Natigilan ako ng ilang minuto, litong-lito sa kung ano ang gagawin ko. Sa gitna ng mga nakabiting katanungan sa isip ko, bigla-biglang nanumbalik ang mga alaala ng kahapon kasama siya. Mabilis na dumaan ang mga yun, saglit lang pero tumagos sa puso ko. Tinawagan ko siya para makausap ng mas maayos. Namiss ko ata bigla ang isang Mariel Santos. "Oh." bungad na salita palang mula sa kanya, alam kong may dinaramdam siya. "Wag ka naman ganyan. Diba sabi ko sayo ayoko na umiiyak ka?" "Bad ka kasi eh." "Sabi ko pa sayo dati ayoko ng nagbe-baby talk ah." "Sorry." "Ayoko rin ma-drama." "Hahaha." "Good." "Tiniis kong maging malayo sayo dahil..." "Pssst. Ayan ka na naman. Hindi mo na kailangan na sabihin yan dahil naiintidihan kita... naiintindihan na kita. Basta. Kwentuhan mo nalang ako."

