Ngumiti siya. "Ah... Ganon ba." tugon niya. "Sinasabi ko to dahil ayokong maglihim sayo." Hindi siya kumibo. Tinitigan lang niya ako. Kahit hindi siya magsalita, nararamdaman ko naman ang mga mata niya, malalim pero may sinasabi, malabo pero nababasa ko. Nilapitan ko siya, tinabihan, inakbayan. Tinitigan ko ang kanyang mukha ng malapitan. "Mahalaga ka sa akin Kevin." Hindi ulit siya nagsalita. Inalis niya ang kamay ko na nakaakbay sa balikat niya. Dumusog siya ng kaunti papalayo sa akin. Sinundan ko siya. Dumusog ako palapit sa kanya. Inakbayan ko ulit siya ng mas mahigpit kaysa sa kanina. "Ano ba. Nasasakal ako." naiirita niyang sambit. Hinawakan niya ako sa kamay at pilit niyang inalis ang aking akbay. Lumaban ako pero nagawa parin niya yun tanggalin. "Sorry Kevin." Tumayo na

