriend.
“Well, ahm yes meron. But she was not my ex. Hindi ko sya naging girlfriend.” Bahagyang napakunot ang noo ni Sabina. Talaga. Me ganun pa pala to! She heard the oohs from them.
“Wow! Ok next na!” muling pinaikot neto ang bote at nagsigawan ang mga eto ng sa kanya tumapat ang bote. Napangiwi sya. Ayaw nya mag truth dahil baka kung anu ano ang itanong neto. Kaya ng tanungin sya neto ay nagdare sya.
“Ay ibah talaga si madam. Walang takot! Ok – dare is to drink this one bottle of beer - straight!” nakangising abot neto sa kanya. Siraulo talaga tong si Gummy sa isip nya. Naubos na nya ang isang boteng beer na inabot ni Kurt kanina. Tinanggap nya eto at tinungga. Muntik na nyang maibuga eto dahil sadyang hindi nya gusto ang lasa.
“Easy –“ tinapik sya sa likod ni Kurt.
Kahit nagkakandangiwi ay inubos nya ang natitirang laman neto. Pakiramdam nya ay nag init bigla pakiramdam nya after maubos ang isang buong bote. Pangawalang bote na rin naman nya iyon. Muling pinaikot ni Gummy ang bote at sa kasamaang palad ay sa kanya ulit tumapat. She chose dare again. At ewan nya if sinasadya ba ni Gummy pero pinainum sya ulit neto ng isang boteng beer. After maubos ay nakaramdam na sya ng hilo. Nagpalipas sya ng ilang minuto but she started to feel like vomiting. Dahil nahihiya sa mga subordinates ay nagpaalam na sya sa mga eto. Nagprisinta si Kurt na ihatid na sya sa kwarto nya pero bigla etong nakatanggap ng phone call kaya tinanguan nya eto at tumalikod.
Malapit lapit na sya sa villa kung san ang kwarto nya ng me humawak sa kanya. Nilingon nya eto at nakita nya si Ash.
“Ash?”
“You’re drunk. Hindi ka naman kasi sanay uminum bat kasi pumayag kang inumin un bigay ni Gummy.” Inis na sabi neto sa kanya. Dahil siguro nakainum ay tinapik nya eto.
“I’m ok! Kaya ko sarili ko.” Pero pagkasabi nun ay gumewang sya.
“Tssss. Lika na!” sabi neto at walang sabi sabing binuhat sya.
“Ba-baba mo akoh!” sigaw nya dito.
“Wag matigas ulo mo!” inis na sabi neto sa kanya. Dineretso sya neto sa kwarto nya at marahan syang ibinaba sa kama.
“Do you want coffee?” tanong neto sa kanya. Umiling lang sya at dumapa sa kama. She felt again the urge to throw up. Pasuray suray syang pumasok sa banyo at nagsuka. Sinundan naman sya neto.
“Next time don’t get drunk. Hindi ka naman kasi sanay uminum!” litanya neto sa kanya habang hinihimas ang likod nya. Hindi sya makapagsalita dahil sunud sunod ang suka nya hanggang sa halos wala na syang maisuka. Nasukahan na nya pati sarili. Umiiyak na din sya sa hirap at sinumpa ang alak at nangakong hinding hindi na talaga nya to gagawin.
“Take a shower.” Narinig nya ulit na sabi ni Ash. Binuksan neto ang shower at itinapat sya dun. Dahil lasing, antok at pagod ay wala na syang pakialam. Nakapikit lang sya habang bumubuhos ang tubig sa katawan nya at nakasandal sya sa dingding ng banyo.
“Sabina!” gigil na tawag ni Ash sa kanya. Napalunok si Ash dahil kanina pa sya apektado kay Sabina mula ng binuhat nya eto. Hindi lang nya eto maiwan dahil sa pagsusuka neto. Sabina’s wearing a white shirt and white shorts at dahil basa na eto, bumakat na ang katawan neto sa suot nya.
Shit. I’m in danger.
Pinilit na iminulat ni Sabina ang mata at sa nanlalabong tingin ay nakita nya si Ash na nakatayo sa harap nya. Pinilit nyang tumayo and when Ash saw her trying to stand up, nilapitan sya neto at tinulungan.
“Come.. “ pinikit na lang ni Ash ang mata para hindi makita ang katawan ni Sabina. He’s already burning. Kumapit sa leeg nya si Sabina. Binuhat nya eto palabas ng banyo.
“Ash Rain..” bulong ni Sabina.
“Hmmm?” hindi nakatingin na sagot ni Ash.
“Do you want to kiss me?” namumungay ang matang tanong ni Sabina.
“You’re drunk Sabina!” galit nyang sagot dito.
Pero dahil sa pinagsamang espiritu ng alak at lihim na pagmamahal ni Sabina kay Ash, lakas loob nyang hinila ang ulo ni Ash at hinalikan eto. Ash was surprised by Sabina’s boldness. Pinilit nyang labanan ang sarili dahil alam nyang lasing si Sabina but..