DAHIL SA PAREHAS na nakaramdam ng pagod sina Ike at Christine ay kapwa sila nakatulog na magkayakap.
Habang lumalalim ang gabi ay lumalalim na rin ang pagkakatulog ni Ike. Nanaginip siyang naglalakad patungo sa apartment ni Christine. Naabutan pa niyang nakabukas ang pintuan nito kaya pumasok na siya sa loob. Pero bigla siyang natigilan nang makita niya si Samuel na nakatayo sa tapat ng bintana. Hindi na rin nakawala sa paningin niya ang p@t@l!m na hawak nito. May nakita rin siyang pvl@ng l!k!d0 na tumutulo roon. At dahil doon ay kaagad na siyang nakadama ng takot. Aktong lalabas na ulit siya ng apartment ni Christine nang bigla naman niyang nakita ang dalaga na nakahandusay sa sahig, at naliligo na sa sariling dvg0.
“Mga traydor kayo! Niloko n’yo ako! P@p@t@y!n kita, Ike!” Singhal ni Samuel na parang umeecho pa ang boses nito sa buong apartment.
Nagulantang si Ike nang umakto si Samuel na susugurin siya. Kaya naman napabalikwas siya sa kanyang hinihigaan. Doon na rin niya narinig ang malakas na pagtunog ng alarm clock sa cellphone niya. Lihim siyang nagpasalamat dahil panaginip lang pala ang lahat.
“Are you okay?” nag-aalalang sita ni Christine. Namumungay pa ang mga mata nito na halatang bagong gising rin.
“O-Oo,” maikling tugon ni Ike. Nagawa pa niyang suklayin ang buhok niya sa pamamagitan ng mga daliri niya sa kamay. Pagkaraan ay tumayo na siya para ihanda na ang mga gagamitin nila sa ritual ng ‘The Closet Game.’ Sinet-up na rin niya ang mga camera.
Ilang minuto na lang din, at mag-aalas tres na ng madaling araw. Sinimulan na niyang pahiran ng sariling dvg0 ang kanyang white card. Pagkaraan ay inilagay niya iyon sa labas ng kuwarto kasama ang card ni Kathleen.
“Sigurado ka na ba?” paniniguro pa rin ni Christine habang inaabot ang posporo.
“Oo,” tugon naman ni Ike. At saka na rin niya p!n@t@y ang ilaw ng lampshade sa kuwarto ni Christine.
Gamit ang flashlights ng kanilang cellphone, ito na lang muna ang magsisilbing ilaw nila patungo sa kani-kanila nilang closet. Dalawang minuto silang naging tahimik habang nasa loob. Eksaktong alas-tres na nang sabay nilang banggitin ang mga katagang…
“Ipakita mo sa akin ang liwanag o iwan mo ako sa gitna ng kadiliman!”
Nakakabinging katahimikan ang sumagot kay Ike. Pero ilang saglit pa ay parang may mainit na hangin siyang nararamdaman sa batok niya. Kaya naman, dali-dali na siyang nagsindi ng posporo.
Noong una ay nahirapan pa si Ike dahil hindi niya mapigilan ang pangangatog ng kanyang mga kamay, at naputulan pa siya ng palito. Pero nang magawa na niyang masindihan ang ikalawang palito, parang mukha ni Samuel ang bumungad sa kanyang harapan.
“P@p@t@y!n kita!” galit nitong sabi na parang galing sa pinakailalim ng lupa ang boses nito.
Dahil sa pagkabigla ay wala sa loob na natulak ni Ike ang pintuan ng closet. Bumukas ito, at bumagsak siya sa sahig.
“What happened?!” bulaslas ni Christine, at lumabas na rin ng closet para tignan si Ike.
“S-Si Samuel! N-Nakita ko si Samuel sa loob!” hinatatakutang tugon ni Ike habang tinuturo nito ang naturang closet.
Mabilis na binuksan ni Christine ang ilaw, at kaagad itong sumilip sa loob ng closet na pinanggalinggan ni Ike. At ilang saglit pa ay biglang tumawa ng malakas si Christine, “Sorry, hindi ko natanggal ‘yung tarpoline ni Samuel rito sa closet ko!” natatawang pinakita nito ang close-up picture ni Samuel na nakadikit sa dingding ng closet nito. Malaki iyon at napakalinaw. May nakalasukat pa roon na salitang 'I Love You.'
Inis na tumayo na si Ike. Nakaramdam na rin siya ng galit hindi dahil pumalpak ang ‘The Closet Game’ nila, kungdi dahil sa tarpoline ni Samuel. Lihim siyang nasaktan dahil hindi siya magawang ipagmalaki ni Christine sa lahat bilang kasintahan nito, “Bakit ka kasi naglalagay ng ganyan sa closet mo?” inis niya.
“Si Samuel ang naglagay nito hindi ako!” natatawang sabi ni Christine, “Para daw lagi ko siyang nakikita!”
Pero hindi nagustuhan ni Ike ang sinabing iyon ni Christine kaya nang gabi ring iyon ay nagpasya na siyang huwag nang ulitin ang laro. Sinimulan na rin niyang iligpit ang kanyang mga gamit.
"Uuwi ka na?" Sita ni Christine nang mapansin nitong nag-aayos na ng sarili ang binata.
"Oo," maikling tugon ni Ike, "H-Hindi na rin maganda ang pakiramdam ko."
"Dahil lang sa tarpoline ni Samuel?" Hindi makapaniwalang tanong ni Christine.
"Hindi lang ito sa lintek na tarpoline na 'yun, Tin! Matagal na rin akong s!nvsvnd0t ng konsensya ko! Bestfriend ko si Ike, pero nagagawa ko siyang traydurin!" Pag-amin ni Ike.
Nagpawala ng marahas na hininga si Christine, "Ayaw mo na?"
"Mahal kita kaya itigil na natin ito!" Matapang nang sagot ni Ike saka na siya binitbit ang kanyang mga gamit saka na tinalikuran ang dalaga.
"Ike..." Pagtangka pang paghabol ni Christine sa binata.
Pero talagang desidido na si Ike na tapusin na ang lahat sa kanila ni Christine. Totoong nilalamon na rin siya ng konsensya niya.
Ang buong akala ni Ike ay magiging madali sa kanya na maayos ang lahat ganoong nagpasya na siyang tapusin kung anong mayroon sa kanila ni Christine. Pero nagkamali siya dahil lumipas ang ilang araw, matapos niyang gawin ang 'The Closet Game' ay gabi-gabi na lang niyang napapaginipan si Samuel. Paulit-ulit ang mga scenario, at paulit-ulit rin ang mga sinasabi nito.
"Traydor ka, Ike! P@p@t@y!n kita!"
Ramdam na ramdam ni Ike ang butil-butil na pawis sa kanyang noo at leeg ganoong nakabukas naman ang aircon ng kuwarto niya. Hindi niya alam kung ano ba ang nangyayari sa kanya.
Hanggang ngayon ay naiinis pa rin si Ike kapag naaalala niya ang picture ni Samuel na nakadikit sa loob ng closet ni Christine. Pero habang lumilipas ang mga araw ay tumitindi ang pag-usig sa kanya ng konsensya dahil sa ginagawa nilang panloloko. Dumagdag pa sa pag-iisip niya ang tungkol sa Stranger's Challenge.
Napatingin si Ike sa wallclock na nakasabit sa dingding ng kanyang kuwarto. At doon niya napagtanto na pasado alas-tres palang ng madaling araw. Hirap na ulit siyang makatulog kaya nagdesisyon na lang siyang bumangon, at magtungo sa banyo. Hinilamusan niya ang kanyang mukha, bakasakaling mawala ang bigat na kanyang nararamdaman. Pagkaraan ay tinitigan niya ang sariling repleksyon sa salamin kung saan may napansin siyang may kakaiba sa likod ng shower curtain.
Nagsimulang kumabog ang dibdib ni Ike. Nakadama siya ng takot pero mas nangingibabaw ang curiosity niya. Palihim niyang pinakiramdaman ang buong paligid. At dahan-dahan na rin niyang iniangat ang kanyang mga kamay para abutin ito. Pero hindi pa niya ito tuluyang nahahawakan nang biglang may lumitaw na isang nilalang na may suot na itim na hooden jacket. At mabilis siya nitong sinunggaban ng hawak nitong kvts!ly0.