Hindi halatain ang tatoo. Halos isang sentimetro lang ang laki at hindi mo agad mapapansin kapag nilapitan ng tingin. Ewan ko, dahil siguro sariwa pa yun. Pero kahit na, hindi ko parin sukat akalain na magagawa niya yun para sa akin. Nagsisimula ng umihip ang mas malamig na hangin. Kumakapal narin ang mga ulap na unti-unti tumatakip sa manipis na liwanag ng araw. Pasado alas dos palang ng hapon pero parang sabik na sabik ng pumasok ang gabi. Ganito pala kapag Desyembre sa Baguio. "Tara na?" aya niya. "Five more minutes." sabi ko. Pinagmasdan kong mabuti ang paligid. Ninamnam ko ang bawat segundong nalalabi ko sa Baguio. Ang lugar kung saan nagsimula ang lahat. *** Halos mag aalas nuebe na ng gabi ng makarating kami sa Pampanga. Hinatid muna niya ako sa bahay at pagkatapos a

