Kasabay ng malakas na buhos ng ulan ang pagbuhos ng aking kalungkutan. Sunod-sunod na busina ng sasakyan sa labas ang nakatawag pansin sa amin ni yaya. Parehas kaming napatayo mula sa pagkakaupo, tumingin sa isa't-isa. "Mark silipin mo nga yun kung sino." utos nya. "Yah naman ikaw na. Birthday ko po ngayon." "Nako ikaw talagang bata ka." Agad naman naglakad si yaya papuntang pintuan para tignan kung sino yung nasa labas. Ako naman ay bumalik ulit sa pagkain. "Mark may bisita ka." natigilan ako sa pagsubo. Kinabahan talaga ako ng marinig ko ang boses nayun ni yaya. "Sino naman yun?" sabi ko sa isi-isip ko. Nanlaki ang aking mga mata. Nakita kong papasok si Maggie kasama ni yaya. Naka fitted jeans at pink shirt, simple pero sobrang sexy. Nakangiti sya habang nakatingin sa akin, nagl

