“BAKIT PATI SI KATH, gusto ninyong isali diyan sa kalokohan ninyo?" Ay, sus! Nagpapaka-prince charming na naman itong si James, daig pa ang istriktong Tatay ni Kathleen. Aaminin ni Ike nasaktan siya sa sinabing iyon ni James pero nagsawalang-kibo na lang siya. Naipaliwanag na rin naman niya ang lahat, pero alam niyang hindi pa iyon sapat para makumbinsi si Kathleen. Dahil wala pa siyang sapat na katibayan kung talagang nawawala nga ba si Samuel. "Sigurado ka bang nawawala si Sam?" Paninigurong tanong bigla ni James habang hawak nito ang cellphone, "Tingnan mo, kaka-upload lang niya sa nangyaring Midnight Man Game!" Nagkunot ang noo ni Ike, at saka na rin niya kinuha ang cellphone ni James para mapanuod ang tinutukoy na video nito. Nakita niyang isang oras palang simula nang ma-upload

