"Baguio?" "Muka ba 'kong nagbibiro?" "Ibalik mo na Kevin. Seryoso, ayoko pumunta. Kung gusto mo ikaw nalang mag-isa." "Sus." "Tignan mo nga suot mo. Yan ba yung ipupunta mo ng Baguio, ha?" "Oh bakit? Ano problema dun? Komo naka todo porma ka jan eh. Tssk." "Loko. Sige bahala ka. Tigas ng ulo mo." "Ano naman naisipan mo at nagpakalbo ka?" tanong niya. Halatang iniiba ang usapan. "Semi kalbo yan hindi kalbo." sagot ko. "Ganon din yun. Bakit nga?" "Sikreto." "Ah. At may nalalaman kapang secret ngayon. Hindi bagay." "Hindi bagay yung alin? Yun gupit ko?" "Hindi. Hindi kako bagay sayo yung may secret secret pa. Kuha mo na?" "Ah. Sige mag drive ka muna jan. Bahala ka kung saan mo gusto pumunta. Kahit sa Iraq pa. Wag lang sa Langit. Tutulog muna ako. Nahihilo na ksi ako eh." Pum

