Chapter 18

1080 Words
“Thank you and enjoy!” nakangiting sabi ni Ash sa mga empleyado nilang kasama sa thank you party nila. Mataas ang naging sales ng kanilang bagong produkto at bilang pasasalamat sa lahat ng nasa likod ng successful promotion and launch neto, nagpa outing ang company nila. Nasa isang resort sila ngaun sa Batangas. Invited din ang ibang mga VIPs sa kumpanya para sa outing na eto. Masayang naghiyawan naman ang mga empleyado nila. Ang huling sinabi ni Ash ay hudyat para mag umpisa na ang kainan nila. Excited ang lahat dahil masasarap na putahe ang nakahain at libre silang makakaikot sa buong resort. “Ma’am Sabina kain na po.” Nakangiting alok ni Lyka kay Sabina. Ngumiti naman si Sabina sa secretary nya. Napaka cute talaga ni Lyka kaya hindi na sya nagtataka na nagka crush si Lennon dito. Sayang lang at wala si Lennon dahil bumalik eto sa states. Pero sabi neto ay babalik din daw eto agad. “Thank you. Kumain ka na rin.” Sagot nya dito. Lumakad sya papunta sa buffet table at kumuha ng mga pagkaing gusto nya. Pagkatapos ay bumalik sya table kung san sila magkatabing nakaupo ni Sabina. Hindi pa eto nag uumpisang kumain. Parang hinihintay sya. “Bat hindi ka pa kumakain?” tanong nya dito. “Hinihintay ko po kayo.” Sagot neto. Napangiti naman si Sabina. Magdadalawang taon na din nyang secretary si Lyka. Mula ng makuha nya ang posisyn bilang head ng Sales and Marketing Department, eto na ang secretary nya. She’s 23 or 24 year old. Mabait eto, masunurin, mahusay magtrabaho at  me cute na mukha. Tahimik silang kumain neto. Tulad nya ay mukhang mas prefer neto ang table sa sulok. Well she’s always like that. Sa mga events and parties na pinupuntahan nila ay madalas nasa sulok sya. She hates crowd. She’s not a fan of parties. “Join them Lyka.” Baling nya sa secretary nya. Sa unahan ay nag uumpisa na ang mini program. Me pagames kasi habang kumakain sila. Nagkakagulo na ang mga empleyadong sumali sa games. Exciting naman kasi ang mga prizes nila. “Naku ma’am dito na lang ako. Picture picture na lang po. Pampost sa f*******: at Instagram.” Sagot neto na tila kinikilig pa. Tipid lang sya ngumiti dito. Wala talaga syang hilig sa socmed. “Next game na tayo!” umalingawngaw ang boses ni Gummy. Sya ang tumayong host sa mini program nila. “Masaya to.. Paper dance!” “Oh yung magkakalove team dyan.. Sali na..” it was Monette. Eto naman ang katandem ni Gummy sa paghohost. “Dali na.. Migs, Shye.. common, Andrea and Tom, Kaye and Eric.. “ iniisa isa ni Gummy ang mga binansagan netong love team. Ang iba ay kilala ni Sabina dahil galing sa department nya ang mga eto. Ang iba ay hindi. Nasa anim na pares din ang pumunta sa harapan. “Naku ha.. mas masaya siguro kung kasali dito ang ating dalawang brand ambassadors! Who wants to see President Ash and Vice President Sabina play with us?” umugong ang palakpakan at sigawan dahil sa tanong ni Monette. “Oh ayan.. Sir Ash, Ma’am Sabina.. Sali daw po kayo!” sabay na sabi ni Gummy at Monette. Pati ang iba pang senior leaders na umattend sa party ay tila nakiki udyok na din para pumunta sila sa harapan. Pinagpawisan naman ng malapot si Sabina. Gosh! Paper dance eto. Napakalake ng chance na magkadikit sila ni Ash. Makakaya nya ba? Kumaway sya sa mga eto as a sign na ayaw nya. She did not even smile para iparating sa mga eto na wala sa trip nya ang gusto ng mga eto. Pero nanlamig sya when she saw Ash walked towards her direction. Lumapit nga eto sa kanya. “Com’on Sab.” Aya neto sa kanya at iniabot pa ang kamay sa kanya. Wala na syang nagawa kundi sumunod dito at lalong lumakas ang kantyawan sa paligid. Napaisip sya kung nakalimutan na ba ng mga eto na me girlfriend si Ash. “Go ma’am Sabina!” it was Lyka na kilig na kilig pa ata. “Ano ba Ash – hindi ako marunong sumayaw!” angil nya dito ng nasa harapan na sila. She forgot to call her Mr President sa sobrang kaba nya. “Pagbigyan na natin sila. Katuwaan lang naman to.” Balewalang sagot neto. Matapos maayos ang pwesto nila ay nag umpisa na ang games malakas na hiyawan everytime me natatanggal na magkapartner. “Ok – three more partners left!” It was Gummy again. Napatingin sya sa papel at maliit na eto. Kelangan na talagang magkadikit sila ni Ash. “Hold me tight Sabina once the music stop.” bulong ni Ash sa kanya. Seryoso? Ano to gusto ni Ash gang dulo kasali sila? The music stopped and Ash grabbed her. Naghiwayan ang mga nasa paligid. After ng ilang counts tila walang na out sa kanila kaya one again tiniklop ang papel. This time, isang paa na lang ang kakasya. Napangiwi sya. “Patong mo paa mo sa akin ok?” “What?” “Just do what I say!” The music stopped again at muli syang hinila ni Ash. He hugged her so tight this time at nanigas ang buong katawan nya. Masyado na silang close sabagay kanina pa. Narinig nyang naghiwayan dahil me natumba na ata at ewan nya sino. “Oh bitaw na at tiklop ulit!” it was Gummy again. Mas lalong lumiit ang papel. At dalawang pares na lang sila. Tumingala sya kay Ash at nakita nyang nakatingin din pala eto sa kanya. Napalunok sya at nag iwas ng tingin. Lord.. tulungan mo ako. Pipi nyang dasal. Muli, nag stop ang music at hindi alam ni Sabina paano pa sya tutuntong sa paa ni Ash dahil need na neto tuminkayad para mag kasya ang paa neto. But she was surprised when Ash grabbed and lifted her. “My goodness! What are you doing?” gigil nyang sabi neto. “Eh di kinakarga kita..” sagot neto. “Put me down!” “Sayang yung prize!” sagot neto. Naghiyawan ang mga nasa paligid nila ng mag umpisa ng magbilang si Gummy at Monette. “Out! Migs and Shye out! We have a winner! Boss Ash and Boss Sab!” tili ni Gummy. Marahan syang ibinaba ni Ash. Malakas na sigawan at kantyawan naman ang nangyari pagkatapos! Iniabot sa kanila ni Monette ang naka wrap na prize nila. “Thank you for being sport and for joining boss Ash boss Sab..” tuwang tuwa sabi ni Gummy. Tipid nyang nginitian ang mga eto at naglakad na sya pabalik sa upuan nila ni Lyka nakangiti ng maluwang sa kanya. Pakiramdam ni Sabina ay lalabas na ang puso nya sa lakas ng kalabog neto. Ganun pala ang pakiramdam ng mayakap ng taong mahal mo. Parang huminto ang ikot ng mundo nya at hiniling nya sana wag matapos ang oras na yun, pero sabi nga nila. Walang ganun, mars.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD