“Sigurado ka na ba dyan, Alexis?” seryosong tanong ng kaibigan nyang si Bettina matapos nya sabihin ditong plano nyang magresign oras na matanggap sya sa inaaplayng trabaho. Nag apply sya sa isang local manufacturer ng mga damit bilang designer. Nagsend na sya ng resume online at mga sample ng drawing nya at picture ng finish product nya.
“Oo naman Bettina. Alam mo naman di ba? Matagal ko na tong pangarap.”
“Ok. Nagpaalam ka na ba sa boyfriend mo?”
“Hindi ko pa nasasabi. Saka na, kapag, kapag natanggap na ako at magreresign na ako.”
“Sige ikaw bahala. Maiintindihan ka naman nun for sure.”
Ngumiti lang si Alexis. Mas kabado sya sa magiging resulta ng application kesa sa magiging reaction ng boyfriend. Malaking kumpanya din naman ang Elegant Wears. Kaya hindi sya sigurado kung tatanggapin sya kasi wala naman syang legit na experience at hindi fashion designing ang tinapos nya.
Two days after magsend ng application ni Alexis ay nakatanggap sya ng email na nagsasabing rejected ang application nya. Masama ang loob na umuwi si Alexis mula trabaho. Hindi sila nagkita ng boyfriend dahil me kelangan daw etong puntahan kasama ang ama. Dahil sa sama ng loob ay naisipan na lang nya maglakad pauwi sa apartment nila mula sa kantong binabaan. Me terminal ng tricycle papasok sa kanila pero naisipan nyang maglakad ng lang para malibang. Mga nasa dalawampung minuto lang naman ang lalakarin nya. Masakit ang loob nya at pilit nyang inaalo ang sarili. Palingon lingon sya sa paligid para maibaling sa iba ang iniisip. Hindi pa sya nalalayo mula sa kantong binabaan ng matawag ng pansin nya ang isang shop na me mga nakadisplay na iba’t ibang gowns. Lumapit sya dito.
Magaganda ang mga sample display na tanaw mula sa labas ng shop dahil salamin ang dingding neto. Parang ngaun lang nya napansin ang shop kaya iniisip nya marahil bagong bukas lang eto. Bumukas ang pinto at lumabas ang isang me edad na babae kasama ang isang babaeng sa tingin nya ay kaedad nya lang din. Saka nya napag tuunan ng pansin ang nakapaskil sa pinto ng shop.
WANTED SHOP ASSISTANT
Hindi malaman ni Alexis pero dumeretso sya sa loob para magtanong tunkol sa job post. Tinanong nya ang babaeng nakaupo sa harap. Pinaghintay sya neto saglit at pumasok eto sa isang pintuan sa tingin nya opisina un. Iginala nya ang tingin sa loob ng shop. Katamtaman lang ang lake neto pero maayos na nakadisplay ang mga iba’t ibang gowns, dresses at meron ding barong at mga suit. Mamaya pa ay tinawag sya ng babae at pinapasok din sya neto sa opisinang pinasukan neto.
‘Mag apply ka?” malumanay na tanong sa kanya ng naabutan nyang tao sa loob ng shop. Sa tingin nya ay nasa sixty na ang edad neto. At base sa tono ng pananalita neto ay alam ni Alexis na isa etong transgender.
“Ah actually mag iinquire po sana ako anong requirements. Wala kasing nakalagay. Baka po pwede ako.” Nakangiti nyang sagot dito.
“Marunong ka bang magtahi? Magsulsi? Marunong ka ba gumamit ng medida o kaya magsukat ng katawan ng tao?” Tanong neto ulit sa kanya.
“Ay opo. Mahilig po ako manahi. Kahit tahing kamay. Marunong din po ako gumamit ng makina. Actually po, kahit magdesign ng gowns, marunong ako.” Nakangiti nyang sagot dito.
“Talaga? Nag aral ka ba ng fashion designing?”
“Ahm, ano lang po, un crash course. Then nag online study po ako. Ini offer po ng isang fashion school sa New York 2 years ago. Bale 2 months po un. Experience po, actually, yung ako lang po nag dedesign ng mga sinusuot kong gowns or dress kapag me inaattendan akong party. Pati po un bestfriend ko, ginagawan ko din.” Nakangiti nyang sabi dito.
“Interesting.” Nakangiting sabi neto sa kanya.”Sige nga magdrawing ka dito. Kunwari eh aattend ka ng birthday party ng isang senador. It’s going to be a formal dinner party. Design your own gown.” inabutan sya neto ng isang sketch pad.
Saglit na nag isip si Sabina at pagkatapos ay gumuhit sya. Pinagmasdan naman sya neto habang nag e sketch sya. After ilang minuto ay iniabot nya dito ang natapos nyang I sketch. Tumango tango eto sa kanya.
“May talent ka nga iha.” Nakangiti netong sabi sa kanya. “Kung talagang interesado ka ay gusto din kita. By the way, my real name is Rogelio Santos – pero I go by Lia Santos ok? You can call me ma’am Lia.”
“Tanggap na po ako?”
“Ops,hindi pa iha. Kelangan mo muna mag present sakin ng mga documents, like NBI and police clearance. Maganda ka iha, hindi ka mukhang masama ang loob at me talent ka,pero gusto kong makasiguro.” nakatawang sagot neto. Tumawa lang din si Alexis. Me iniabot eto sa kanyang papel. Listahan ng mga gusto netong isubmit nya dito.
Masayang lumabas si Alexis. Parang bulang nawala ang sama ng loob na nararamdaman nya. Nilingon nya pa ulit ang shop bago sya naglakad pauwi. Pakiramdam nya dito mag uumpisa ang unti unti nyang pag abot sa pangarap nya.
Nang binalita nya sa kaibigan ang resulta ng application nya sa Elegant wares ay sinabi netong marahil ay hindi pa sya dapat umalis sa Viltes Corporation. Sumang ayon na lang sya dito. Hindi nya kwinento ang pag aapply nya sa isang shop na malapit lang sa kanilang apartment dahil paniguradong mayayanig ang mundo neto. Pero desidido na sya. Ok lang kahit isang maliit na shop ang papasukan nya ang importante magawa nya ang matagal nya ng pangarap.