Kung kaya ko lang ibalik ang nakaraan, gagawin ko. Mas pipiliin kong hindi ko nalang makilala ang isang Kevin Huget sa buhay ko. Nagbago ang buhay ko, mas nagbago ang buhay nya. Nasasaktan ako ng sobra dahil nasasaktan ko sya. Kung alam nyo lang kung gaano kabigat sa pakiramdam tuwing ako ay papasok na hindi sya kasama. Ang bagal ng pagdaan ng mga oras ko nung nawala sya sa buhay ko. Nung mga unang araw, madalas kaming magkasalubong sa mga pasilyo ng eskwelahan. Lagi syang may kasama at ganon din naman ako. Kilala na ako ng mga kaibigan nya at ganon din naman sa akin kaya hindi maiiwasang magkabatian at konting kwentuhan kapag nagkakasalubong sa mga daan. Nagkaka-ngitian parin naman kami ni Kevin pero hanggang dun nalang. Madalas magtanong ang mga kaibigan namin kung bakit hindi na kami

