Agad ding pumasok sa loob si Alexis at naabutan nya ang dalawang kaibigan na nanunuod ng tv sa sala. Saglit lang sya nakipagbatian sa mga eto at dumeretso na sya sa kwarto nila pagkatapos ay nagshower sya at nagbihis. Nauna na syang humiga sa dalawa dahil mukhang nag eenjoy pa ang mga eto sa pinapanuod. Isa lang ang kwarto sa apartment nila kaya sama sama silang tatlong magkakaibigan sa kwarto. Double deck ang higaan nila, mas malapad ang baba, kasya ang dalawang tao at sa taas naman ay pang isahan. Sa baba sya natutulog katabi si Bettina at sa taas si Marga.
Pagkahiga ay hindi maiwasan ni Alexis na maalala ang nangyari sa mga nagdaang araw. Ang mga palpak nyang trabaho at ang class reunion ng boyfriend. Nang isinama sya ng boyfriend sa class reunion neto at marinig ang usapan ng mga kaklase at kaibigan ng boyfriend, tila nanliit sya. Mas nakita nya na ang layo ng estado nya sa boyfriend. Napakasuccessful neto maging ng mga kaibigan neto. Hindi na sya magtatakang mayayaman ang mga eto, me kanya kanyang negosyo at nararating ang mga pangarap.
Hindi naman masasabing mahirap ang pamilya nya. Me kaya din naman sila, hindi nga lang kasing yaman nila Ash. Dating municipal accountant sa bayan nila sa Tarlac ang papa nya at ang mama naman nya ay dating principal. Tatlo silang magkakapatid at sya ang bunso kaya spoiled sya sa magulang. Ang kuya Ramil nya ay dentist at ang ate Divine nya ay civil engineer naman. Me kanya kanya na pamilya ang mga kapatid. Matanda ng walong taon ate Divine nya sa kanya. Hindi na nga daw ini expect ng mama nya na magbubuntis pa eto sa kanya. Forty two na ang mama nya ng ipanganak sya.
Dahil sa pagiging bunso at spoiled, aminado syang lumaking malambot. Lahat kasi ay ibinibigay ng magulang at mga kapatid. Kaya naman hindi rin sya masyadong masigasig sa buhay nun. Katwiran nya, anuman magustuhan nya makukuha nya. Pero dahil dun, tila nawalan sya ng sariling desisyon sa buhay at hindi nya agad nalaman ano ba talaga ang gusto nya. Kumuha sya ng kursong accounting tulad ng sa papa nya dahil akala nya ay gusto nya ding maging accountant. Pero nun nasa second year college na sya, nun nya lang nalaman na fashion designing pala ang gusto nya. Bata pa lang naman sya ay mahilig na sya mag damit ng magaganda. Madalas pa nga nun ay sinisira nya ang damit nya kahit bago tapos ay e stylan nya o kaya ay babaguhin nya. Sya rin mismo ang nagtatahi. Ang alam lang nya nun ay fashionista sya kaya mahilig sya mag mix and match, mag tahi tahi ng damit. Hindi nya pa nafigure out agad na fashion designing pala ang gusto nya. Naalala nya, nun nag js prom sila sya mismo ang nagdesign ng gown nya. Me ipinabago lang ang mama nya dahl kitang kita ang likod nya sa design. Natuwa pa nga ang mananahi sa design nya at nagpaalam eto na gayahin ang gawa nya. At nun college sya, sya din nag design ng gown nya para sa acquaintance ball nila, maging ng gown ni Bettina. Classmates sila ni Bettina nun. Hanggang nun mag second year college sila, na invite silang magkakaklase sa debut ng isa pa nilang classmates, sya ulit nagdesign ng gown nila ni Bettina at dun nya unti unting narealized na eto ang gusto nya.
Nagpaalaam sya sa magulang na magshishift ng course pero kelangan nyang lumuwas ng Manila dahil wala namang fashion design na course sa school nila. Agad na tumanggi ang ama at ina. Kung anu ano ang sinabi ng mga eto, kesyo mahihirapan syang mag isa dahil wala syang alam na gawaing bahay maliban sa pagluluto dahil hilig din nya un. Sayang din daw ang taon. Second year college na din naman sya at dalawang taon na lang ay graduate na sya sa college. Kahit masama ang loob ay wala syang nagawa. Pagkagraduate ay agad sya ng reiew for board. Nagpalipat ng trabaho ang ate Divine nya para me maksama sya sa boarding house habang nag rereview. Sadly, she failed the first time. Umiyak sya nun pero kinonvince sya ng ate Divine nya na magreview ulit. Pasalamat na lang din sya at naipasa na nya ang second take for cpa board. Naghanda ang mga magulang nya sa pagkakapasa nya. Masaya naman sya pero hindi buo ang kaligayahan nya. Gusto nya pa rin maging fashion designer.
Sa isang banko sa bayan nila sya unang nagtrabaho pero walong buwan lang sya dun. Finally ay napapayag nya ang magulang na sa Manila na sya magwork. Me opening na junior auditor sa kumpanyang pinagta t trabahuhan nun ni Bettina at natanggap naman sya. Bettina and her decided to live together para daw mas makatipid sa renta at may mas privacy kompara kung magboarding house sila. Sumama din sa kanila ang pinsan naman netong si Marga HR officer sa isang bpo company. Mas matanda eto ng dalawang taon sa kanila.
While working, nag aral sya ng fashion designing sa mga online tutorials at nag enrol din sya sa isang school na nag ooffer ng mga crash courses for fashion designing. Inilihim nya eto sa magulang. Kapag me paty sa dati niyang work ay nag ooffer sya sa mga kawork na igawa ng design ang mga eto para mapraktis nya ang pinag aralan. Pagkatapos ay, pinipicturan nya ang mga pinatahing gown ng mga eto. Masayang masaya na sya sa twing makikita nya ang gawa. Kahit walang bayad.
After two years ay magkasunod silang nagresign ni Bettina sa kompanya. Sa isang sikat na fastfood chain corporation natanggap si Bettina while she was accepted in Viltes Corporation un nga lang hndi sa accounting department sya napunta. When she applied, she was rejected to be part of the audit team dahil sa years of experience tapos hindi pa ganun kalaking kumpanya ang pinanggalingan nya. But she was offered a job sa Marketing department. She accepted it dahil mas Malaki pa rin ang sahod na offer. Besides she was told by hiring officer na pwede sya mag apply or magpalipat sa accounting department kung me internal hiring.
Syempre sa kompanya sila nagkakilala ng kasintahan. Gusto nyang itago ang relasyon nila o kaya magresign na lang dahil alam nyang pag uusapan sila, pero ayaw neto pumayag. Papayag daw etong magresign siya kung magpapakasal na sila at sa bahay na sya para maging full time mom. Excited sya dito pero me pumipigil sa kanya at alam nya yun. Ang pangarap nya. Gusto nya pang me marating. Gusto nya ding me mapatunayan sya sa sarili at sa ibang tao.
There was one thing she is starting to realize. She’s wasting her life in a job that she doesn’t really like that’s why madalas sya magkamali. Sa ibang pagkakataon ay napagtatakpan sya ng immediate superior nya at alam nyang takot lang sya pagalitan neto dahil boyfriend nya ang big boss. Pero hindi sya nakaligtas ng mismong si ma’am Sabina nila ang naka alam sa pagkakamali nya. Ang totoo, bagamat sumama ang loob nya nun una, humanga sya dito dahil walang takot etong pinagalitan sya. Naisip nya, Sabina has the guts to do it because she knows her worth. Alam netong kahit pagalitan sya, hindi eto basta basta makakanti ni Asht dahil isa etong asset ng kumpanya. Besides, Sabina just did the right thing.
She wanted to be like them. Un magagawa ang gusto. Un masusund ang totoong pangarap. Tumayo si Alexis at binuksan ang kanyang drawer. Kinuha nya ang isang folder kung san nakalagay ang lahat ng design na nagwa nya. Niyakap nya eto and she smiled.