Pinagmasdan ko lang siya. Hinayaan ko lang muna siya kumalma. Mukang nasobrahan ata ang sorpresa ko. Balak ko lang naman na gulatin si loko. Yung sakto lang. Tipong ganon. Ilang sandali pa ay ako na ulit ang nagsalita. "Hey... hey... are you okey?" nakangisi kong tanong. Tinignan niya ako ng masama. Mali ata ang naging birada ko sa kanya. Napayuko nalang ako sa hiya. "Sorry." nalang ulit ang nasabi ko. Takte bakit ba sablay na naman ako! "Ilang beses ka ba magso-sorry, ha Mark? Ganon nalang ba yun? Sorry lang tapos okey na?" pagalit ang kanyang tono. "Eh hindi ko nga sinasadya." "Wak ka na boy." Patay! Inangat ko na ang aking ulo para harapin ang galit niya tutal kasalanan ko naman talaga. Seryoso parin ang kanyang mukha at bakas parin ang paghabol ng kanyang hininga. Napaatras

