Chapter 4

1161 Words
Matapos ipark ang kotse ay matamang sinuri ni Sabina ang sarili. Tiningnan nya muli ang sarili sa salamin to make sure hindi makapal ang make up at lipstick nya. Chineck nya din ang suot na damit at sapatos. Nang masiyahan ay inabot ang paper bag na naglalaman ng regalo nya para kay Eula at ang kanyang bag. Pagkatapos ay lumabas na sya ng kotse. Sa hotel ang venue ng birthday ni Eula s***h reunion nilang magkakaklase. Dumeretso na sya sa loob ng hotel at umakyat sa floor kung nasaan ang private room na nirentahan nila para sa mini reunion. “Sabina! I’m glad you came!” nakangiting salubong ni Eula sa kanya. There are already ten other people inside. Bagamat halos hindi na nya nakikita ang mga eto ay nakilala nya pa rin ang mga eto. Her classmates are with their respective partners in life. She wonders who among them are already married except those na mga nabalitaan nyang nagpakasal. “Happy birthday.” Ganting bati nya dito at iniabot ang ang kanyang regalo. “Thank you. Dito ka na muna makipag chikahan kina Leziel.” Iginiya sya neto sa mesa ng iba pa nilang dating kaklase. “Hey Sab.. long time no see.” Salubong naman agad sa kanya ni Willy. Isa si Willy sa pinakamakulit nyang classmate nun. “Oo nga long time no see.” Ganti nyang bati dito. Umupo sya sa tabi ng mga eto at nakipag kamustahan. She wasn’t that close to any of her classmates before. Iba kasi sya sa mga eto. Puro anak ng mayaman o hindi man, nakaka angat sa buhay ang mga eto. Hindi tulad nya nun na mula sa isang mahirap at broken family.  Tanging kay Moira lang sya napalapit nuon. Maya maya pa ay unti unti ng nagsidatingan ang iba pa nilang kaklase kaya napuno ng kamustahan at tawanan ang buong kwarto. Paminsan minsan kasi ay nauunkat ang mga nakakatawa nilang kwento nun nag aaral pa sila. “Ash! TJ! Mabuti naman dumating kayo bago mag umpisa ang party!” narinig nya ulit ang boses ni Eula. Pasimple syang lumingon sa bandang pintuan at nakita nyang nakatayo dun si Ash at kasama neto si Alexis. Wala namang kasama si TJ. “Sab how are you?” nakangisi netong tanong sa kanya. Inirapan nya naman eto at tumawa eto ng malakas. “Ang sungit mo talaga.” Sabi neto. “Inaasar mo na naman si Sabina kaya ka binasted eh.” Sabad ni Anthony. Isa naman si Anthony sa tahimik nyang kaklase nun pero alam nyang marami din etong kalokohan. Tatahi tahimik lang eto. Malakas na nagtawanan ang iba pa nilang dating kaklase. Totoo naman un, niligawan sya ni TJ nuong nag aaral sila pero hindi  nya eto pinansin dahil alam nyang pinag t tripan lang sya neto. Umasim naman ang mukha ni TJ. “Sira ulo ka!” asik neto kay Anthony. “Sabina..” napalingon naman si Sabina ng maramdamang me umakbay sa kanya. It was Moira. Ngumiti sya dito. Humila eto ng isang upuan at tumabi din eto sa kanya. “Hay si daddy kasi kung anu ano pa pinagawa sakin kaya hindi ako agad nakaalis.” Nakasimangot na sabi neto. Moira’s family owns a supermarket chain at sya ang katuwang ng ama neto sa pagtatakbo ng kanilang negosyo. “Ok lang maaga pa, hindi pa nag uumpisa.” Sagot nya dito. “Hindi mo kasama si Lion?” Lion is her boyfriend. “Me lakad.” Simpleng sagot neto. “Hi guys.. namiss ko kayo grabeee!” baling neto sa mga kaharap nila. Mamaya pa ay nagsidatingan na ang iba pa nilang classmates at halos karamihan ay me kasamang kundi man boyfriend o girlfriend ay fiancée o kaya naman ay asawa. Kanya kanyang pakilala ang mga eto sa mga kasama nila. And he heard Ash introduced Alexis to all of them. “So when are you gonna tie the knot Ash?” mataas ang boses na tanong ng buntis na si Trixie. Trixie, one of her sexiest classmate nun at alam nyang me gusto eto kay Ash nun. Ang balita nya ay naging mag jowa naman daw ang dalawa pero saglit lang. Hindi naman nya alam kung totoo. She didn’t ask. She did not want to know or confirm. “I will let you know.” Nakangiting sagot neto at buong pagmamahal na tumingin kay Alexis. Pakiramdam naman ni Sabina ay sumikip ang paligid at nahirapan syang huminga. Pasimple na lang sya uminum ng tubig. “How about you Sab? Have you find the one?” pang aasar na naman ni TJ sa kanya. Ewan nya ba bakit tila hindi nasisindak ng kasungitan nya ang isang to. Matapos nyang isnabin ang panliligaw neto sa kanya nun second year college sila, hindi naman eto umiwas sa kanya. Naging kaibigan nya din eto. “Yeah I found him already.” Walang anumang sagot nya dito. She heard oooohs from the group. Hindi naman kaila sa mga classmates nya na colorless at boring ang buhay nya mula pa nuon. “Sino naman ang matapang na lalake na nakatibag ng puso mong bato?” dagdag pang aasar neto sa kanya. She heard Moira laughed. “Naku TJ, pag etong kaibigan ko, na in love, magpaparty talaga ko.” Moira hugged her after saying that. Indi naman sya napipikon sa kaibigan, matagal na syang gusto neto magkaboyfriend. Ilang beses na nga sya netong sinet up sa blind date. Mamaya pa ay nagsalita na si Eula to thank everyone for coming sa birthday party nya. After which, nag umpisa na silang kumain at pinagpatuloy ang kamustahan at kwentuhan. She heard some of her classmates ay naging successful running their own family businesses like Moira and TJ. Some started their own companies. Kahit hindi naman nya naging ka close ang mga eto, she’s sincerely happy to hear na successful ang mga classmates nya. Just like Ash. Sabina noticed that Alexis is quiet most of the time. Ngingiti lang eto ng tila nahihiya at sasagot pag tinatanong. Nang makasabay nya eto sa pagkuha ng dessert ay nagkausap sila neto. “Hi ma’am Sabina. Mahilig din po kayo sa cake.” Nahihiya netong bati sa kanya. “Yes. I love chocolate cake. And don’t call me ma’am here. Hindi mo ako boss dito.” sagot nya dito. “Nakasanayan lang po.” “Babe.” Sabay pa sila napalingon ni Alexis sa pinanggalingan ng boses. It was Ash. Humawak agad eto sa kamay ng girlfriend pagkalapit. “Let me.” sabi neto sabay kuha sa hawak na dessert plate ni Alexis at tinanong neto alin alin ang gusto neto. Sabina felt jealous pero tinatagan na lang nya ang sarili at nagpaalam sa dalawa. They just continued talking and reminiscing their college days. Paminsan minsan ay nagbibiro ang mga classmates ni Sabina na naiilang daw silang lumapit sa kanya kasi sobrang talino nya at hindi pala imik. She just gave them a lazy smile. The truth is, she was afraid back then na makipag kaibigan sa mga eto dahil sa layo ng agwat ng buhay nya sa mga eto. It was only Moira na matyagang kinakausap sya. She did not feel accepted nun. Ash was kind or rather civil to her dahil alam netong scholar sya ng foundation ng kompanya ng magulang neto. Napalingon sya sa gawi ni Ash dahil sa naisip and she saw him looking at her too pagkatapos ay nagbawi eto ng tingin. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD