Natalo kami pero dalawang puntos lang naman ang lamang. Hindi na nakapaglaro si Kevin sa natitirang oras ng laban. Hindi naman grabe ang injury niya. Natapilok siya at medyo nabugbog ang paa pero mukang okey naman na. Nagawa pa nga niyang tumayo mula sa pagkakahiga at nakapaglakad pa kahit na walang umaalalay na iba, yun nga lang ika-ika. Yari na ang game ng bumaba ako para lapitan siya. Galing ako sa likod, sa gawing itaas niya. Hinawakan ko siya sa balikat, hindi niya ako agad nakita. "Okey ka lang?" Napalingon siya. Umupo naman ako sa tabi niya. Natagalan siya bago makasagot. "Wala to." "Sigurado ka?" "Wag ka mag-alala. Okey lang talaga ako." medyo napapangiti na siya. "Ayos laro natin kanina ah." "Hindi naman." "Ang dami mo na agad fans." "Oo nga eh. Ikaw ang number 1. Hahaha

